Chapter 84: Natapos rin napakaraming utos Pumasok na ako sa opisina nito hindi man lang ito nagtaas ng tingin sa akin dahil busy ito sa pagperma ng mga papeles. Tama nga iyong naisip ko na mangyayari ito. Napahugot ako ng malalim na hininga at napakagat sa aking labi. “Good morning sir,” bati ko sa kanya noong makalapit na ako dito. Hindi man lang ito nag-angat ng paningin. “Your late,” ani nito habang nakatingin lamag si pinipermahang papeles. “Matagal po akong nagising kaya matagal po akong nakarating dito.” Sabi ko naman dito. “Alright!” “Please make me coffee Summer I need it as soon as possible.” utos niya sa akin kaya inilapag ko na muna ang bitbit kong bag. “Okay sir,” sagot ko naman sa kanya. “Huwag ka ng lumabas may cofee maker sa loob ng kwarto doon ka na magtimpla para

