Chapter 85: Nagtatampo si Bakla “Po?” takang tanong ko sa kanya. “Sabi ko magmeryenda ka muna sandali marami yang binili ko kaya sabayan muna ako magmeryenda,” ani pa nito. Natigilan tuloy ako mukhang nawala saglit ang aking inis sa kanya nagugutom na rin kasi ako nakalimutan kong kumain ng umagahan kasi nga late na ako kaya hindi na ako nakabiki ng pagkain kanina at dumiritso na ako dito sa opisina kasi baka mapapagalitan na naman ako. “Talaga sir?” ani ko. “Yes so get your plate now so that you can go back to your work if your done.” “Sige po,” nakangiti ko ng sagot. Hindi na ako tatanggi pa kasi gutom na talaga ako biyaya na ito tatanggihan ko pa isa pa libre to at alam kong masarap rin ito kasi kay sir Van hindi kasi ito kakain ng hindi kaya sa lalamunan nito mayaman nga naman a

