bc

A Love Full of Lies

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
brave
drama
bxg
female lead
male lead
abuse
lies
naive
shy
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Lia sa ina nitong laging kinokontrol ang lahat ng kanyang dapat gawin. Kahit na gustuhin niyang umalis, hindi nito magawa sa kadahilanang hindi niya kayang iwan ang bahay na tanging ala-ala sa ama na matagal ng yumao. Kaya kapag nakilala nito si Graxon na sasamantalahin ang pagka inosente nito, magbabago ang takbo at pananaw nito sa buhay. Kung saan aabot siya sa puntong kailangan niyang mamili... ang kasiyahan ba nito kasama si Graxon? O ang kalayaan sa pagsunod sa mga taong unti unting sumira ng kanyang buhay at tiwala?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Third Person's POV. NATIGIL si Lia sa pagkain, naibaba pa nito ang hawak niyang kubyertos bago tignan ang kanyang ina. Saglit lang niya ito tinitigan sa mata dahil sa galit nitong mukha. Napakagat din ito sa kanyang labi ng maramdaman niya ang malakas nitong sampal. "Wala ka talagang kwenta ano?!" galit na sigaw ng ina nito. Nanatiling nakayuko si Lia habang pinipigilan ang luha niyang gustong lumabas sa kanyang mata. Kahit takot, inangat nito ang tingin sa inang sinampal muli siya sa kabila nitong pisngi. "Hindi ba sinabi ko sa'yong sundin mo ang gusto ni Mr. Gaston?! Ano ang ginawa mo?! Kung gusto niyang makipagtalik sa'yo, dapat sinunod mo! Inutil!" Hinila nito ang buhok ng dalagang walang kalaban laban. "M-mom... I'm sorry, please..." halos mahina nitong pagmamakaawa habang pilit na kumakawala sa pagkakasabunot sa kanya ng ina. Imbis na pakinggan, hinila niya patayo si Lia mula sa pagkakaupo saka pabalibag na binitawan ang buhok nito. Hindi pa ito nakuntento, dalawang beses niya itong sinampal muli na tuluyang nagpaluha sa dalaga. "Huwag niyong papakainin ang babaeng ito! Naintindihan niyo?!" malakas na sigaw ng ginang bago duruin ang anak. "Hindi pa tayo tapos." Binaba nito ang kamay bago iwan ang dalagang tahimik na umiiyak. Sa pag-alis ng ina, nanghina ang dalawa niyang paa kaya ganun na lang na bumagsak siya sa sahig. Mahina itong napahagulgol habang iniinda lahat ng sakit sa katawan na gawa ng ina. Maraming taong nakakita sa nangyari, ngunit ni isa sa kanila ay walang tumulong dahil sa takot ng mga ito sa ginang. Pinagbantaan kasi nito ang mga kasambahay na huwag tutulungan ang dalaga kapag nangyayari ang ganito. Dapat lang daw na makaramdam siya ng sakit dahil sa hindi pagsunod ng ina. Hindi mabilang ni Lia ang oras ng kanyang pag-iyak bago nito mapag desisyunang tumayo. Kung kanina maraming pagkain sa mesa, ngayon ay wala na itong laman dahil inalis na ng mga kasambahay nila sa bahay ang mga pagkain. Huminga pa siya ng malalim bago maglakad papunta sa kanyang silid. Sa pagpasok nito, mariin siyang pumikit bago dumiretso sa kanyang walk-in closet upang mag palit. 'Aalis na lang muna ako.' Mabilis lang ang pagbibihis na ginawa nito saka sinunod na kunin ang susi ng kanyang sasakyan. Sinuot nito ang hood ng kanyang maluwang at asul na jacket. Nilagay niya rin sa bulsa nito ang wallet at susi bago maglakad patungo sa bintana ng silid nito. Kanyang ginilid ang malaking kurtina at kinuha ang tinali niyang lubid sa gilid. Sa pagbubukas nito ng bintana, malamig na simoy ng hangin ang bumungad sa kanya. Hindi nito ininda ang lamig at hinulog ang lubid na kanyang gagamitin upang bumaba. Hindi kasi ito maaaring lumabas kaya sa ganitong paraan niya naisipang umalis ng walang pumipigil sa kanya. Tinakip niya muna ang kurtina sa lubid bago sumampa sa tapakan malapit sa bintana. Humawak siya ng maigi sa lubid bago dahan-dahang bumaba. Nasa pangatlong palapag ng kanilang bahay ang kanyang silid kaya naman sobra ang pag-iingat nito. "Lia!" Muntik mabitawan ng dalaga ang pagkakahawak sa lubid