bc

Babylon and the 4 Kingdoms

book_age16+
275
FOLLOW
1K
READ
dark
kickass heroine
powerful
brave
warrior
fairy
deity
supernature earth
another world
supernatural
like
intro-logo
Blurb

When the four Gods; Saphira, Zephir, Jafar and Raftel created the world of Babylon, after the Ancient war, peace flourished throughout the entire land under the rule of their High Kings and Queen.

But, hundreds of years later, a wicked king named Artemiar of Alkasia tried to conquer the other kingdoms and wishes to rule it with tyranny and fear; Kimor, a Wise and Kind king puts up a fight to the unjust rule of Alkasia, together with his trust-worthy allies, Kimor declared war and wishes to stop Alkasia.

He ordered his troops to find the legendary Guardians of Babylon to help them restore peace. Jibreel, the heir to the throne of Sanyar ended his long-term adventure and travelled back to his homeland when he learned that the Kingdom of Parsis has fallen to the hands of King Artemiar.

Later on his journey back home, he met a mysterious girl named, Astora who was being harassed by some Alkasia’s Soldiers.

Because of his kind nature, Jibreel helped Astora and get her to safety, they both parted their ways.

When Jibreel finally arrived in Sanyar, his father, Kimor threw a feast for him. Astora was astonished to see her savior in the feast for the arrival of the Prince.

She later discovered that the man who saved her was actually the Prince everyone is talking about.

chap-preview
Free preview
UNANG KABANATA— BABYLON
SA MUNDONG ating ginagalawan, maraming bagay tayong hindi pa natutuklasan at lubos na nauunawaan. Katulad na lamang ng mundong hindi pa napupuntahan ninoman, ang mundo kung saan maraming nilalang ang hindi mo aakalain na dito mo lamang matatagpuan, mundo na hindi aakalain ninoman na tunay at nakatago lamang sa mata ng sangkatauhan. Ang mundo ng Babylon. Lingid sa kaalaman ng sangkatauhan at taliwas sa paniniwalang tayo lamang ang nilikha ng maylalang, ay may isang mundo na tahanan ng iba’t-ibang nilalang. Ang Babylon ay binubuo ng Apat na pangunahing Kaharian na namumuhay ng mapayapa sa ilalim ng patnubay ng kanilang mga minamahal na Bathala. SA KAHARIAN NG SANYAR Kasalukuyang nagsasagawa ng pagpupulong si Haring Kimor at ang kanyang konseho sa palasyo ng Sanyar ukol sa pananakop ng Kaharian ng Alkasia. “Kamahalan, Hihintayin pa ba natin na pabagsakin ni Artemiar ang Uryon bago natin labanan ang kanyang maitim na adhikain sa buong Babylon? Sa sandaling mapabagsak nila ang Uryon na ating kapanalig ay madali na lamang tayong magagapi ng mga Alkasir, ” saad ng pinakapuno ng konseho. “May punto ang pinuno ng konseho, kamahalan, ” Pagsang-ayon ng heneral ng hukbo; si Renzir. Nananatiling walang kibo ang Hari ng ilang saglit hanggang sa marinig ng lahat ang kanyang mahinahon ngunit ma-otoridad na tinig. “Hindi ko akalain na sa ilang daang taon ko ng pamumuno ay sa akin pang mga bibig manggagaling ang utos na magiging dahilan ng pagkasira ng bawat pamilya sa Sanyar, ” malungkot na tugon ni Haring Kimor. “Magpadala ng liham sa Kaharian ng Uryon na nais kong makipag pulong kay Haring Vartos.”  Dagdag pa nito. “Masusunod kamahalan!” sagot ng heneral kasabay ng pagbibigay pugay sa papalayong hari. At sa utos nga ng Hari ay madaliang nagpadala ng mensahero ang Kaharian ng Sanyar sa Kaharian ng Uryon. SA KAHARIAN NG ALKASIA Kasalukuyang nagdidiwang ang palalong Hari na si Artemiar sa natamong pagkapanalo laban sa Kaharian ng Parsis. “Binabati ko ang iyong matagumpay na pagsakop sa Parsis, Mahal na Haring Artemiar, ” pagbati ng Gurdashi (Punong Heneral)  ng Kaharian ng Alkasir na si Adelyon. “Hindi pa dito natatapos ang lahat, Adelyon. May dalawa pang kaharian ang hindi kumikilala sa aking pamumuno. Hangga’t hindi sila nagpapasailalim sa aking pamumuno ay magtatangka silang pabagsakin ako at ang Alkasia na hindi ko pahihintulutan habang ako ay nananatiling humuhinga sa Babylon, ” ganting tugon ni Artemiar. “Huwag kayong mabahala sa kanila kamahalan, sila ay mga hamak na mangangaso at tagapag-tanim lamang ng makakain dito sa Babylon, ni hindi sila marunong humawak ng sandata, ” Kampanteng saad ni Joco, ang anak na prinsipe ni Artemiar. “Ganyan din ang aking saloobin bago ko lusubin at gapiin ang mga Parsiyan na buong akala ko’y hindi marunong gumamit ng sandata, na sa huli ay nagbigay sa akin ng ibayong hirap bago ko makamtan ang tagumpay, kung kaya’t huwag tayong pakasisiguro, ” Tugon ni Artemiar.                                                                           SA KAHARIAN SA NORTE Dumating na sa Uryon ang mensaherong ipinadala ni Haring Kimor na mainit namang tinanggap ng Hari ng mga Ur na si Vartos, na kasalukuyang nakaupo sa kanyang trono na gawa sa ginto, ang itaas na parte ay binalutan ng telang gawa sa mga balat ng hayop. “Mayroon po akong mensahe galing sa aming Hari, kamahalan, ” Saad ng mensahero kasabay ng kanyang pagluhod upang magbigay pugay sa Hari ng Uryon. “Magwika ka, ” utos ng hari. “Inaanyayahan po kayo ng aming hari sa isang piging sa Sanyar sa darating na pagbilog ng buwan upang dumalo sa pagdiriwang ng masaganang ani ng aming kaharian, bukod pa rito ay nais din kayong makausap ng aming hari patungkol sa ginagawang pananakop ng Alkasia sa Babylon, ” saad ng mensahero. “Mainam, iyong baunin sa iyong kaharian ang isang karwaheng puno ng karne ng mga bagong huling hayop kasabay ng aking pagpayag sa kanyang imbitasyon, humayo ka!” Bilang tugon sa utos ng Hari ay agad tumayo at nagbigay galang ang mensahero bago tuluyang umalis upang bumalik sa kanyang kaharian. Nagbigay ng kautusan si Haring Artemiar sa mga mamamayan ng Parsis na kanya ng sinakop sa pamamagitan ng kanyang anak na si Prinsipe Joco. “Ipinararating ng aking Amang-hari sa mga mamamayan ng Parsis na ang lahat ng kalalakihan mula sa gulang na sampu ay ipapadala sa aming Kaharian upang magsanay at makapag silbi sa hukbo ng Alkasia hanggang sa kanilang huling hininga! ” Kasabay ng deklarasyon na ito ni Prinsipe Joco ay siya namang pagkuha ng pwersahan sa mga batang naninirahan dito, lahat ng sumalungat ay kaagad nilang pinapaslang ng walang kalaban-laban. Habang nagdidiwang ang Kaharian ng Sanyar sa kanilang masaganang ani na dinaluhan din ni Haring Vartos at isa sa kanyang heneral ay dumating ang isang espiya ng Sanyar upang mag ulat kay Haring Kimor sa naganap na pagdukot sa mga batang Babylonian. “Ako ay lubos na nahahabag sa mga mamamayan ni Haring Parris, kung sana lamang ay agad tayong nakapag bigay tulong sa kanilang kaharian ay hindi sana siya napaslang kasama ng kanyang pamilya at hindi makararanas ng kalupitan ang mga Parsiyan.” Malungkot na saad ni Haring Kimor sa Hari ng Uryon na nasa kanyang tabi. “Alam ko na ang iyong nais imungkahi, Kimor. Nakasisiguro akong gusto mong wakasan ang di makatarungang pamumuno ni Artemiar, tama ba ko?” tanong ni Vartos “Bagama’t hindi ko nais lupigin ang lahi ng mga alkasir ay hindi ko na mapapayagan pa ang kalapastanganang ginagawa ng kanilang hari sa mga mamamayan ng Babylon, ” sagot ni Kimor “Ngunit papaano natin magagapi ang kalabang hindi lamang bihasa sa paggamit ng sandata kundi mayroon ding angking galing sa digmaan?” Naguguluhang tanong ng Hari ng mga Uryon “Kailangan nating sanayin ang ating mga Hukbo upang matalo ang Alkasia, kinakailangan nating humingi ng tulong sa mga Gabay ng Babylon, ” wika ni Haring Kimor. Ang mga gabay ay mga sinaunang mandirigma ng Babylon na lumaban sa lahi ng mga demonyong nagtangkang sakupin sila noong unang panahon. Sila ay kasalukuyang nasa iba’t-ibang lugar sa Babylon, namumuhay ng payapa at nagmamatyag lamang sa mga mamamayan ng Babylon.                                                                   Sa isang kagubatan na sakop ng Kaharian ng Ur ay may isang marikit na Babylonian siya ay madalas na nagpapalipat-lipat ng tahanan dahil sa tila isang sumpa niyang karikitan. Lahat ng kalalakihan ay madaling nahuhumaling sa kanya. May mga dumating na miyembro ng hukbo ng Alkasia malapit sa kanyang tirahan ng mapansin nang mga ito ang kanyang taglay na kagandahan ay nilapitan siya ng ilan sa mga ito. “Kumusta ka Binibini? Tila yata ikaw ay naliligaw ng landas, gusto mo bang samahan ka naming sa iyong tahanan upang mapanatili ang iyong kaligtasan? tanong ng isa sa mga kawal. “Aking ikinatutuwa ang inyong pagmamagandang loob mga Ginoo, ngunit alam kong hindi mapanganib ang lugar na ito bago pa man kayo mapadpad dito, ” magalang na tugon ni Astora. Ngunit tila yata minasama ito ng mga kawal at pilit siyang hinihila upang isama sa kanila. “Masyado ka yatang mapagmataas Binibini, halika dito!" galit na saad ng isa sa mga kawal. “Bitiwan ninyo ako! Mga lapastangan kayo!” “Hindi ka namin sasaktan binibini kung kami ay iyong paliligayahin ngayong gabi!" Mula sa kawalan ay may isang tinig na narinig ang lahat na naging dahilan upang pansamantalang mapatigil at mabitiwan ng mga kawal ang Binibini. “Bitiwan ninyo siya!” sigaw ng isang di-kilalang nilalang sa di kalayuan “Huwag kang makikialam dito Babylonian, kung ayaw mong paslangin ka namin!” banta ng isa sa mga kawal. “Tila hindi ninyo ko narinig, kayo ba ay mga bingi o sadyang mga inutil?” sarkastikong tugon ng Misteryosong Babylonian. Pinalibutan siya ng mga kawal ng Alkasia at sabay-sabay siyang inatake ng mga ito ngunit mabilis niyang nasipa at nasaksak ng kanyang sandata ang isa sa mga ito na ikinagulat at ikinatakot ng lahat. “Ngayon, aalis kayo o papaslangin ko ang bawat isa sa inyo?”  banta ng Babylonian sa mga kawal ng Alkasia. “H-Hindi pa dito natatapos ito, pakialamero! Humanda ka sa susunod nating paghaharap!” ganting-banta ng isa sa mga kawal na agad namang umalis. Nilapitan ng Misteryosong Babylonian si Astora upang kumustahin kung kanyang kalagayan. “Maraming Salamat sa iyong tulong Ginoong?”  tanong ni Astora “Ezekiel...Ezekiel ang aking ‘ngalan, Binibini, ” “Ako naman si Astora, Maraming salamat ulit, Ginoong Ezekiel.” saad ni Astora kasabay ng pagtalikod at paglayo. Ilang sandali pang naiwan na nakatayo si Ezekiel sa gitna ng kagubatan habang nakatitig sa daan na tinahak ng magandang binibini.                                                                             SA KAHARIAN NG SANYAR “Kinakailangan nating Makita ang mga Gabay ng Babylon upang humingi ng tulong sa ating mga suliranin dahil sa Alkasia, ” sambit ng Hari ng mga Sanyas. “Ngunit kamahalan, saang lupalop naman natin matatagpuan ang mga sinaunang tagapagtanggol ng Babylon?” tanong ni Renzir “Hindi ko rin masasagot ang iyong katanungan, Renzir, ako man ay hindi pa sila nakakaharap at magmula noong matapos ang digmaan ng mga taga Babylon at mga Demonyong mananakop ay hindi na sila muli pang nasilayan, ” “Kung inyong mamarapatin Kamahalan, ako na ang mamumuno sa paghahanap sa mga Gabay” “Gawin mo ang iyong nais, Gurdashi Renzir. Humayo ka at pagpalain ka sana ng ating mga Bathala!” Agad namang tumalima si Renzir at umalis kasama ang sampu sa kanyang mga tauhan pagkatapos magbigay galang sa kanyang hari. SA KAHARIAN NG URYON Matapos dumalo sa piging sa Sanyar at malaman niya ang binabalak na paglaban ng mga Sanyas sa mga mapanakop na Alkasir ay agad niyang ipinatawag ang kanyang mga heneral upang magbigay ng mahalagang utos. “Magpadala kayo ng isang mapagkakatiwalaang kawal sa Kaharian ng Alkasia, inyong ipabatid sa kanilang Hari ang binabalak na paglaban sa kanila ng mga Sanyas, ipatanong din ninyo sa kanilang hari kung ano ang kanilang magagawa para sa atin kung tayo ay hindi makikilahok sa nalalapit na digmaan, ” “Ipagpaumanhin ninyo kamahalan, ngunit lubos akong nagtataka, tayo ba ay papasailalim sa mga Alkasir kung sakaling sila ang magwagi sa digmaang magaganap?” nag-aalalang tanong ng punong heneral na si Urbed. “Yun nga ang aking aalamin kung kaya’t nagpapasugo ako ng isang mensahero sa Alkasia dahil kung hindi ko magugustuhan ang kanilang magiging tugon ay makikilahok tayo sa digmaan at papanig sa mga Sanyas, ” “Ngunit kamaha—” “Wag ka nang marami pang iminumungkahi, Urbed. Sundin mo na lamang ang aking ipinag-uutos!” galit na utos ni Haring Vartos. “Patawad sa aking naipamalas na kalapastangan, kamahalan, ” “Humayo ka na at sundin ang aking tagubilin, ” “Masusunod, Kamahalan!” Nagbigay pugay muna ang heneral bago tuluyang lumisan. Nasa gitna ng paglalakbay si Astora upang mamili ng kanyang mga pangangailangan ng kanyang matunghayan ang nagaganap na pagdukot ng mga kawal na Alkasir sa mga kabataan ng isang nayon na kanyang nadaanan. “Ama! Ina! Tulungan ninyo ako!" sigaw ng isang batang Parisyan. “Pakawalan ninyo ang aking anak, parang awa na ninyo mga Ginoo!” pagmamakaawa ng ama ng bata. Ngunit sa halip na mahabag ang mga Alkasir at pakawalan ang bata ay kanila lamang pinagtawanan ang desperadong Parsiyan. Dahil na rin sa nararamdamang desperasyon ng ama na mabawi ang bata ay nagtangka siyang agawin sa mga kawal ang kanyang anak subalit sa kasamaang-palad bago pa niya makuha ang kanyang batang anak ay nakapag pasya na ang malulupit na kawal na paslangin siya. Sinaksak siya ng espada malapit sa kanyang dibdib na kaagad namang ikinimatay ng Parsiyan. “Mahahabaging mga Bathala, bakit ninyo pinapayagan ang ganitong mga kasamaan sa inyong mga nilikha?” piping sambit ni Astora. Sa isang dako naman sa teritoryong sakop ng Sanyar ay naghahanap ng mga bakas ng mga gabay si Renzir kasama ang isang pulutong ng kawal ng sa di-kalayuan ay matanaw nila ang ilang mga sundalo ng Alkasia na may pinagtatawanang isang Parsiyan. Laking gulat nina Renzir ng mapagtantong ama ito ng batang kanilang pilit na kinukuha, hindi nila inaasahan ang mga sumunod na nangyari kung kaya’t nang kanilang makitang mapaslang ang kawawang Parsiyan