KABANATA 3
MARIA didn’t stop whining in front of me until I will not say yes to her suggestion. Busangot ang mukha kong tumingin sa kanya. Hindi siya mapalagay sa kanyang pwesto at pilit akong hinahatak kung saan niya gusto.
“I told you I’ll go home right away. Wala akong oras para mag-group study, Maria. I will do it at home instead. Walang ibang kasama si Mama sa bahay at alam mo ang bagay na iyan.” Madiin kong saad sa kanya.
Umingos lang siya sa sinabi ko. “Mas mabuti na iyong may kasama tayo, Bree. Mas mapapadali nating mauunawan ang topics natin kong may kasama tayong mas maalam pa keysa sa atin.”
I rolled my eyes at her. “Hindi ako naniniwala sa iyo, palusot mo lang iyan.”
Natawa ako ng may maalala. “At isa pa sino sino naman ang tinutukoy mong ka-group study natin kung sakaling papayag ako?”
Alam ko namang wala kaming matitinong makakasama kung sakaling sa section namin dahil baka hindi na nga kami makakapag-study at makapagconcentrate. Baka puro lang usapan ang magagawa namin.
Ngumisi siya sa akin. “Huwag kang mag-alala, they are one of the best of the best.” Masayang suhestiyon niya.
Napapagod akong nagpikit ng mga mata at ibinuka iyon ulit para makita siya. What happened last night was still a blast for me. Achilles became a puzzled that I have to solve. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip lang sa kanya. At first sight, I thought he was just cold but now, I was torn in choosing the latter. And I don’t know if I am in danger or in between good and bad.
“They?” I asked so stressed at what she said.
Natawa siya sa akin ng tuluyan. “Come on, Bree. Lift up and have some energy. Actually, it was Miguel who invited me but then when I said I would invite you too, he also asked Achilles if he wants to join the group too.” She even bites her lips nervously.
Parang alam ko na kung saan itong usapan na ito patungo. Dismayado akong tumigin sa kanya ulit.
“And?” I impatiently asked her.
“Fortunately, Achilles said yes.” She squealed afterwards.
Kaya may ibang estudyante na napapatingin sa kanya na may pagtataka. Hindi niya ito binigyan ng pansin. Sinusundot sundot pa niya ang tagiliran ko habang ako ay masamang nakatingin sa kanya.
“I really think she likes you.” Umiling siya. “No, I think it’s more than that. Kung makatitig sa iyo ay wagas tapos lantaran pa. Ang swerte mo, Bree. Ang yummy ni Papa Achilles!” She vulgarly said.
Kinurot ko siya ng marahan sa kanyang tagiliran para matigil siya sa mga pantasiya niya.
“Are you insane? Hindi ko alam kung saan mo nakukuha ang mga nakakalokong ideyang iyan. Hindi mo ba alam na maraming babae iyon at huwag kang magsasalita ng ganyan, I’m way out of his league.” Seryoso kong dahilan sa kanya upang matigil na talaga siya.
Maria teased me again.
“Why? Akala ko ba crush mo siya?”
Ito na, hindi na talaga ako nito titigilan. She misinterpreted what I had said before and it makes my forehead creased more in a stressful manner. Mapapanot talaga lahat ng buhok ko sa babaeng ito. Hindi ko akalaing mapupunta ako sa kalagayang ito kung saan agad niyang nababaliktad ang lahat.
“It doesn’t mean I said that, I really do. Ang ibig sabihin non humahanga lang ako sa katalinuhan niya at wala ng iba.”
Alam ko sa sarili ko na may kaunting kasinungalingan sa mga sinabi ko. But I can’t bear to lose my posture in front of Maria just because of admiring Achilles gorgeous face and body. Inaamin kong gwapo siya and I’m attracted to him. Babae rin ako at alam ko rin kung hanggang saan ang limitasiyon ko.
“I said I idolized him.” Ulit ko.
“Pareha rin iyon.”
“Grabe, wala na akong masabi.” I sarcastically said. Nagpatuloy ako sa paglalakad at iniwan siya ng mabilis.
Tawang tawa lang na sumusunod si Maria sa akin.
“Bree! Hintayin mo ko!” Sigaw niya pero hindi ako lumilingon.
“Bree!”
“Mrs. Monastaro!” Napahinto ako sa tawag niya.
Napayakap ako ng mahigpit sa librong dala ko at tumingala sa langit. Nandito kami sa field ng school namin at dito namin minsang napagpasiyahan na magtambay kapag may vacant kami. Sumisilong lang kami sa mga malalaking puno habang nag-rerelax at minsan ay natutulog din.
Actually, papunta kami ni Maria sa paborito naming tambayan dito. Mas malayo iyon dahil nandoon iyon sa pinakadulo ng soccer field. Walang tao madalas roon kaya doon ko naisipang mamalagi minsan kapag ayaw kong pumunta sa library.
“Mrs. Monastaro!” Napapikit ako ulit sa mapanuyang tawag niya sa akin.
Lord, can you please send me an angel here to abduct this girl? I prayed silently.
Mabuti nalang talaga at nakakalayo na kami sa mataong lugar na ito. May waiting shed din dito pero halos wala ng tao dahil nga sa malayo na sa entrance ng school.
“Will you please stop calling me Mrs. Montanaro?!” Sigaw ko ng makaharap ako sa kanya.
Namilog kaagad ang mata ko ng makitang hindi lang nag-iisa si Maria sa likuran ko. She’s with Miguel and Achilles now. Nanlamig kaagad ang kamay ko at agarang nag-iinit ang dibdib ko dahil sa malakas na sigaw ko kay Maria. Pati siya ay nagulat rin ng makitang may mga taong lumapit sa kanya.
“M-miguel!” Maria stuttered. “W-why are you all here?”
Who would have thought that they will come here?
At teka nga bakit sila narito?
Wait! Ngayong ko lang napansin na hindi sila naka-uniform. They were on their jersey. It must be a soccer jersey. Hindi ko alam na player pala sila. Umiling akong nag-angat ng tingin kay Achilles. I glanced flawlessly on him but only to find out his sexy smirk on me. Not again. Hindi pa ako nakakamoved on sa nangyari kagabi at kung sakaling ipaalala niya sa akin ang nangyari kagabi ay paniguradong wala na akong lusot.
Bwisit!
He has this prudent smile on his lips that wants to come out but then, instead, he just bite his lips sensually in front of me while still darkly staring at me.
“We are here for the practice.” It was Achilles who answered while still staring at me.
Practice? Hindi ko alam na player pala sila. Hindi naman kasi ako mahilig manood kung may practice man dito dahil natutulog lang ako.
“Who’s Mrs. Monastaro?” Miguel asked curiously.
Tumingin ako kay Maria at pinaningkitan siya. Huli ko nang napagtanto na nakatitig din sa akin si Achilles. Muli ko siyang tiningnan.
He’s now amused at my reaction. Kahit nga ang pagtago niya ng nakakalokong ngiti ay hindi na niya mapigilan. I never thought that he would give me that kind of reaction.
Wala akong nagawa kong hindi ang napapasong ibalik muli ang tingin kay Maria na mukhang nanghihingi ng tawad sa akin.
“Ah, wala iyon. It was only a joke.” Maria said shyly.
Miguel chuckled before turning his gaze on me.
“Hi, Braises!” Bati niya sa akin kaya tumango lang ako.
Binalingan niya kaagad si Achilles na nakatingin pa rin sa akin.
“I never knew you already have a wife, Achilles.” It was Miguel who playfully teased him then chuckled afterwards.
Lamunin na ako ng lupa! Diyos ko!
Humanda ka sa akin mamaya, Maria!
He lazily turned his head too on Miguel.
“Yeah.” Malamig niyang saad sa kaibigan.
“Who would have thought that Ms. Ferran is willing to be my wife?”
Willing? Ang kapal ng mukha niya!
Kaagad akong tumalikod sa kanila dahil sa kahihiyan. Hindi ko namalayan ang malaking bato sa paanan ko kaya natalisod ako at malakas na bumagsak ang buo kong katawan sa damuhan. I groaned in pain ng tumama ang braso at panga ko sa mga munting batong naroon.
This is the most miserable day of my life. Ugrh!
“f**k!” It was Achilles harsh cursed that I heard before I felt his presence beside me.
“Bree!” Impit na tili ni Maria ng makita ang kalagayan ko. Dumalo siya kasama si Miguel na nag-aalala ring tumingin sa akin.
Marahan akong hinawakan ni Achilles sa beywang at iniangat ako mula sa pagkakakadapa.
“Aw…” I said painfully. Sumakit ang tuhod ko dahil pati pala iyon ay nasagi sa malaking bato.
“Bree? What’s wrong?” Maria asked worried.
Umiling ako upang sabihing okay lang ako. Pero nang sinubukan kong lumakad ay naroon pa rin ang sakit sa tuhod ko. Mabuti nalang talaga at naka jeans ako ngayon. Umigting ang panga ni Achilles habang nakatingin sa may kaunting dugo sa aking braso at panga dahil sa maliliit at matutulis na bato na natamaan ko.
“I’ll bring her to the school clinic.” It was Achilles deep baritone voice seriously talking. “Maria, ikaw nalang muna ang bahala sa mga gamit niya.”
Agad na tumango sa kanya ang kaibigan ko. “Don’t worry..”
Binuhat niya ako kaagad ng walang pag-aalinlangan. My heart beat faster when he did that.
“I--It’s not that bad, Achilles. Y--you can put me down now.” I protested nervously at him.
He turned his gazed on me, darkly. He was so determined to carry and bring me to the clinic and I can’t believe that he’s this so damn serious.
“You can’t even walk properly and you said it’s not bad? No, I will bring you there now.” Desidido niyang saad sa akin at hindi ako pinakinggan. “Stop being stubborn, will you? It will just raise my anger.”
I owned my body but why does it betrayed me now?
“Bree, sige na! Namumula na ang bahagi ng panga at braso mo baka mapano ka pa niyan.” Maria initiated too.
“We have to go.” Saad ni Achilles.
Para akong wala sa sarili habang buhat niya. Mas lalo ko pang iniyuko ang ulo ko ng makarating kami sa maraming tao. Their eyes were all set on us. Some are even whispering.
“Oh my! Who’s that girl Achilles carrying?”
“Is that his girlfriend?”
“No way!”
“How about Rosette?”
The last question make me looked unto him. Rosette is one of the beauties here in our college. Business administration ang kurso noon, maganda at isa ring modelo sa mga kilalang brand. She is also a beauty queen at marami na siyang competition na napapanalunan. Last year, it was she who won in our intramurals.
Kaya hindi na ako nagtataka kung malilink siya kay Achilles. They were actually perfect for each other; both came from a wealthy family.
Napansin ni Achilles na nakatitig ako sa kanya kaya yumuko siya sa akin. Naumid ako bigla at iniwas ang tingin.
“Don’t mind them. I didn’t even know who that girl is.” Malamig niyang saad sa akin.
“Hindi naman ako nagtatanong.” Masungit kong saad sa kanya. “I knew what I saw last night and it just answered all my doubts on you.”
Kita ko ang pagka-irita sa kanyang mukha. “What are those doubts then?” Matalas niyang tanong sa akin.
I was shocked at my sudden outburst. Ngayon baka akalain niya na may gusto na talaga ako sa kanya. Ang yabang niya kasi, hindi ko naman tinatanong sa kanya pero kusa siyang nagsasalita na para bang kailangan niyang magpaliwanag sa akin. I knew his reputation with girls and he doesn’t need to uplift that just so he could save his face.
Naiinis ako!
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nararamdaman ko ito!
Dahan dahan niya akong ibinaba sa bed na naroon sa clinic ng makarating kami. Wala ang doctor ng clinic kaya ang college nurse na ang umasikaso sa amin.
“Fill this up first, hija.” Saad niya at may ibinigay sa akin na isang maliit na form at ballpen.
Hindi ko pa ito nakukuha ay may humablot na.
“I’ll do it.” Achilles said. Bumaling siya kaagad sa nurse.
“Can you please heal her wounds now?!” He impatiently said to the nurse.
Nagulat ako sa agresibong sabi niya sa nurse na pati rin ay nabigla sa sinabi niya.
“Achilles...” Mahinahon kong tawag sa kanya kaya bumaling siya sa akin.
He calmed down a bit.
“I’m sorry po, Ma’am.” Hingi ko nang paumanhin sa nurse.
Ngumiti nalang siya sa akin at umiling iling.
“Boyfriend mo, hija?” Tanong niya sa akin.
Mas nagulat ako sa sinabi niya kaya bahagyang lumaki ang buka ng mata ko.
I bet my face is red right now.
“Hindi po…” Saad ko habang hindi tinitingnan si Achilles.
His stares were still directly pointed at me and I can felt it. Nag-iinit pati ang likod ko dahil doon.