nang marinig ang sigaw ng ina. Hindi na niya lamang ito pinansin at tuluyan na ngang nakababa sa likod ng kanilang bahay. Titignan niya pa sana ang bintana ng silid nito ngunit tumakbo na lamang siya patungo sa sasakyan nitong naka-park sa labas ng kanilang bahay. Kakabili niya lang ito kamakailan lang gamit ng perang inipon niya sa binibigay ng kanyang ina sa nagdaang isang buwan. Naisip niyang bumili ng hindi nalalaman ng ina upang makaalis siya saglit sa kanilang tahanan. Rinig ni Lia ang yabag ng mga taong humahabol sa kanya na tauhan ng ina. Ngunit dahil mas nauna siyang tumakbo paalis ng bahay, mabilis siyang nakalabas ng gate. Muntik pa itong mapasubsob ngunit nagtuloy lang siya hanggang sa ito'y makasakay ng sasakyan. Nanginginig niyang sinuksok ang susi ng sasakyan habang patingin tingin sa gate kung saan malapit na ang tauhan ng ina. "Come on, Lia!" angil nito't huminga muna ng malalim. Sa pagmulat niya, ilang katok sa bintana ang narinig nito kaya naman kinalma niya ang sarili. Kapag nahuli siya ng ina, paniguradong mas matindi pa ang gagawin nito sa kanya. Baka sa pagkakataong ito, mapuno na ang katawan niya ng galos at pasa na ayaw na ayaw ng ina nito. Ngunit dahil sa hindi pagbibigay nito sa kagustuhan ng lalaking sinet-up ng ina, isama pa ang pag-alis nito ngayon, alam niyang hindi magdadalawang isip ang ina nito na sugatan siya't bigyan ng mga pasa. Nang maisuksok nito ang susi, binuhay na niya ang makina. Sakto dahil bago pa man dumating ang ina nito, mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo. Nakita niya pa sa side mirror ang ilang sasakyang sumunod sa kanya, kaya mas binilisan nito ang pagpapatakbo. Dahil gabi na, wala gaanong sasakyan na dumadaan sa kanilang village kaya malaya itong patakbuhin ng mabilis ang sasakyan. Hindi kalayuan kung nasaan na siya ngayon, natanaw nito ang papasarang gate ng village. Humigpit ang hawak niya sa manibela saka mas binilisan ang pagpapatakbo. Bago pa man magsara ang gate, nakalabas na ito't hindi nakasunod ang tauhan ng ina. Automatic kasi ang gate ng kanilang village na kusang nagsasara. Kakailanganin pa nito ng ilang segundo upang magbukas muli. Nakahinga ng maluwag si Lia ng malusutan nito ang tauhan ng ina. Lumiko pa siya sa kabilang daan malayo sa main highway upang hindi siya masundan ng mga ito. Binuksan nito ang bintana ng kotse saka mapait na napangiti. "Just for a while, I... I just want to escape." MALAKAS na tugtugin ang bumalot sa tahimik na dalampasigan. Maraming ilaw ang nakasabit sa tinayo nilang mga kahoy at sabitan ng mga ilaw. Ginawa nilang parang dance floor ang dalampasigan na napupuno ng ilang mesa kung saan nakalagay ang ilang inumin. May mga tao rin na nagsasayaw at mga taong naghihiyawan dahil sa saya. "Graxon!" Natigil ang isang lalaking Graxon ang pangalan sa pagsasayaw ng makita ang dalawa nitong kaibigan. Kinindatan niya pa ang babaeng kasayaw nito saka lumapit sa dalawang kalalakihan na kakarating lamang. "Ang tagal niyo naman, akala ko hindi na kayo dadating," bungad na sabi ni Graxon na inakbayan ng isa nitong kaibigan, suot ang isang bandana at bukas na itim na polo shirt. "Birthday mo, kaya bakit hindi kami pupunta? Busy kami sa trabaho pero syempre may oras kami para sa'yo," sagot ng lalaking umakbay rito. "Oh shut up, Reige. Alam nating babae ang hanap mo," sabat na saad ng isa pa nilang kaibigan na nakasuot ng red na sando. Kumindat ang nagngangalang Reige. "Pangalawa 'yon syempre, tiyaka come one Ion... gayahin mo kasi kami. Masyado ng matagal nung huli ka atang nakadilig." Bumaba ang tingin nito sa ibabang bahagi ng kaibigan. Naging dahilan din ito upang makakuha siya ng hindi gaano kalakas na suntok kay Ion. "Bahala na nga kayo d'yan, doon muna ako. Nga pala, pinadala ko na sa bahay mo ang regalo ko tignan mo na lang pag-uwi mo," huling sabi nito bago iwan ang dalawang kaibigan. Nagtawanan naman ang dalawa na naglakad patungo sa isang mesang malapit sa kanila. Kumuha si Reige ng isang inumin sa waiter na dumaan. Si Graxon nama'y tumungga sa hawak niyang beer bago nilapag sa mesa ang bote. "Ikaw? Nasaan ang regalo ko?" tanong ni Graxon at nilahad ang kamay sa harap ng kaibigan. "Ano bang gusto mo? Babae o material na bagay?" balik na tanong ni Reige. Tumawa pa siya bago ilabas ang isang susi mula sa kanyang suot na shorts. "'Yan lang ang regalo ko, wala akong maisip na ibang bilhin bukod sa bugatti. Kung gusto mo naman ng babae, bibigyan kita." Kinuha ni Graxon ang susi ng sasakyan saka binulsa sa kanyang shorts. "Marami akong mahahanap na babae d'yan. At isa pa, ang theme ko ngayon ay babaeng inosente." Sumilay sa labi ng binata ang ngisi habang lumilinga sa paligid, naghahanap ng babaeng sinabi nito. "Woah... para ba maturuan?" "Pwede," tumatawang sagot ni Graxon. "Ang tanong... may mahahanap ka naman ba rito? Kasi sa nakikita ko sa mga babaeng nandito… mukhang wild," tugon ni Reige na inubos na ang kanyang iniinom. Muli pa itong kumuha ng bagong inumin sa dumaang waiter saka tinignan si Graxon na lumingon dito. "Kapag may nahanap ako, akin na ang bahay mo sa Baguio," lakas loob nitong sabi. Ngumisi si Reige. "Kapag nakama mo siya ng limang beses, pati bahay ko sa Laguna ibibigay ko," panghahamon nito na agad tinanguan ni Graxon. Luminga sa paligid si Graxon upang maghanap ng babaeng sa tingin niya'y inosente. Sa kanyang paglingon sa kaliwa, natuon ang tingin nito sa babaeng nakasuot ng asul na hood. Pinagmasdan niya ang babae na unti-unting inalis ang suot nitong jacket. Hindi man gaano kaakit akit ang suot ng babae dahil sa simpleng blouse at pants, agad na pumasok sa isip ni Graxon na mukhang ito na nga ang hinahanap niya. Napansin ni Reige ang tinitignan ng kaibigan kaya sinundan niya ng tingin ang direksyon. Umiiling na binalik nito ang tingin sa kaibigan na umiinom sa kinuha niyang bote habang nakatitig sa babae. "Huwag mo sabihing siya ang target mo?" pagtatanong nito. "Exactly." Inubos ni Graxon ang laman ng bote saka tinignan si Reige. "Kapag nalaman kong siya nga ang hinahanap ko, minus one na ang lima, okay?" "Whatever, fine... bahala ka. Gawin mo na ang dapat gawin birthday boy," sabi ni Reige na kinindatan pa ang kaibigan. Tanging isang ngisi ang sagot ni Graxon bago casual na sinundan ang babae. Marami mang bumabati sa kanya, hindi na niya ito gaanong pinansin dahil nasa babae lang ang kanyang atensyon. Tahimik silang naglakad papasok sa hotel hanggang sa tumigil saglit si Graxon. Pumasok kasi ang babae sa bar ng hotel kaya naman mas lumapad ang pagkakangisi nito. Nang makaupo ang babae sa bar counter, hinintay niya saglit na um-order ito bago maglakad palapit dito. Sa kanyang pag-upo sa tabi ng babae, hindi siya nilingon nito kaya pasimple siyang um-order din ng alak. Hmm... she has a sexy body. Patagong pinagmasdan ni Graxon ang babaeng walang imik na umiinom. Sa lalim ng iniisip nito, hindi niya pinapansin ang lalaking titig na titig sa kanya. Saka lang napalingon ang babae sa lalaki nang mahulog nito ang jacket na nasa hita niya. Kukunin niya pa lang sana ito nang unahan na siya ni Graxon. May ngiti niyang pinulot ang jacket na kanyang inabot sa babaeng tinitignan siya. "Thanks.” Simpleng pasasalamat ng babae na kinuha ang jacket. Nilapag niya pa sa kanyang gilid ang jacket saka muling nagpatuloy sa pag-inom. "Welcome, mag-isa ka ata, wala kang kasama?" Tumigil sa pag-inom ang babae't tinignan ng buo ang lalaking kumakausap sa kanya. "Wala," tipid nitong sagot na inubos ang kanyang iniinom. Tinawag niya pa ang waiter upang mag-order ng inumin at hindi na sana papansinin ang lalaki nang lumapit ito sa kanya. "Kung ganun, gusto mo bang magsaya ngayong gabi? A little play time will do," nang-aakit na bulong ni Graxon. Pagbaba ng tingin nito sa leeg ng babae, napangisi siya nang makita ang paglunok nito. Ramdam ng babae ang pag-init ng kanyang pisngi kaya naman tinulak niya ang lalaking mahinang tumawa sa naging asal niya. "G-gusto ko lang mag-isa." Umiwas pa siya ng tingin dahil masyadong sinakop ang buong sistema nito ng boses ng binata. 