Its been 2 weeks since the last time I saw Luther. Di ako nagpakita sakanya oh umuwi man sa bahay. Nag stay ako kina mommy. Alam na lahat nila ang nangyari at ang nanay na mismo ni Luther ang nagsabi na tama ang ginawa ko. Na layuan muna si Luther para matimbang ang nararamdaman ko para sakanya. Sa loob ng dalawang linggo laging pumupunta si Luther sa bahay pero di ko sya hinaharap. Pinapasabi ko kina mommy na wala ako. Mahirap oo, pero kailangan ko to para makalimutan ko ang ginawa nya. At sa mga panahon na wala si Luther sa tabi ko doon ko narealize na namimiss ko na sya. Gusto ko na syang yakapin halikan at patawarin. Alam ko na nahihirapan na din sya sa nangyayari. Kaya ngayon araw na to uuwi na ako sa bahay namin ng asawa ko. Panahon na nga siguro para mag usap kami ng maayos.