ay agad silang sumugod upang mapakawalan ang mga kabataang kanilang binihag. Sa pagkabigla ng mga kawal ng Alkasia ay hindi sila nakalaban pa sa mga sumaklolong kawal ng Sanyar. Matapos mapaslang nila Renzir ang mga Alkasir ay agad nilang pinawalan ang mga kabataang bihag, agad namang dinaluhan ng bata ang kanyang napaslang na ama na kasalukuyang nakahandusay sa lupa at naliligo sa sarili nitong dugo. May napansin si Renzir na isang nilalang ang nagmamatyag sa kanila, kung kaya’t agad niyang inalerto ang kanyang pulutong. “Maghanda kayo may nagmamatyag sa atin, ” Agad namang tumalima ang mga kawal at naging mapag-matyag sa paligid, dahan-dahan lumapit si Renzir sa matataas na halamang pinagkukublihan ng nagmamatyag na nilalang. Sa bulwagan ng Palasyo ng Sanyar may nagpakitang Babylonian na may balot na tela sa kanyang mukha sa mga kawal na nagbabantay dito. “Kumusta mga kaibigan? Maaari ba akong pumasok sa inyong Palasyo?” bating salita ng Babylonian. “Sino ka? Magpakilala ka!” pagsinghal ng kawal kasabay ng pagtutok niya ng sandata sa nilalang. “Sandali lamang mga kaibigan, wala kong balak na masama sa inyo, ” “Sinabi nang magpakilala ka! Sino ka? Kung hindi ka magpapakilala ay ipipiit ka namin sa aming piitan, ” Sa sinabing ito ng kawal ay napahagalpak ng tawa ang di nagpapakilalang nilalang. “Bakit ka tumatawa? Walang nakakatawa sa aming tinuran!” Ibinaba ng nilalang ang telang bumabalot sa kanyang maamong mukha. Laking gulat ng mga kawal kung sino ang kanilang kaharap, agad silang lumuhod upang magbigay galang. “Maligayang pagbabalik mahal na Prinsipe, ipagpaumanhin po ninyo ang aming kalapastanganan, ” sambit ng isa sa mga kawal. “Tumayo kayo at wala kayong dapat na ihingi ng paumanhin dahil inyo lamang ginagawa ang inyong mga tungkulin, nasa palasyo ba ang aking ama?” “Opo, kamahalan, ” “Mainam, mauna na ko sa inyo, maaari na ba kong pumasok?" Panunudyo pa ng prinsipe sa mga kawal. Pilit na nagtatago si Astora sa nilalang na papalapit sa kanya. Kasabay ng paghakbang niya papalayo ay siya namang paghakbang papalapit ng Heneral ng mga Sanyar sa kanyang pinagtataguan. Nang hindi na makahakbang pa si Astora dahil na din sa malaking tipak ng bato na nakaharang sa kanyang daraanan ay bigla siyang sinunggaban at tinutukan ng patalim ni Renzir. “Sino ka? Bakit mo kami minamatyagan?” tanong ni Renzir. “Huminahon ka kawal, ibaba mo muna ang sandata mo kung gusto mo akong kausapin, ganyan mo ba talaga kausapin ang isang Binibini?” asar na tugon ni Astora. Ibinaba ni Renzir ang kanyang sandata at ibinalik sa kanyang tagiliran ng kanyang matitigan ang wangis ng nilalang na nasa kanyang harapan. “Paumanhin, Binibini. Ngayon maaari mo na bang sabihin kung sino ka?” “Ako si Astora, tinatahak ko ang landas patungo sa pamilihan ng bigla kong nadinig ang sigaw ng mga kabataan kung kaya’t agad akong nagkubli at inalam ang mga nangyayari,” “kung gayon bakit hindi ka na lamang agad lumisan ng Makita mo ang mga pangyayari o di kaya’y bakit hindi mo man lang tinulungan ang mga batang nangangailangan, tutal, mukha namang kaya mong gamitin ang sandatang nasa iyong katawan?” “At ano namang magagawa ng isang tulad ko laban sa mga kawal na mayroong mga espada at pana na nakadikit sa kanilang katawan? Nais mo ba kong mapaslang?” Natigilan si Renzir nang kanyang mapagmasdan ang maamong mukha ng Binibini kaya agad niyang ibinaba  ang kanyang sandata. “Patawad, Binibini. Hindi ko ninanais na masaktan ka, kung iyong mamarapatin ay sasamahan ka na namin sa iyong patutunguhan,” “Hindi na, wag na ninyong abalahin pa ang inyong mga sarili,” “Ngunit Binib—” Tinalikuran na ni Astora ang Heneral bago pa man nito matapos ang kanyang sasabihin.  Sa paglisan ni Astora ay naiwan sila Renzir na labis na nagtataka kung sino ba ang binibining kanilang nakilala. “Misteryosang, Binibini,” bulong ni Renzir.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.2K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.9K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.1K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook