KABANATA 2
MABILIS din akong umuwi ng matapos ang quiz namin. Hindi ko na naaya si Maria na sumama sa akin pauwi dahil nagmamadali na talaga ako. Huli ko na ding naalala na hindi ko pa pala nasauli ang calculator na nahiram ko kay Achilles dahil sa pagmamadali. I received an urgent call during the test. My mom meets an accident while she was going home.
Kaya agad kong tinapos ang quiz ko. Hindi ko na na-check kong tama o mali ba ang sagot ko.
Walang lingon kung pinasa ang papek ko. May ilang pang tumukso sa akin dahil maaga akong nagpasa pero hindi ko na sila nalingon pa kahit si Maria na tinawag rin ako dahil sa kaba.
“Keep quiet, class.” Mahinahong saad ni Sir sa kanila kaya agad natahimik ang buong silid.
Kahit nanginginig man ay nagkaroon pa rin ako ng lakas na magpaalam kay Sir at maghabilin ng mensahe para kay Maria na mauuna na ako.
“Okay. Mag-iingat ka, Ms. Ferran.” Sabi ni Sir sa akin.
Tumango ako. “Thank you po, Sir.”
Lakad takbo ang ginawa ko at kinakabahang nagpara ng tricycle papunta sa bahay. My mom said it was not severe that it was only bruises, but I’m not satisfied until I can’t see her. Kahit parating kalmado ako ay dumadagungdong ang dibdib ko at unti unting nawawala ang yelong pilit kong tinatatag para sa sarili ko. I love my mom, and I’ll never get tired saying that on her.
If she died, I’ll die with her too.
Mabilis akong nagbayad ng makarating sa bahay. Walang pasubaling tinulak ko ang gate at natigil ng makita ang sasakyan niyang nakaparada sa munting garage namin. Nagpapasalamat ako ng makitaang walang gasgas iyon. Ibig sabihin, hindi talaga siya napuruhan sa aksidente.
“Ma!!” Kaagad kong sigaw ng makapasok sa bahay.
Bukas na ang ibang ilaw sa living room dahil sumasapit na din ang dilim. Malakas akong suminghap ng hindi siya sumagot. Nakailang lakad pa ako bago ako makalanghap ng mabangong amoy.
I automatically stride my legs towards the kitchen. There! I saw my mother cooking maybe for our dinner. Nakatalikod siya sa akin kaya kinailangan ko pa siyang tawagin ulit para marinig ang tawag ko sa kanya.
“Ma!!” Agad kong ulit tawag sa kanya.
Kalmado siyang lumingon sa akin at tiningnan ako ng may pagtataka. Then, she smiled afterwards. I sighed in relief when I see her smile.
“W-what happened?” I immediately asked her. She sighed.
She off the stove before walking towards me.
“Sana hindi nalang talaga ako nagsabi sa iyo tungkol doon. Nag-alala ka pa tuloy.” Mahinahong saad niya.
“Bakit?”
“Wala naman, Bree. May bata lang kasing tumakbo sa gitna ng kalsada kaya nagulat ako at nagmamadaling inapakan ang break ng sasakyan ko.” She said. “Hindi naman natamaan ang bata kaya nagpapasalamat ako sa diyos ng marami kundi ay hahabagin ako ng konsensiya ko habang buhay.”
Gumaan ang loob ko sa sinabi niya.
“Then what about you? Are you hurt?”
Umiling siya at matamis na ngumiti ulit sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko ng makalapit sa akin kaya napatingin ako sa kanya. The softness of her touch makes me felt more relieved than ever.
“You really sounded like your father.” She honestly said without a hint of any hatred.
Agad akong natigilan sa sinabi niya at natuod sa aking kinalalagyan. I angrily arched my brows and walk out from her grasp. Just hearing her saying that to me makes my inner self tremble with anger. If Mom was calm and preserve when it comes to this topic, well I’m not. We will never be the same. My side was too much to handle by just my own self either, just hearing my father makes everything on me black. All I could see is my deepest hatred and nothing more.
“Don’t compare me to him, Mom.” I spat angrily.
Malalim siyang napabuntonghininga.
“Hija…” Tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon sa kanya.
I don’t want to, dahil baka bumigay lang ako sa mga titig at malamyos na boses niya na parang ako’y isang batang hinehele.
“Why can’t you still forgive your father, Bree?”
Pumikit ako ng mariin.
“Ma, please..don’t start that kind of conversation with me now.” Nahihirapan kong saad sa kanya.
“It’s been ten years already..” Her voice sounds so hopeful.
Marahas akong lumingon. “Alam mo naman ang ginawa niya sa atin, Ma. He left us without a second thought but still why you can’t hate him. Walang lingon niya tayong iniwan at sumama sa….” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko ng maalala ang mga panahong iyon.
“Did you still love him?” Tuloy kong tanong ko sa kanya.
Tumango siya ng walang pag-alinlangan. Namangha ako sa reaksiyon niya.
“I-I c—can’t believe you.” I stuttered.
Pumikit siya ng mariin. “He has his reasons, Bree.” Tanging nasabi niya sa akin.
“Reasons? Is that enough to leave us?”
Hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin, but I choose to back away. Bumalatay kaagad ang sakit sa kanyang mga mata sa ginawa ko. Nahabag ako kaya kahit masakit man para sa akin ang sumuko sa argumentong ito ay tinanggap ko.
“I’m sorry, Ma.” Hinging tawad ko kaagad sa kanya at umupo sa tabi niya.
Tumingin siya sa akin.
She smiled again. Her smiles are what it takes it all for me to surrender to her. I love her and I can’t bear to see her hurting cause I already see enough.
“In time, you’ll understand everything.” Malambot niyang saad sa akin.
How could she act so fine after all what happened? I don’t want to convince her the anger I’m feeling with because I respect her so much. Hindi ko lantarang pinapakita sa kanya ang galit ko dahil ayaw kong mabahala siya sa pagiging mainitin ng ulo ko sa usaping iyon.
Sumapit ang hapunan ay iyon pa rin ang nasa isip ko. Ang usapan namin kanina ay kaagad naputol nang may tumawag kay Mama. She is a doctor and most of the time ay busy siya palagi. I understand that because it’s part of her profession and job.
Kaya ng sumapit ang gabi ay lumabas ako at tumambay sa isang convenience store. Ganito ako kapag hindi nakakatulog. Nagpapalipas ng oras para mawala ang bumabagabag sa isip ko.
Sumapit ang alas dose ng gabi ng umalis ako at naglakad lakad. I saw a bar after a few minutes of walking. Nagkibit balikat ako at pumasok ng wala sa oras. Hindi na ako hinarang pa ng bouncer dahil palagi naman ako naglalagi dito kapag sumasama ang loob ko.
I was then welcomed with an ocean of wild people on the dance floor. Lahat ay okupado mula sa second floor ng bar at VIP room. Hula ko ay pagmamay-ari ito ni Alejandro Alcazar, isang kilalang businessman tycoon sa bansa.
“Braises!” Matinis na bati sa akin ni Meranda. Ang bartender dito sa Neon Nights.
Nagkamot ako ng ulo bago tinungo ang magarang stool sa counter.
“Wow! You looked great! Hindi ka pa rin nagbabago. Mas lalo ka pa ring gumaganda kapag matagal kitang nakikita!” Eksahirada niyang saad bago nagserve ng inumin sa ibang costumer.
I combed my hair and looked at her. “Huwag mo akong binobola, Meranda. Alam mo namang kapag stress lang ako pumupunta dito.”
She smirked making her earrings on her lips moved. “Well, at least you looked beautifully stressed.” Tapos humahalakhak siya.
“What can I get you? The usual?”
Umiling ako. “I want a strong one this time.”
“Baka di kana makauwi niyan?” Tukso niya.
I smirked. “I have a high tolerance in alcohol. Don’t worry.”
Natawa siya sa akin. Tumango siya sa akin na may kakaibang ngiti.
“Certainly, Madame. I’ll get that straight away.” She then winked playfully at me.
After a few minutes, Meranda then handed me a rock glass with a very transparent liquor. Alam kong hindi magandang mag-inom ako ngayon dahil may klase pa ako bukas pero hindi ko lang kasi mapigilan.