'What was that? Bakit biglang nag-init ang katawan ko dahil lang sa bulong niya?' "Oh, really? Ayaw mong duo? Mas masaya 'yon," mapang-akit na tugon ni Graxon. Sinadya niya pang mahaplos ang hita nito na nagpasemento sa kinauupuan ng babae. "I'm Graxon, and you?" Pagpapakilala nito na mas nilaliman ang tingin sa babae. Kahit parang hindi nagugustuhan ng babae ang mga galaw ng binata, tumikhim ito't naglabas ng pera mula sa dala niyang pitaka. Nilapag niya 'yon sa mesa bago ubusin ang in-order nito. Iwas tingin pa ang ginawa nito habang paalis sa bar. Iiling na inubos ni Graxon ang kanyang inumin bago sundan ang babae. Siya naman ang may-ari ng hotel kaya walang kaso kung hindi siya magbayad ng ininom nito. Dahil mas mahaba ang biyas nito, naging madali lamang kay Graxon na patigilin ang babae. Humarang siya sa harap nito kaya ganun na lang na nauntog ang ulo nito sa matipunong dibdib ng binata. "Anong..." hindi na natuloy ng babae ang sasabihin nang ilapit ni Graxon ang mukha rito. "Hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo, Ms.?" "L-lia," wala sa sariling sagot ng babae. Ngumiti si Graxon saka lumapit pa't nilapit ang kanyang bibig sa tainga ni Lia. "Ms. Lia... birthday ko ngayon, gusto mo bang kumain?" bulong nito na nagkaroon na naman ng epekto sa dalaga na napalunok. Marahil sa epekto ng ininom niya, kusa siyang tumango kahit parang iba ang ibig sabihin ng lalaki sa huli niyang sinabi. Ngiting tagumpay ang gumuhit sa labi ni Graxon. Walang imik niyang hinila si Lia patungo sa lobby ng hotel. Lumapit ito sa isang receptionist upang kumuha ng key card. Pagkabigay, hinila niya muli si Lia patungo sa elevator na parang lutang na sumasama sa lalaking ngayon niya lang nakilala. What are you doing Lia? Mariing pumikit si Lia na patagong nilingon ang lalaking kasama niya. Hindi niya maitatanggi ang kagwapuhang taglay nito na isa siguro sa dahilan kaya siya sumama. Alam niyang mababaw ang dahilan, ngunit alam niyang gusto niya munang makalimot at maalis sa malalim nitong pag-iisip tungkol sa ina. Pagbukas ng pinto, nagpahila siya ulit sa estranghero. At sa kanila pa lang pagpasok, nahagip ni Lia ang kanyang hininga ng halikan siya nito sa labi. Kumabog pa ang kanyang dibdib nang siya'y buhatin nito. Sa paghalik na ginawa ni Graxon, alam na nitong wala pang karanasan ang babae dahil sa pagkagulat na nararamdaman niya rito. Inalis niya muna iyon sa isipan at naglakad patungo sa kama. Binaba niya ang dalaga sa ibabaw nito bago putulin ang halik. Balot sa mukha nito ang pagkapula na nagpangiti kay Graxon. "Bukod sa akin, may nagkama na ba sa'yo Ms. Lia?" mahina na tanong ng binata. "W-wala," nahihiyang sagot ni Lia na tumingin sa gilid ng kama. "So, I'm your first then?" muling tanong ng binata na hinawakan pa ang baba nito. Inalalayan niya ito upang mapatingin muli ito sa kanya. "Answer me, Ms. Lia. I'm not gentle in bed, that's why I'm asking." Napatitig si Lia sa mata ng lalaking napupuno nang pagnanasa. Kahit parang nabibingi siya sa malakas na kabog sa kanyang dibdib, bumaba ang tingin nito sa labi ng binata. Sa saglitang halik na ginawa nito sa kanya, para bang may nagtutulak sa sarili nito upang matikman muli ang labi ng lalaki. "Y-yes... you are my first." Ngumiti si Graxon sa narinig. "I'll be gentle then," mahina niyang tugon bago muling halikan sa labi ang babaeng malugod na tinanggap ang halik nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook