NILUBOG ni Lia ang sarili sa bathtub dahil sa pangalawang beses, hinayaan niya ang lalaki. Hindi man katulad ng nauna, ngunit malaki pa ring katangahan ang ginawa nito. Matapos kasi ng nangyari, siya na ang umalis ng masigurong wala na ang tao sa kabilang cubicle. Narinig pa nito ang sinabi ni Graxon na sinasabing huwag siyang lumayo dahil hahanapin siya nito kahit saan siya magpunta.
Hindi niya na lang pinansin at tumakbo doon kahit parang ramdam niya pa rin ang nangyari sa kanya. Natatakot pa siyang hawakan ang kanyang p********e dahil parang hibang na siya't gusto itong paglaruan. Hindi niya alam kung dahil ba ito ang una niyang karanasan o dahil masyado lang siyang nanibago't sinasakop siya nito na kanya namang hinahayaan.
Pag-ahon niya sa bathtub, ilang beses siyang umiling bago mapagdesisyunang linisin ang sarili sa shower. Paglabas niya, agad siyang nagbihis bago lumapit sa bag na binili nito. Laman nito ang ilang pangangailangan niya kasama ang damit at charger para sa telepono nito.
Pagbukas pa lang ng kanyang telepono, samut saring text messages at missed calls mula sa ina ang unang bumungad sa kanyang mata. Binuksan niya pa ang voicemail nito na nagparamdam ng nginig at takot sa dalaga.
"Kapag hindi ka pa umuwi rito, sisiguruhin kong hindi ka na makakalakad!"
Mabilis na pinatay ni Lia ang telepono kasunod ng mahina nitong paghikbi. Napakahigpit din ng hawak nito sa telepono at kusang napayuko.
'Parang ayoko ng umuwi.'
KINALABIT ni Ion si Graxon na nakangiting nanonood ng fashion show. Napalingon naman sa kanya ang lalaki na tinignan siya ng mapagtanong na tingin.
"Are you crazy?" kunot noo na tanong ni Ion.
"Bakit mo naman nasabi?"
Tinuro ni Ion ang buong mukha nito gamit ng kanyang kamay. "Because of that... kanina parang inis na inis ka. Tapos ngayon... hindi maalis ang ngiti mo. May nangyari ba?"
Nakuha ni Graxon ang pinupunto nito kaya naman inalis nito ang tingin sa kaibigan at binalik ang tingin sa runway. Sakto naman dahil si Reige na ang susunod na rarampa kaya hindi niya muna sinagot ang tanong ng kaibigan.
Kumpara sa laging mapanuksong mukha ni Reige, nawala ito't napalitan ng seryosong mukha. Sa bawat paghakbang niya ay maraming babae ang panigurado na hindi maaalis ang tingin sa binata. Kahit kasi damit dapat ang pinagtutuunan ng mga nanonood, ang mukha nito ang umangat kaysa sa kanyang kasuotan. Hindi maipagkakaila na taglay nito ang isang gwapong mukha na walang kapintasan.
"I found her," simpleng sagot ni Graxon nang matapos na rumampa si Ion. Nilingon niya pa ang kaibigan na nawala na ang pagkakakunot ng noo.
"So, what's your plan? Ibubulsa mo siya sa pantalon para lang makama ng limang beses?"
Mahinang tumawa si Graxon. "That's a good idea, but I think I can interpret that in a different way. Maybe I can cuff her hands on the bed while I make love to her," sabi nito na silang dalawa lang ang nakarinig. "What do you think? Marami akong naiisip na paraan."
"That's not making love, it's making lust. Love is different than lust, and in your situation... the word love is not suitable for your horny life."
"Hugot na 'yan bro? Come on... huwag mo akong pangaralan. Whatever it is, makukuha ko ang bahay ni Reige. Just wait and see," puno ng kumpiyansa na sabi ni Graxon.
Tanging pag-iling naman ang sagot ni Ion na tumingin sa runway. Ngunit bago ito tuluyang manahimik, may sinabi pa ito na hindi gaanong pinansin ni Graxon.
"Just make sure to end it fast, you'll be in danger once you enter a real game."
TAKOT na humakbang palayo si Lia sa biglaang pagpasok ng ina sa kanyang kwarto sa hotel. Nakalimutan kasi nito na may nilagay pa lang tracker ang ina sa kanyang telepono, kaya ganun na lang ang pagsisisi niya sa kanyang sarili sa hindi pag-alala sa bagay na iyon.
Kasama ng ina ang ilan nilang tauhan na nakabantay sa pinto. At sa mabilis na paglapit ng ina, napahawak siya sa kamay ng ginang nang siya'y simulang sakalin nito. Bumaon pa ang dulo ng kuko nito na nagpadagdag ng sakit sa kanya.
"M-mom..." hirap na tawag ni Lia habang pilit na inaalis ang kamay ng ina sa kanyang leeg. Halos mawalan siya ng balanse sa biglaang pagbitaw ng ginang at makailang beses pa siyang umubo. Malalim na paghinga ang kumawala sa kanyang bibig sa pagsagap nito ng hangin.
Hindi pa man siya nakakahinga ng maayos nang sampalin siya ng ina, malakas ito na para bang sampal ng isang lalaki. Napadaing pa siya sa kasunod nitong pagsabunot habang hawak ng mahigpit ang panga ng anak.
"Wala ka ng ginawang tama! How dare you break my words! At talagang malakas na ang loob mong umalis?!" galit na sigaw nito.
Pakiramdam ni Lia nakakalbo na siya sa pagsabunot ng ina na wala siyang kalaban laban. Gusto niya pa sanang pumalag ngunit natatakot siya na baka mas malala ang gawin nito. Bumagsak siya sa sahig ng tuluyan siyang bitawan ng ina. Nalasahan pa nito ang dugo na nagmula sa gilid ng kanyang labi. Ramdam niya rin ang hapdi sa leeg nito na ngayon ay may sugat mula sa kuko ng ginang.
"Ano?! Kaya mo na?! Kaya mo ng iwan ang iniwan sa'yo ng Dad mo?! Gusto mong sunugin ko ang buong bahay?!"
Takot na tumingin si Lia sa ina. Lumuhod pa ito at agad na nagmakaawa.
"N-no, M-mommy! P-please... n-no... I'm s-sorry... I'm sorry Mommy. H-hindi na po mauulit, p-promise," lumuluhang sagot nito na pinagdikit pa ang dalawa niyang palad.
Sipa sa tagiliran nito ang natanggap niya sa ina na muli siyang sinabunutan. Nakaangat ang ulo nito habang nakatitig sa inang hinaplos ang pisngi ng anak.
"You should be sorry, Lia. You should be." Pabagsak niyang binitawan ang buhok ng anak saka siya tinalikuran. "Prepare your things, uuwi tayo. You have to pay for your sin."
Kahit nanghihina, nanginginig na tumayo si Lia mula sa sahig. Pinunasan niya pa ang kanyang luha habang dahan-dahan na naglalakad sa kanyang bag. Napahawak pa siya sa tagiliran ng maramdaman ang kirot na hindi na niya lamang pinansin. Hirap niyang inabot sa tauhan ng ina ang bag na laman ay ang kanyang biniling gamit.
"Stop crying, baka kung ano pa ang isipin ng iba. And wear this scarf, you look like a mess," mahinang utos ng ina na sinunod ni Lia.
Sinuot nito ang binigay na scarf saka pilit na pinigilan ang luha. Kunwari pa siyang inalalayan ng ina hanggang sa makalabas sila ng hotel at sumakay sa kotse. Nakayuko lang siya't nakakuyom ang kamao. Hindi man nagsalita muli ang ina, alam naman niyang pag-uwi nila sa bahay ay makakaranas siya muli ng pananakit.
Sa buong biyahe, hindi magawang tumingin ni Lia sa labas ng kotse. Hindi rin sila huminto man lang at diretsong tinahak ang daan pabalik sa Manila. Nangangalay at nanghihina rin si Lia dahil sa sakit na nararamdaman niya. Na kahit nahihilo ito sa biyahe, hindi niya nagawang gumalaw sa pwesto nito.
Pagdating nila sa bahay, naunang lumabas ang ina kasunod si Lia. Kabado pang sumunod ang dalaga rito papasok ng bahay na huminto lamang pagdating nila sa sala.
"Magpahinga ka't ayusin mo ang sarili mo, dapat wala akong makitang kahit na anong galos sa buo mong katawan. Isukat mo ang damit na nasa kama mo, kakailanganin mo iyon bukas. Ayaw mong sunugin ko ang bahay na ito diba?"
Umangat ang ulo ni Lia. "O-opo..."
"Kung ganun, pagandahin mo ang iyong sarili. At sa pagkakataong ito, kapag sinabi kong gawin mo ang lahat ng gusto ng kikitain mo bukas... gawin mo. Naintindihan mo ba ako, Lia?"
Tumango ang anak kaya naman iniwan na siya nito. Nakahinga rin siya ng maluwag dahil walang ginawa ang ina. Inalis muna nito ang suot niyang scarf na parang sumasakal sa kanya bago maglakad patungo sa kanyang kwarto. Pagkasara ng pinto, nakuha ng atensyon niya ang isang revealing na puting dress.
Lutang siyang lumapit dito kung saan isa-isa niyang inalis ang suot nitong damit. Walang imik niyang sinuot ang dress bago maglakad patungo sa malaking salamin. Kung tutuusin, bagay sa kanya ang damit dahil sa hubog ng katawan. Umangat din ang ganda nito kahit wala siyang suot na make-up, na para bang kahit revealing ang kanyang kasuotan ay maaakit nito ang kahit na sinong lalaki.
Isang tulo ng luha ang kumawala sa mata ni Lia. "Looks like I don't have a choice right now."
NAPASUKLAY sa buhok si Graxon nang marinig sa receptionist na nag check-out na sa hotel ang babae. Balak pa sana nitong dalhin ang babae sa mismo niyang resort ngunit kusa na naman itong nawala na parang bula.
"May kasama po siyang babae kanina na mukhang nanay niya sir," sabi ng receptionist na nagpabuntong hininga rito.
"Okay, thank you." Naglakad si Graxon palayo sa receptionist at lumapit sa dalawa niyang kaibigan. Inakbayan pa siya ni Reige na napupuno ng pang-aasar ang kanyang mukha.
"Mukhang cinderella ata ang natipuhan mo bro, lagi na lang nawawala. Pano ba 'yan, saan mo na siya hahanapin ngayon?" may pang-iinis na sabi ni Reige.
Tinignan lang naman ni Ion ang dalawa na laging tahimik at nagmamasid. Pero mas nakatuon ang atensyon niya kay Graxon na hindi natutuwa sa nangyayari.
"Dapat hindi ko na siya pinakawalan kanina," inis nitong bulong.
"Dapat talaga, nako... humihina ka na ata Davenport. Parang dati hindi makaalis alis ang mga babaeng kinakama mo. Pero ngayon..." naitikom ni Reige ang bibig sa masamang tingin na ipinukol sa kanya ni Graxon. Inis pang tinabig ng binata ang kamay nitong nakaakbay sa kanya.
"Shut up, huwag mo akong kausapin," seryoso at may pagbabanta nitong sagot bago maglakad at iwan ang kaibigan.
Mabilis namang sumunod ang dalawa, ngunit hindi na nila nasundan si Graxon ng sumakay ito ng kotse at paharurutin ang sasakyan paalis sa resort.
"Ewan ko na lang talaga sa pustahan niyo," iiling na sabi ni Ion na naglakad na rin papunta sa kotse nito.
"Grabe kayo sa akin! Wait for me!" sigaw ni Reige na sumunod na sumakay sa kanyang kotse at sumunod sa dalawang kaibigan.
Pagdating ni Graxon sa resort, dumiresto ito sa kanyang kwarto sa hotel at pagod na humiga sa kama. Makailang beses pa siyang pumikit, ngunit agad ding napapamulat sa tuwing nakikita niya sa kanyang pikit na mata ang mukha ng babae. Kaya imbis na humiga, tumayo siya at lumapit sa mesa kung saan nakalagay ang laptop nito.
Seryoso niyang binuksan ang laptop at naghintay saglit bago mag-type sa keyboard nito. Napatitig pa siya sa screen habang pilit na inaalala ang buong pangalan ng dalaga na hiningi niya kanina sa information desk ng hotel niya. Ganun na lang na namura nito ang sarili dahil maling sinearch nito ang babae sa internet. Nakalimutan niya kasing baka hindi kilalang tao ito na tama nga siya dahil iba't ibang litrato ng babae ang lumabas.
"Wala talagang kwenta ang google na ito minsan," inis niyang bulong bago pabagsak na sinara ang laptop. Ginulo pa nito ang buhok saka tumayo muli para magpahangin sa malawak nitong balkonahe. Kumuha pa siya ng inumin sa maliit na kusina at tuluyang lumabas sa pinto ng balkonahe nito.
Umupo siya sa isang upuan habang binaba naman nito ang hawak niyang alak at baso. Nagsalin siya't tinignan ang kulay bughaw na kalangitan. Maaraw man, hindi niya ito pinansin dahil sanay na siya. Sa resort niya kasi siya mismong namamalagi para asikasuhin ito. Paminsan minsan nama'y nasa Manila siya para pagtuunan ng pansin ang iba nitong negosyo katulad ng sarili niyang mall na nakapangalan mismo sa kanya.
May iba't ibang branch ang mall nito sa buong Pilipinas. Mayroon din siyang negosyo sa ibang bansa kung saan nagpatayo ito sa California ng mga pub maski sa Korea at iba pang panig ng mundo. Sa edad niyang trenta, naabot niya ang pagiging isang milyonaryo nang siya lang.
Mayaman man ang kanyang pamilya at parang walang patutunguhan minsan ang buhay dahil sa pagiging playboy nito. Hindi iyon naging sagabal upang hindi niya magawa ang mga bagay na gusto niya. Kaya ngayong nabubuhay na siya sa kanyang pangarap, isa na lamang ang kulang sa kanya. At iyon ay ang babaeng magpapabago kahit papaano sa pagiging playboy nito.
"Where are you again?" bulong nito sa hangin.