Chapter4: Unang Araw
Sinabihan ako nung si sir gwapo na matanda na puwede na raw akong mag simula bukas. Sobrang saya ko ng natanggap, naglalakad kami ni Sky na nakangiti ako at sinabihan din ako ni Sky.
“Congratulations Summer, napakinabangan natin yung pagpupursigi mo na pag aralan ang dapat pag aralan sa pagiging secretary,” Nakangiti din na sabi ni Sky.
“Maraming salamat din sayo Sky sa tulong na binigay mo sa akin ng hindi dahil sayo hindi ko alam kung saan ako pupulutin nito,”
“Ano ka ba walang anuman Summer.”
“Makakapagsimula na rin ako at makapag ipon na ng pera kung sakali man na magtagal ako sa trabaho ko Sky,” ani ko.
“Talagang tatagal ka kung magsusumikap at aayusin mo lang ang trabaho mo Summer think positive always.”
“Oo pagsisikapan ko talaga Sky at aayusin ko ang trabaho ko, hindi na ako makakahanap pa ng ganitong trabaho at saka mataas na sahod kung sakali,” wika ko.
“Kaya mo yan Summer ikaw pa.” ngiti nitong sabi.
Ngumiti na lang din ako at sabay na kaming lumabas sa kompanya magdadapit hapon na rin gusto ko na sanang umuwi na ngunit inimbitahan ako ni Sky na kumain muna ayaw ko sana kasi wala pa akong pera na ibabayad kasi kaunti na lang ang naiwang pera sa akin ngunit talagang pinilit niya ako na sumama.
“Tara na libre ko na at saka pang congrats ko na lang din sayo dahil natanggap ka masayang okasyon diba?” ani nito.
“Huwag na Sky uuwi na ako,” sabi ko.
“Ano ka ba huwag ka ng mahiya tayo-tayo lang din naman, talagang magtatampo ako kung hindi ka sasama masama pa naman ako magtampo bahala ka,” pagbabanta nito.
“Sige na nga sasama na baka magalit ka pa talaga sa akin.”
Kaya kumain kami sa isang fastfood chain at nilibre ako ni Sky tulad ng dati pagkatapos ay umuwi na agad ako dahil maaga pa ako bukas nagpaalam ako kay Sky saka tinungo ang sakayan ng jeep.
“Sky mauna na ako sayo marami talagang salamat nahihiya na ako sayo,” wika ko.
“Okay lang talaga Summer, oh sige mag ingat ka sa pag uwi ihahatid na kita sa sakayan ng jeep,” sabi pa nito.
“Naku huwag na Sky kaya ko na mas mabuti pa umuwi ka narin para makapagpahinga ka rin,” ani ko.
“Sige hindi na kita pipilitin, lumakad kana titingnan na lang kita,” pagpapaalam niya sabay halik sa pisngi ko.
“Ingat ka rin sa pag uwi,” sabi ko.
Sumakay na ako sa jeep at ng makauwi ay nagbihis agad ako. Nang matapos ay naghahanap ako ng puwede kong suotin kinabukasan ng makita iyon ay inilagay ko sa may sampayan para bukas madali na lang kunin. Humiga na ako sa kama pagkatapos ang sarap sa pakiramdam na bukas ay magtratrabaho na talaga ako para akong tanga na pagulong gumong sa aking kami kahit wala pa naman itong foam dahil hindi ko pa nabilhan tsaka na lang pag may pera na ako, sa sobrang pag iisip ko ay nakatulogan ko iyon.
Maaga akong nagising kinabukas para maghanda sa pagpasok sa trabaho naligo agad ako at saka nagbihis ng isang formal na damit at isang slack at pinaresan ng sapatos. Kumain ako pagkatapos at pumanhik na palabas. Sumakay ako ng jeep papuntang kompanya, ng makarating sa kompanya ay pumasok agad ako tinanong pa ako ng guard kung anong sadya ko wala pa kasi akong i.d kaya hindi ako pinasok agad.
“Ano pong sadya natin ma’am? tanong nito.
“Ay manong first day ko po dito sa trabaho kaya wala akong i.d pa muna natanggap po ako kahapon,” sabi ko.
“Sandali lang ma’am hah magtatanong po muna ako may tatawagan lang po,”ani nito.
“Sige lang po manong walang problema.”
May tinawagan si manong guard sa kanyang walkie talkie na dala tatlong minuto ang lumipas at bumalik sa akin si manong guard.
“Ma’am pasensya na po talaga kayo kinompirma ko lang po kasi kapag bigla bigla na lang akong magpapasok mapapagalitan po kasi kami,” pagbibigay paumanhin nito sa akin.
“Okay lang po manong naiintindihan ko po na trabaho niyo po yan kaya ayos lang.”
“Salamat sa pag iintindi ma’am puwede na po kayong pumasok sa loob ma’am.”
“ Sige salamat po.”
Mabuti at mabait na yung guard ngayon hindi tulad nung kahapon ang sungit akala mo naman kung sino. Pumasok na ako at sumakay sa elevator papuntang CEO na palapag. Talagang ang aga ko nga dahil wala pang masyado na tao ang nandoon ng makarating ako sa saktong palapag. Pero may matandang babae ang naabutan ko doon pagpasok sa mismong office ng may ari nitong kompanya.
“Ikaw ba yung natanggap kahapon na sinabi ni Mr. Morillo?” tanong nito.
“Opo ako po yun ma’am,” Ngiti kong sagot.
“Oh siya sige ineng sundan mo ako pupunta tayo kung saan ang lamesa mo.”
“Sige po ma’am.”
“Tawagin mo na lang akong manang Lucy ineng huwag na ma’am.” sabi pa nito.
“Sige po manag lucy,” Tango kong sabi nito.
Sinundan ko si manang Lucy kung saan ang aking lamesa pumasok kami sa isang magarang opisina na may nakalagay na CEO office ang ganda ng interior design manghang mangha ako sa ganda nito at ang mga gamit nito ay mamahalin din, ang kintab din ng sahig na pati langaw ay madudulas nito. Ipinakita ni mang Lucy ang lamesang para sa akin at ito ay maganda okay na okay na ito para sa akin. Ang sarap kaya umupo sa ganoong upuan,habang nagsasalita si manang Lucy ay hindi din mapakali ang aking mga mata kakatingin.
“Dito lang sa labas ang magiging lamesa mo dahil ayaw ni sir na nasa loob ang secretary niya kaya dito lang,” sabi ni manang.
“Okay lang po manang Lucy.”
“Iyang pintuan na yan ang opisina ng may ari nito, huwag na huwag kang papasok kung hindi ka niya tinawag dahil talagang mapapagalitan ka niyan at kumatok ka muna bago pumasok dahil ayaw na ayaw ni sir na bigla bigla nalang pumasok,” pagbibigay paalala sa akin ni manang Lucy.
“Opo tatandaan ko po iyan manang Lucy.” sagot ko na may kasamang pagtango kay manang Lucy.
Marami pang naging bilin sa akin si manang Lucy at marami din siyang itinuro sa akin hindi ko na natatandaan ang iba sa dami. Tango lang ako ng tango sa kanya para hindi ako mapagalitan mabait naman si manang Lucy kaya naging maginhawa ang aking hininga. Tinuruan din ako ni manang kung paano magtimpla ng kape para kay sir Morillo. Kinabahan pa talaga ako dahil baka pagagalitan ako ni manang Lucy dahil hindi tama ang nauna kong gawa na kape, pero bagkus ay tinawanan lang ako nito dahil nanginginig kasi ang aking kamay sa pagkuha asukal.
“Ganito lang yan tatandaan mo lang talaga na half lang yung sugar dahil ayawdin ni sir ng sobrang tamis dapat sakto lang sa lasa,” wika ni manang Lucy.
“Ay ineng may boyfriend ka na ba?” biglang tanong ni manang.
“Wala po manang Lucy bakit po? tanong ko pabalik.
“Payo ko lang talaga sayo ineng huwag na huwag kang mahuhulog kay sir dahil kawawa ka napakainosente mo pa naman at alam kung masasaktan ka lang,” sabi pa nito.
“At ineng huwag na huwag mong aakitin si sir dahil talang bukas sisante ka ayaw na ayaw niyan na aakitin ngunit kung siya yung mang akit okay lang talagang iwan ko sa batang iyan,” pagpatuloy ni manang Lucy.
“Manang Lucy hindi naman po ako ganyan nandito po ako para magtrabaho hindi para sa ganyan na bagay,” ani ko.
“Mabuti nga kung ganun ineng mabuti pa magfocus ka na lang sa trabaho dahil wala kang mapapala kung tutulad ka sa dating mga naging secretarya ni sir.”
“Bakit po manang anong nangyari?” tanong ko.
“Pinangarap kasi na mapansin ni sir kaya inakit tapos ng matapos may mangyari ay epapatanggal ni sir ayun todo iyak ayaw kasi maniwala sa naging payo ko sa kanila,”
“kaya po pala,”sabi ko na lamang kay manang Lucy.
“Alam mo ineng mabait naman talaga yan si sir siguro nabago iyan ng pumuntang ibang bansa si Sofia at saka,”
Hindi na natuloy ang dapat sabihin ni manang Lucy ng dumating si Mr. Morillo yung matanda bigla.
“Good morning sir,” sabay-sabay na sabi namin ni manang lucy.
“Good morning din Lucy at iha nandito ka na pala mabuti at talagang maaga ka hindi nga ako nagkamali na pinili kita,” nakangiting sabi nito sa akin.
“Marami pong salamat sir,” ani ko.
“Wala pa yung magiging amo mo bukas pa makakapasok dahil may inasikaso bukas mo pa siya makikilala kaya goodluck sayo iha pagtiyagaan mo na lang yung ugali ng anak ko iha ha minsan kasi may topak iyon, “ wika ni Mr.Morillo.
“Hindi po pala kayo yung amo ko sir akala ko po kayo yung may ari at saka CEO ehh pasensya na po talaga akala ko talaga na ikaw po iyon hindi pala,” pagpapaumanhin ko dito.
“Inakala ko kasi kayo po yung nandoon kahapon sa interview ko kay naisipan ko po na kayo talaga ang may ari nakalimutan ko po na binata pa pala ang may ari at kayo ay may edad na,” dagdag ko pa.
“Okay lang iha marami ding nag akala na ako ang may ari pero hindi yung anak ko lagi kasi iyong nakamokmok sa opisina at madalas lang iyon lumalabas, at hindi din yon madalas dito maraming conference kasi siyang dadaluhan sa ibang bansa.”
“Half po ba kayo sir ang gwapo niyo po kasi kahit may edad na wala parin kakupas kulas at ang tindig niyo rin po? patuloy kong tanong.
“Oo iha mestiso yung ama ko kaya talagang may hitsura din ako sa kanya kasi ako nagmana,” ani ni Mr. Morillo.
Tango at ngiti lamang ang naging sagot ko kay sir Morillo nahihiya ako na mali pala ang inakala ko, at bigla na lang sumingit sa aming usapan si manang Lucy na kanina pa nakikinig sa amin.
“Excuse me po sir at iha maiwan ko muna kayo dahil tapos na akong turuan ka pupunta na ako sa may lobby may gagawin lang ako tapos uuwi na,” ani nito.
“Hindi po kayo dito nagtratrabaho manang Lucy? tanong ko kay manang Lucy.
“Ayy hindi iha pumunta lang talaga ako dito dahil inutusan ako ni sir,” sagot ni manang.
“Care taker namin sa bahay si manang Lucy mo iha matagal na niyan sa amin dati ko rin niyang secretary sa naging companya ko noon,” ani naman ni sir Morillo.
“Ah ganun po ba sir sige po manang Lucy maraming salamat po,” ani ko nito.
“Sige mauna na ako sa inyo,” pagpapalam ni manang Lucy sabay alis.
Naiwan kami sa loob ng opisina ni Mr. Morillo kaya nahihiya ako dahil nagkamali pa talaga ako hindi pala siya yung amo ko kundi ang kanyang anak.
“Sana iha pagtiyagaan mo anak ko alam kong masama talaga ugali nun,” sabi bigla nito.
“Sana nga po sir huwag po kayong mag alala aayusin ko po yung trabaho ko,” sagot ko naman dito.
Tumango lamang si sir at sinabihan ako na pumunta na sa lamesa dahil nandoon na raw ang mga gawain ko at na explain na kanina ni manang Lucy paano gawin iyon. Nagpaalam na sa akin si sir at saka umalis na rin.
“Iha aalis na ako at goodluck sa iyo,” pagpapaalam sa akin ni Mr. Morillo.
“Sige po sir marami pong salamat.” Sagot ko nito.
Pagkatapos magpaalam si sir Morillo ay hindi muna ako pumunta sa aking lamesa nilibot ko muna ang opisina talagang manghang mangha ako sa taglay nitong ganda. Inisip ko kung magkano kaya ang mga ganitong kasangkapan alam kung hindi mumurahin ang mga ito. Kunsabagay mayaman naman ang may ari at opisina niya ito kaya tama lang na pagandahin ng todo dahil pera naman niya. Baka nga nagkahalaga ng libo-libo o mahigit pa ang gastos ng may ari nito pero sa isipan ko kahit naman ako yung may ari dapat talaga ganito pera ko naman ang gagamitin at kompanya ko ito kaya may karapatan ako sa kung anong gusto kong ilagay at gawin dito. Napabuntong hininga na lamang ako sa isipan na sana magkaroon ng sariling kompanya kasi alam kong malabong mangyayari iyon nangangarap lang talaga ako ng gising.