I am so down right now and I wanted to divert my attention to something. Unintentionally, I roamed my eyes around the bar. Halos lahat ay hindi pamilyar sa akin. Pero natigil lang ang mata ko ng tinanaw ko ang second floor. Wala sa sarili akong napailing. Napangiti ako ng mas mapait.
Without a second thought, I immediately gulped the glass I’m holding.
“What the hell? Dapat dinahan dahan mo!” Natatawang sabi ni Meranda sa akin ng makita akong ngumiwi.
Damn it! My throat aches like a fire burning me inside because of the drink. Maanghang at masiyadong malakas ito para sa akin.
Umiling ako at itinaas ang aking kamay. “One more.”
Hindi sana niya pa ako bibigyan pero pinilit ko siya. Pinikit ko ang mata ko ng magsimulang maglaro sa isipan ko ang nakita kanina lamang.
I saw Achilles kissing a woman. f**k!
Hindi ko alam kong bakit naiinis ako! Kasama niya si Miguel, Leandro at isang lalaking hindi ko kilala. Thanks to Maria's chismis ay nalaman ko ang pangalan nila. Lahat sila ay parehong may mga magagandang babaeng kasama. Probably their girlfriends! Kahit medyo may kadiliman ang buong bar ay nakikilala ko pa rin siya mula dito sa baba.
I scoffed.
Sa panglima kong baso ay para na akong nakakita ng mga bituin sa langit. I felt drunk. s**t! This is not how I pictured my night to be. Ilang beses akong umiling at pumikit pero ng magmulat ako ng paningin ay dadalawa na talaga ang nakikita ko. I’m drunk. That’s for sure.
Muli ay sinuklay ko ang buhok ko. Pagkatapos ay tiningnan ko ulit ang second floor kung nasaan silang banda. It was a wrong move. Kita ko kung paano gumalaw ang mga kamay ni Achilles sa mga hita ng babae habang hinahaplos niya ito sa marahan na paraan at ang paglakbay ng kanyang mga labi sa leeg nito ay tila napakabagal at senswal. I saw the woman bites her lips like she was in heat.
I can’t believe I stand watching this soft porn! When I landed my vision to Leandro, I saw him looking at me. Kita ko ang pag-awang ng labi niya nang makumpirma kung sino ako. I saw him muttered a word ‘s**t’ like I caught them for doing something bad. As if naman close kami! Kaagad siyang kumalas sa babaeng kalampungan niya at kaagad tinapik si Achilles.
They must have been shock seeing me in here. Sa tinatagal tagal ko ba namang nandito, ngayon ko lang din naman sila nakita.
Are they regulars here? Why not book a VIP room? Mga malalaswa!
Kusa na akong nagbaba ng tingin at pinahupa ang nararamdaman kong kalasingan.
“Water please, Meranda.” Mahina kong saad.
Kita ko na ang mga ngisi niya. “Inom pa, Bree. Sabi ko kasi dahan dahan pero tinodo mo talaga.”
“I’ll take full responsibility of my actions.” Tanging saad ko.
“Huwag kang mag-aalala. Hindi ka pa lasing, tuwid ka pang magsalita eh!”
Tumango ako. “The music was too loud. I’ll just sit here for ten minutes, then I’ll gotta go.”
Natawa siya sa akin bago tumango.
“How much glass of Bacardi mixed did she drink, Meranda?”
Agad akong naalarma nang marinig ang seryosong boses na iyon mula sa likod ko.
Nilingon ko siya at agad umasim ang mukha ko ng sinalubong ako ng gwapo niyang mukha.
Is he done flirting with her girlfriend? Damn it! I sounded so bitter.
“W—what are you doing here?”
His jaw clenched. “Ako ang unang nagtatanong, Ms. Ferran.” Matigas niyang sabi. “What are you doing here?”
“Uminom? Obviously.” Patanong kong sagot. “I am a regular here.” Matapang kong saad.
Nilingon niya si Meranda. “Is this true?”
“Yes, Sir Achilles. Braises is our regular costumer here.”
Achilles turned his head on me again. Humilig siya sa counter at lumapit sa akin.
“You are already drunk, Bree.” Malumanay niyang saad na ikinagulat ko. Kanina lang ay parang galit siya sa akin pero ngayon ay parang ingat na ingat siyang pagsalitaan ako ng masama.
He’s making me familiarly confused.
“It’ll take off anyway. I’ll just need a minute to bring my thoughts back.” Saad ko sa kanya. “Why don’t you go back to your girlfriend instead? Siguradong nabitin iyon sa sinimulan niyong lampungan kanina?”
Achilles parted his lips like he didn’t want to hear what I said.
“You shouldn’t have seen that.”
But I did. “Uh-huh! Huwag kang mag-aalala, hindi ako magkakalat sa nakita ko sa iyo kanina.”
What? As if he cares about him being exposed, Braises! Eh, kalat na kalat ngang babaero. You frigging fool! Oh, Braises, ipapahamak mo talaga ang sarili mo?
He looked at me impatiently. He looks so regal and cunning with his sexy looks now.
“f**k! You are really drunk.” Galit na niyang saad. “Let’s get you home now, please?”
I blinked twice. “Kinakawawa mo ba ako ngayon?” Kasi kung naaawa siya sa akin ay baka maiyak na ako.
“Baby, if it’s just pity I wouldn’t do this.” Seryoso niyang saad at hinawi ang buhok kong tumatabing sa aking mukha.
Why do I feel like he is so familiar?
Agad nag-init ang pisngi ko sa itinawag niya sa akin. Oh my God! He is a playboy. Huwag kang magpapadala, Bree!
“Are you flirting with me?” Walang hiya kong saad.
I saw his lips formed a curve. “Why? Is it working?”
“I don’t like flirt.”
“Then, I am not flirting with you.”
Kumunot ang noo ko. “I just saw you kissing a woman and you just said you are not flirting.” Mahina kong saad. Hindi ko napigilang hindi magbaba ng tingin dahil sa kahihiyan.
Hindi na talaga ako iinom ulit ng alak na ganito katapang kailanman.
“I didn’t say I’m not a flirt. I just mean I’m not flirting with you.”
I felt so offended. “I hate you, you damn bastard.”
He smiled evilly. “Matalas ang tabas ng dila mo, Ms. Ferran. Nangangailangan ata iyan ng matinding bendisiyon.” He seriously said.
“Why did you hate me again?” He asked.
I was about to answer him but I lost a word. Hindi ko alam. Hindi ko naman siya kilala. But why am I this confused?
“Until you won’t tell me the reason why, I can’t tell you mine either.” He strongly debated. “Now, let’s get you home before some asshole spotted you here. Mahirap na, masiyadong ka pa namang maganda.”
Wala akong nagawa nang maingat niya akong inalalayan. He took my bills and paid it. Akala ko ay ihahatid niya ako gamit ang sasakyan niya pero pinili naming maglakad habang tahimik na ninanamnam ang simoy ng gabi.
“I’m sorry if I ruined your date tonight.” Hingi ko ng paumanhin sa kanya.
Hindi ko alam kong paano inalis ng gabi ang kalasingan ko. Dahil basta ko nalang natagpuan ang sarili kong naging alerto sa mga pangyayari habang kasama siya.
“Stop insisting that scene all over your brain, Braises. I hate it when you think about what you saw earlier.” Malamig niyang sabi at tiningnan ako ng matagal.
I chuckled. “It feels so weird.”
He sighed.
“Kanina pa lang tayo magkakakilala pero kung umasta tayo sa isa’t isa ay parang magkakilala na tayo ng matagal.”
He put his hand on his pocket.
“Why? Did you forbid it?” He asked, so serious. “If so, why does your heart recognized me?”
I gasped.
Hindi ako nakaimik.
Huminto siya kaya napahinto rin ako.
“We are here.” Nagulat ako sa sinabi niya. Napaangat ako ng tingin at nakitang ito na nga ang bahay namin.
“H—how d-?” Hindi ko na natuloy ang tanong ko ng umabante siya patungo sa akin sa mabagal na paraan.
“Good night, my Braises.” He whispered and kissed me on my forehead.
He smiled at me once more that leaves me very speechless.