CHAPTER 3

1370 Words
Chapter 3: Sky Kinabukasan nagising parin ako ng maaga kahit nakakapagod ang ginawa ko kahapong paghahanap ng trabaho hindi parin ako dapat mawalan ng trabaho dahil kailangan ko iyon. Naligo at nag almusal ako pagkatapos ay pumanhik na sa gagawin. Napagdesisyonan ko na lang rin na maglalakad na lang din sa araw na ito dahil nagtitipid ako ng pera saka baka may makita akong puwede mapasukan. Pumunta ako sa mga boutique baka naghiring sila pero bigo pa rin ako dahil hindi rin sila naghanap ng empleyado. Marami rami na rin ang aking napuntahan subalit wala pa rin akong nahanap. “Ang saklap ng buhay kong mahirap ka lang.” togon ko sa kawalan habang pinagmamasdan ang pamilyang masayang kumakain sa jollibee. Napakasaya nilang tingnan kung sana buhay pa yung aking mga magulang maranasan ko rin ang mga bagay na yun subalit ang nakakalungkot ay wala na sila nangugulila lalo ako sa kanila. Hindi ko maiwasan hindi papatak ang aking luha sa kalungkutan at sa hirap ng buhay ng walang pamilyang nakaalalay. Nagulat na lang ako ng may isang babaeng biglang nagsalita. “Anong nangyari sayo miss, may problema ka ba bakit ka umiiyak?” tanong nito bigla. Nakaupo kasi ako sa may waiting area sa tapat ng jollibee hindi ko naman inakala na may nakaupo na pala sa tabi ko. “Ah wala po napuwing lang po ako .” pagsisinungaling ko dito. “Ganun ba akala ko napano kana.” togon naman nito. Ngumiti na lang ako sa babae atsaka pinagmasdan ang mukha nito sobra pala itong ganda kahit wala namang make up sa mukha kung sa balat din naman maputi din ito mas maputi npa kaysa sa akin. “Ako nga pala si Sky.” Biglang pagpapakilala nito. Tinanggap ko na rin ang kamay niya kasi mukha namang mabait. “Summer yung pangalan ko.” sagot ko naman dito. “Parang magkatulad lang yung pangalan natin.” Asik naman nito. “Oo,” sagot ko nito kahit hindi ko naman naiintindihan. Tumawa lamang ito sa akin at nagtanong narin ulit ito. “Bakit ka nga pala nandito? Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakaupo dito? Kumain kana ba?” sunod-sunod na tanong nito. “Naghahanap kasi ako ng mapasukang trabaho dito kasi kailangan ko pero walang tumatanggap kasi high school level lang ako at saka wala daw bakante kaya heto umupo muna ako para magpahinga ika dalawang araw ko na kasi ito sa paghahanap ng mapapasukan ngunit wala pa rin akong mahanap.” sagot ko nito. “Kumain ka na ba?” balik tanong nito. “Hindi pa nga po kasi nagpapahinga pa po ako.” “Sige tara na kakain tayo libre ko at saka huwag ka ng mag po ano ka ba magkaedad lang tayo tawagin mo na lang akong sky, maari ba?” pakikiusap nito. “Sige sky ay! Nakakahiya naman kong sasama ako sayong kumain wala pa naman akong pera sky.” nahihiya kong sagot nito. “Sige na sumama kana huwag kana mahiya dahil libre ko naman at saka my good news ako para sayo, diba gusto mo ng trabaho kaya sumama ka na lang sa akin. Puwede ba?” ani nito. “Talaga sky sige sasama ako, oo kailangan ko po talaga ng trabaho kahit ano Sky puwede ako.” Asik ko nito. Kaya pumunta kami ng Jolllibee dahil doon gusto ni Sky na kumain sumunod na lamang ako dahil siya naman yung magbabayad kaya sige na rin kasi gutom na rin ako hindi na ako nahiya sa kanya. Si Sky na ang umorder ng pagkain nami at naghanap na lang ako ng mauupoan namin. Nang naka order na si Sky binitbit na niya ito patungo sa kinaroroonan ko. Paglapag ng pagkain sa lamesa namin ay nagsalita agad si Sky. “Kain na tayo alam kong gutom kana huwag kang mahiya,” ani nito sa akin. “Sige salamat sa pagkain” sagot ko na lamang nito. Ngumiti lang sa akin si Sky at pinagpatuloy na namin ang pagkain ng tahimik. Hindi ko alam na pinagmamasdan lang pala ako ni Sky habang kumakain dahil nakatotok lang talaga ako sa pagkain kaya hindi ko siya napapansin. “Maganda ka pala.” biglang asik nito. “Huh? Hindi ko kasi masyadong narinig kaya wala akong naintindihan sa sinabi niya.” “Sabi maganda ka pala Summer.” ulit nitong sabi. “Salamat ikaw rin ang ganda mo Sky.” togon ko pabalik nito. Humalakhak lamang ito at nagsabi na maganda kaming dalawa. “Tutulungan kita upang makahanap ka ng trabaho kasi may alam kasi akong naghahanap ng secretary na posisyon. Willing ka ba?” bigla nitong tanong sa akin. “Oo Sky kahit ano pero secretary di ba dapat nag college ang standards niyan?” tanong ko nito. “Huwag kang mag alala okay lang naman na high school graduate basta marunong lang sa mga gawain na pang secretarya Summer.” “Pero hindi ako marunong magcomputer masyado may alam ako pero hindi sapat kunti lang.” hinaing ko dito. “Akong bahala basta tutulungan kita tuturuan kita sa mga dapat gawin at dapat mong mga malaman kapag iyan ang trabaho mo.” asik nito. “Talaga? kung ganun marami talagang salamat.” pagpapasalamat ko nito. Pagkatapos namin kumain ay nanghingi ng numero sa akin si Sky binigyan ko naman ito at napagusapan din namin kung kailan niya ako tuturuan tatawag na lang daw siya sa akin pagnagkataon na wala siyang gagawin. Nagpaalam kami sa isa’t isa ng lumabas na at umuwi ako kaagad ng masaya dahil tinupad ang aking mga dasal. Isang araw tumawag si Sky at nagtanong kung saan ako nakatira sinabihan ko naman ito kung saan dako. Makalipas ang limang minuto may biglang kumatok sa aking pinto naguluhan man binuksan ko na lamang ito nagbaka sakali na si nanay Nena ang nasa labas. Laking gulat ko ng nakita si Sky sa labas ng nakangiti at may dalang bag. “Hi, goodmorning Summer.” bati nito. “Goodmorning din.” balik kong bati nito. “Pasok ka,” sabi ko nito. Pumasok ito sa aking room at sinabihan niya ako sa mga dapat na matutunan at gagawin.Nagdala din ito ng laptop upang turuan ako kung paano mag set ng meetings at schedules madali naman akong matuto kaya walang problema. Isang linggo din namin iyong ginagawa at sobrang nagpapasalamat ako ng marami kay Sky sa tulong na binigay niya Nandito ako ngayon sa Morillo company kung saan ako mag aaply ng secretary ayon kay Sky hindi ko pa nakalimutan ang sinabi niya tungkol sa may ari nito. “alam mo Summer kung papalarin ka na makapasok makilala mo yung may ari diyan napakagwapo at sobrang hot maraming babae ang baliw na baliw sa kanya kaya nga mrami ring nag apply diyan para lang makita ang may ari atsaka makasama.” sabi ni Sky sa akin bigla habang akoy nagtatype sa pinagawa niya. “Ngunit maraming secretary ang aalis dahil napacold niya at nakakatakot masyado pero hindi mo makakailang ang sarap niya at maraming babae ang baliw sa kanya dahil din diyan sa ugali niya.” dagdag pa nito. Kinakabahan na talaga ako wala akong pakialam kung gwapo at ano pa itong may ari nitong kompanya ang importante sa akin makapasok ako para may pera akong maibabayad sa upa at sa pang araw araw na gastusin. Nang tinawag ang aking pangalan sa interview sobrang kinabahan na talaga ako ngunit ipinagwalang bahala ko na lamang iyon sapagkat may goal ako na dapat makamtan. Sa awa naman ng panginoon ay nasagot ko naman ang kanilang mga tanong sabi nila nasa loob daw ang may ari subalit wala naman akong nakitang gwapo doon. Natutop ko ang aking bibig dahil baka ang may ari nitong kompanya ay iyong matandang nag interview sa akin gwapo naman iyon kaso imposible naman kung iyon ang may ari mabait naman iyon sabi ni Sky nakakatakot ang may ari nitong kompanya napaisip na lang talaga ako bigla. “Kung sa bagay kung marami kang pera marami talagang babaeng magkakandarapa sayo.” bulong ko sa aking sarili na akala na ang matandang gwapo na nag interview sa akin at nagpapasok o tumanggap sa akin bilang secretary ay ang may ari ng kompanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD