TPT - 16

3596 Words
M A R K Sa sala na kami nakatulog ni Tale kagabi. Magdamag niya akong pinatahan sa pag-iyak sa pamamagitan ng pagyakap niya sa akin. Ilang ulit niya ring hinahalikan ang aking noo upang pakalmahin ako. Bahagya akong napapaigtad sa tuwing malakas na kumukulog ang galit na kalangitan. Sa tuwing makakarinig ako ng mga biglaan at malakas na tunog ay nanunumbalik sa alaala ko ang mga nangyari noon. Nanunumbalik sa akin ang matinding bangungot na dinanas ko noon. Ang dahilan kung bakit tuluyang nawala ang mga magulang ko sa aking buhay. Isang bangungot na kailanman ay tatatak na sa aking nakaraan. Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang masulyapan ko ang napakagwapong lalaki na natutulog pa rin sa tabi ko. Nakalingkis ang kanyang malaking braso sa aking tiyan. Malaya kong napagmasdan ang hubog ng kanyang mukha sa puntong ito. Bahagyang magkahiwalay ang kanyang manipis na labi. Kusang gumalaw ang aking kamay upang haplusin ang kanyang pisngi at damhin ang mga papatubong balbas dito. Masyado nang napalapit ang loob ko kay Tale. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa buhay ko. Hindi ko kakayanin na mawalay siya. Paano na lang ako? Paano na lang ako kagabi kung wala siya sa tabi ko? Simula nang dumating si Tale sa buhay ko ay nagbago na ang lahat sa akin. Nakadepende na ang lahat sa kanya. Ang kaninang ngiti sa aking labi ay naglaho nang isang tanong ang pumasok sa isip ko. Paano na lang kapag nawala na siya sa akin? Ano nang mangyayari sa akin? Masyado na akong nasanay na nasa tabi ko. Masyado na akong nasanay sa mga halik at haplos niya. Natatakot ako na baka sa oras na mawala siya ay gumuho ang mundo ko. Natatakot ako na baka magsawa siya sa akin. Natatakot ako na mangyari yun. Sa sitwasyon namin ngayon, hindi ko alam kung anong panghahawakan ko para manatili siya sa tabi ko. Alam ko - alam ko na darating ang panahon na mawawala siya sa buhay ko. Totoo naman diba? Ganun ang reyalidad. Hindi lahat ng tao ay habang-buhay na mananatili sa tabi natin. Darating ang panahon na magsasawa rin sila sa atin at iiwan din tayo sa huli. Gusto kong tanggapin na darating ang oras na yun. Ngunit puso ko na mismo ang sumasalungat doon. Na hindi habang-buhay na mananatili sa tabi ko si Tale. Naikagat ko ang aking labi sa labis na pagpipigil na huwag maiyak sa reyalidad na yun. Ngunit sadyang mapilit ang mata ko na dumaloy ang mga luha mula dito. Sa oras na dumating ang panahon na yun ay wala akong magagawa kundi ang palayain siya sa buhay ko. Bago pa man siya magising ay napili ko na lang na bumangon na upang maghanda ng kakainin namin ngayong almusal. Dumiretso muna ako sa kwarto ko upang maghilamos bago tumungo sa kusina. Abala ako sa aking ginagawang pagsalin ng pagkain nang maramdaman ko ang paglingkis ng braso sa aking bewang. Bahagya akong napaigtad ngunit agad ding nakabawi nang mapagalaman na si Tale ito. Nakangiti ko siyang hinarap bago pinatakan ng halik sa kanyang labi. "Good morning..." pagbati ko sa kanya. Sandali akong natulala nang mapagmasdan ang hitsura niya. Medyo magulo ang kanyang buhok at mapupungay pa ang kanyang mga mata na sadyang bumagay sa kanya. "Good morning." pagbati niya rin sa akin. Hindi ko inaasahan ang pagkabig niya sa aking katawan palapit sa kanya. Mabuti na lang ay agad kong naitukod ang aking kamay sa kanyang dibdib para hindi ako tuluyang masubsob sa kanya. "Ano ba, Tale!" natatawa kong reklamo sa kanya. Marahan ko siyang pinalo sa kanyang dibdib dahil sa pagkagulat. "I want you now, Mark." halos pabulong ang boses niya na sabi sa akin. Hindi ko nagawang makasagot nang simulan niyang lantakin ng mga halik ang leeg ko.  "Tale! Nakikiliti ako! Ano ba!" para akong tanga na gusto siyang patigilin sa ginagawa pero aminin ko man sa sarili ko o hini ay nagugustuhan ko ang ginagawa niya. Marahan ko siyang tinutulak upang pigilan siya sa ginagawang paghalik sa leeg ko. Umakyat ang halik niya sa may tenga ko na lubhang nagdala na malakas na boltahe sa aking katawan. Dama ko ang pamamasa ng aking tenga sa ginagawa niyang marahan na pagkagat sa parte ng katawan kong yun. Kung kanina ay nagagawa ko pang tumaway ngunit ngayon ay pawang mahihinang ungol na lang ang lumalabas sa aking bibig. Damang-dama ko ang nagsisimula nang tumigas niyang pag-aari sa aking tiyan dahil tanging boxer shorts lang ang suot niya. Nagtagpo ang aming labi na gigil niyang kinagat upang malaya niyang maipasok ang kanyang eksprertong dila sa bibig ko. Doon ay sinimulan niyang paglaruin ang dila ng isa't-isa. Kusang gumapang ang isa kong kamay pababa sa kanyang p*********i. Nagawa kong maipasok ang aking kamay sa loob ng kanyang boxer at simulang paglaruan ang naghuhumindig niya nang pag-aari. Mahina siyang napaungol dahil sa ginawa. Mas idiniin pa niya ang pagkabig sa aking katawan para mas lalo akong mapalapit sa kanyang katawan. Mainit ang pagtatagpo naming dalawa nang mapatigil nang madinig ko ang pag-doorbell mula sa labas ng bahay. Mabilis kong inalis ang aking kamay sa loob ng kanyang boxer dahil sa pagkagulat. "May tao sa labas..." pilit kong iniiwas ang aking labi palayo sa kanya ngunit siya itong makulit na pilit na hinuhuli ang aking labi. "Don't mind that..." halos pabulong niyang sambit sa gitna ng kanyang paghalik sa akin.  Tuluyan kong kinalas ang aking katawan sa pagkakahawak niya at hahakbang na sana nang muli niya akong kinabig at binaling ang aking mukha paharap sa kanya. Uhaw niya akong muling hinalikan na maagap ko namang napigilan. "Tale! Ano ba! Sabing may tao sa labas." patuloy pa rin kasing nagdo-doorbell ang kung sinuman na yun sa labas. Ngunit ang kumag na ito ay parang ayaw ata paawat sa ginagawa at masyado nang dalang-dala sa init ng katawan. "f**k!" inis niyang bulalas at tuluyan nang natigil sa kanyang paghalik sa akin. Tuluyan niya na rin akong pinakawalan kaya naman ay malaya akong nakalayo sa kanya. Napailing na lang ako nang mapagmasdan ang malaking bukol sa pagitan ng kanyang hita na mukhang galit na galit rin dahil sa naudlot naming pagniniig. Natatawa na lang ako habang tinatahak ang daan patungo sa main door nitong bahay. Walang tigil pa rin ito sa pag-door bell nang pagbuksan ko ito ng pinto. Awtomatikong nawala ang aking ngiti nang masulyapan ang tao sa aking harapan. Nakasuot ito ng kulay pulang dress na yumakap sa balingkinitan niyang katawan. Medyo napatingala ako sa tangkad nito. Masasabi kong maganda ang babaeng nasa harapan ko dahil sa mapupungay niyang mata, matangos na ilong at mapulang labi. Mahahalintulad ko ang ganda niya sa isang international model. Nginitian ako nito na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kagandahan. Tila isa itong anghel na bumaba mula sa langit dahil sa amo ng kanyang mukha. "Ano pong kailangan nila?" magalang kong tanong sa babae. "Hi! I'm Samantha. I'm looking for Alfred Tale sana eh. I've been calling him for almost a week but I can't reach him so I decided to go here na lang. Is he inside?" napangiwi ako sa paraan ng pagsasalita niya. Ayoko mang laitin siya pero may pagkamaarte ang dating niya sa akin. "Ahmm... Excuse me?" sandali akong natulala upang hindi ko siya masagot. Nabalik na lang ako nang magsalita ang babae ulit. Iniisip ko kasi kung ano ang kailangan ng babaeng 'to kay Tale. Tsaka, bakit niya tinatawagan si Tale? May importante ba siyang bagay na kailangang sabihin sa kanya? "Pasok po kayo..." hindi ko naman gusto magsinungaling at sabihing wala dito si Tale. Kaya naman ay pinapasok ko na lamang siya. "Maupo ka po muna. Tatawagin ko lang po si Tale." "Thanks, dear." Saglit akong pumunta sa kusina at umaasang nandon pa siya ngunit mukhang umakyat na siya sa kanyang kwarto. Nadaanan ko pa ang babae na palinga-linga sa buong kabahayan nang umakyat ako sa hagdan para puntahan si Tale sa kanyang kwarto. Hindi na ako kumatok nang mapansin na bahagyang nakabukas ang pinto nito. Madilim ang kanyang kwarto pero sapat naman para makita ang kanyang bulto sa ibabaw ng kanyang kama. Bumalik sa pagtulog ang kumag. Nakataob ang pwesto ng kanyang higa. Marahan kong tinapik ang kanyang likod upang gisingin siya. "Tale. May naghahanap sayo." sambit ko habang patuloy pa rin sa pagtapik sa kanya. Tanging mahinang ungol niya lang ang nadinig kong tugon niya. Nanatili lang nakapikit ang kanyang mga mata at mukhang tamad na tamad na umalis sa kanyang pwesto. "May naghahanap sayo. Si Samantha." mabilis na nagmulat ang kanyang mata at bumangon mula sa pagkakahiga. Parang nagulat ito na madinig ang pangalan na yun at malaman na hinahanap siya nito. Nakapagtataka tuloy kung sino ang Samantha na yun sa kanya. "What is she doing here?" galit ang tono ng kanyang boses. Kumibit-balikat na lang ako bilang pagtugon. Saglit siyang tumungo sa closet niya at kumuha ng isang sweat short upang isuot ito. Nagpalig rin siya ng isang tee shirt bago tuluyang lumabas sa kanyang kwarto. "That brat." nadinig kong bulong niya habang nakasunod ako sa kanya. Nang matanaw si Tale na pababa na ng hagdan ay nakangiting tumayo ang babae at masayang lumapit kay Tale. Niyakap siya nito nang tuluyang makalapit sa kanya si Tale. Hindi ko naman makita ang ekspresyon ng mukha ni Tale dahil nakatalikod siya sa akin. "I miss you, Alfred Tale." bumungisngis pa ito dahil sa labis na tuwa nang makita si Tale. "What do you want, Sam?" seryosong tanong ni Tale. Umupo si Tale sa maliit na sofa nitong sala at humalukipkip na tinitigan ang babaeng nakangiting nakatingin pa rin sa kanya. Iniwan ko na lamang sila doon sa sala at pumunta na lamang sa kusina upang ipagtimpla sila ng maiinom. Medyo nagugutom na rin ako dahim hindi pa ako kumakain ng almusal. Pasado alas-nuebe na rin ako nagising at malapit nang mag alas-diyes ng umaga. Maya-maya rin ay kailangan ko nang magluto para sa lunch namin ni Tale. Nang matapos sa pagtimpla ng tsaa para sa kanilang dalawa ay agad ko rin itong nilagay isang tray at dinala ito sa sala. Naabutan kong tumatawa ang babae at may kinukuwento na kung ano samantalang si Tale naman ay pangiti-ngiti lang habang nakikinig. Hindi na galit ang mukha niya hindi tulad kanina.  "It's just a small celebration, Alfred Tale. Minsan lang kita imbitahan so you can't say no to this one. Palagi mo na lang ba akong paaasahin?" natigilan ako sa paglalagay ng tasa ng tsaa sa ibabaw ng center table nang marinig ang sinabi ng babae. Pinapaasa? Sa anong bagay? "I've been calling you but you're not responding to my calls so I decided to go here. Maybe I know the reason why you're not answering my calls and I assume that you're too busy with your new toy." ramdam ko ang nanunusok na tingin ng babae sa akin. Imbes na makinig sa usapan nila ay napili ko na lamang na bumalik sa kusina upang kumain na ng breakfast. Mukhang hindi makakasabay sa akin si Tale sa pagkain ngayon dahil abala siya sa pakikipagusap sa babaeng yun. Kahit hindi maganda ang pakikitungo ni Tale doon sa babae halatang close sila sa isa't-isa. Hindi ko alam kung ano ang sadya ng babang yun dito pero parang sobrang saya nitong makita si Tale. Hindi ko mapigilang mag-isip kung sino ba ang babaeng yun sa kanya. Sa isang taon na merong namamagitan sa amin ni Tale, ay ni minsan ay wala siyang nabanggit na pangalan ng babae sa akin. Kahit ang pangalan ng babaeng yun. Natigilan ako sa pagkain nang manumbalik sa isipan ko ang senaryong nasaksihan ko noon sa mall. Kung saan nakita kong may kasamang babae si Tale. Hindi kaya siya yung babaeng yun? Hindi kaya si Samantha ang nakita kong hinalikan ni Tale noon? Tila may kumirot sa dibdib ko alaalang yun. Nangako ako sa sarili ko na kakalimutan na ang bagay na yun pero ang makita ngayon ang babaeng yun ay parang kusang bumalik ang lahat. Hindi ko dapat maramdaman ito. Hindi ko dapat isipin ngayon ito. Natagalan ako bago matapos sa pagkain ng almusal. Hanggang ngayon ay dinig ko pa din ang usapan nilang dalawa mula sa sala. Mukhang masaya ang pinaguusapan nila dahil naririnig ko na rin ang mahihinang pagtawa ni Tale. Inabala ko na lamang ang aking sarili sa paghuhugas ng mga pinggan kaysa ang makinig sa usapan nila. Habang abala ako sa ginagawa ay nadinig ko ang mga yabag ng paa patungo sa aking pwesto. Later on, naramdaman ko ang pag-akbay ng kanyang braso sa aking balikat. "What's for breakfast? or should I ask, can we eat now?" hindi ko siya nagawang tingnan dahil abala ako sa ginagawa. Humakbang ako papalayo sa kanya upang mapunasan ang mga pinggan. Hindi ko siya kinikibo. Bigla kasi akong nawalan ng interes na kausapin siya sa hindi ko malaman na dahilan. "Hey! What's the matter? Bakit parang galit ka?" muli siyang lumapit sa akin at tatangkain sanang yakapin ako pero mabilis akong naglakad palabas ng kusina.  Naabutan kong wala nang tao sa sala kaya naman ay kinuha ko na ang mga tasa na pinag-inuman nila. Nakasunod pa rin siya sa akin na kinairita ko bigla. "Mark! Are you mad? Please talk to me..." hinawakan niya ako sa aking braso at mabilis na kinabig paharap sa kanya dahilan para mabitawan ko ang tasa. Umalingawgaw sa buong lugar ang tunog ng pagkabasag ng bagay na yun sa sahig. Kusang gumalaw ang aking katawan upang pulutin ang mga basag na piraso ng tasa. "Don't touch it. Baka masugatan ka." pumantay sa akin si Tale at balak sana akong pigilan. "Hindi ako tanga para masugatan, Tale." mabilis kong napulot ang mga parteng yun at bumalik sa kusina. "Are you kidding me?" halata na sa tono niya ang frustrasyon. Nanatili pa rin siyang nakasunod lang sa akin. "Don't tell me nagseselos ka do'n kay Samantha!" natigilan ako sa aking pwesto dahil sa sinabi niya. Nagseselos? Yun nga ba ang nararamdaman ko kung bakit bigla na lang ako nairita sa kanya? "B-bakit naman ako magseselos?" natigagal ako nang yumakap siya mula sa likuran ko. Parang dumikit ang mga paa ko sa sahig dahilan para hindi ako makagalaw. "You seem so jealous with her. She's my cousin, Mark. You don't have to be jealous because she's going to get married soon. She went here to invite me for tonight's party." matagal kami sa ganung posisyon bago ko maramdaman ang bagay na tumutusok sa aking likuran. Maingat niya akong pinaharap sa kanya at hinagkan ang aking labi. "Binitin mo ako kanina, Mark. You have to pay for what you've done." sadyang nakakapang-akit ang ginagawad niyang halik sa akin. Nanghihina akong napasandig sa island counter habang tinutugon ang mga halik niya. Lumingkis ang isa kong braso sa leeg niya samantalang ang isa ay malayang dinama ang kanyang dibdib. Walang hirap niya akong binuhat at pinaupo sa island counter. Painit ng painit ang pagpapalitan namin ng halik. Papusok ng papusok. Parahas ng parahas hanggang sa di ko na namalayan na natabig ko na pala ang mga prutas sa gilid dahilan para mahulog ito sa sahig. Madali niyang naihubad ang aking damit para doon naman ituon ang halik sa namumula ko nang u***g. Para akong nakalutang sa ginagawa niyang pagsipsip doon. Napapasabunot na lang ako sa buhok niya kasabay ang mahihinang ungol na aking pinakapakawalan. Mag-isa na lamang ako dito sa loob ng bahay. Kanina ay nakaalis na si Tale upang dumalo sa wedding party na kanyang pinsan na si Samantha. Balak niya pa sana ako isama ngunit agad na akong tumanggi sa pagyaya niya. Ayoko namang makaistorbo sa kanya tsaka mukhang exclusive ang party na yun na para lang sa mga malalapit na tao sa babaeng yun. Inaamin ko sa sarili ko na nagselos nga ako sa pinsan niyang yun. Sino ba namang hindi, diba? Maganda si Samantha at napansin ko pa ang pagiging close nila sa isa't-isa. Hindi ko naman akalain na pinsan pala siya ni Tale. "Don't wait for me, Mark." bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin kanina bago siya umalis.  Pasado alas-dose na ng gabi pero naririto pa rin ako sa sala at hinihintay siya. Kahit sinabi niya na huwag ko na siyang hintayin ay ito pa rin ako, nagtitiis na antayin ang pagdating niya. Inaabala ko na lamang ang sarili ko sa panunuod ng pelikula upang hindi ako dalawin ng antok. Ngunit bigo ata ako sa balak ko nang magsimulang mamigat ang talukap ng aking mata at tuluyang makatulog. Napabangon ako sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang pangingirot ng aking leeg dahil sa posisyon ko. Papungas-pungas ako ng aking mata na tumingin sa digital clock malapit sa tv. Pasado alas-dos na ng madaling araw ngunit wala pa ring Tale ang dumadating. Nagdesisyon akong matulog na lamang sa kwarto ni Tale at kung sakaling dumating siya ay malaman ko. Paakyat na ako sa hagdan nang masinagan ko ang ilaw ng isang sasakyan mula sa labas. Nagmadali akong bumaba at lumabas sa main door ng bahay upang salubungin si Tale. Nawala ang ngiti ko nang ibang tao ang lumabas sa sasakyan na yun. Umikot ito sa kabilang parte ng sasakyan at inalalayan si Tale na mukhang wala na sa wastong katinuan. Agad akong lumapit sa lalaki upang tulungan siya sa pag-alalay. Nanuot sa aking ilong ang amoy ni Tale. Para siyang lantang gulay dahil sa sobrang kalasingan.  "Salamat sa paghatid sa kanya." nginitian lamang ako ng lalaki bago tuluyang ibigay sa akin si Tale. "It's okay. He's a close friend so no big deal." hindi na ito nagtagal at nagpaalam na rin sa akin. Samantalang ako ay hirap na inakay si Tale paakyat ng kanyang kwarto. "You're too cute..." malapad ang ngiti niya at mapupungay na ang kanyang mata. Marahang sinundot ng kanyang daliri ang aking pisngi. "Tumigil ka nga Tale. Mukha kang tanga." hirap na hirap na nga ako dahil sa bigat niya, mag-aakto pa siyang mukhang bata ngayon. Hindi ko naman aakalain na malalasing siya ng ganito. Dapat pala sumama na lang ako sa kanya kanina. "You smell so... fucking... good..." dinikit niya ang mukha niya sa leeg ko para mawalan ako ng balanse at madaganan niya ako. Napadaing ako sa sakit ng katawan dahil sa pagkabagsak sa sahig samantalang ang lalaking nasa ibabaw ko ay patawa-tawa lang. Putek! Ganito ba talaga siya kapag nalalasing? Walang pakialam sa mundo? Kahit hirap man ay nagawa ko siyang maitayo. Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay naihaga ko na siya sa kama. Ngising-ngisi pa ang kumag na mukhang tuwang-tuwa pa sa pagpapahirap niya sa akin. Marahas akong napakamot sa ulo bago tumungo sa cr upang kumuha ng malinis na scrub towel at pinggan na may tubig upang linisin ang katawan niya. Ang ayoko sa lahat ay ang may katabing lasing. Nanakit ang ulo ko sa naghahalong amoy alak at pabango niya.  Natigilan ako sa balak nang mapagtanto ko na ito ang unang beses kong gagawin ito sa kanya. Tila namanhid ang kamay ko sa tuwing aksidenteng tumatama ito sa mainit niyang katawan dahil sa pagtanggal ko sa pagkakabutones ng kanyang polo. Hindi ito ang unang beses na makita ko ang makisig niyang katawan pero iba ngayon ang dalang init nito sa sistema ko. Ang masilayan si Tale na hubad at walang malay ay parang nagkakasala ako sa sarili ko. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang nakabuka niya nang polo para tumambad sa akin ang maumbok niyang dibdib at ang bato-bato niyang tiyan. Perpektong-perpekto ito na parang isang tanyag na mang-uukit ang gumawa nito. Mabilis kong winaksi ang isipin na yun at pinigaan na lang ang towel upang matapos na ito. Maingat kong dinampi sa kanyang mukha ang towel. Mukhang tulog na siya dahil sa wala siyang reaksyon sa aking ginagawa. Natuon ang aking atensyon sa mapula niyang labi. Para akong hinahalina nito na halikan siya. Nakailang lunok na ako ng laway upang pigilan ang malakas na bugso ng aking katawan. Hindi ito ang tamang oras para isipin ang ganyang bagay. Para akong napapaso sa ginagawa kong pagpunas ng kanyang katawan. Nagmistulang may dumadaloy na kuryente sa aking katawan sa tuwing dumadampi ang aking kamay sa dibdib niya pababa sa kanyang matigas na tiyan. Nanigas ako nang marinig ko ang mahina niyang ungol. Tuluyang nagwala ang aking sistema nang wala siya sa sariling nagsalita. "Suck me..." paos ang kanyang boses na labis na nagdala ng init sa aking sistema. Tila isa akong tuta na sumunod sa kanyang gusto. Maingat kong binuksan ng zipper ng kanyang pantalon. Sinunod ko ang suot niyang underwear para malayang iluwa nito ang naglalaway niya nang pag-aari. Muli ay napalunok ako.  Alam kong ilang ulit na kaming nagniig noon. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ngunit ito ang unang pagkakataon na isusubo ko ang kanya. Hindi ko akalain na ganito siya kalaki sa malapitan. Sinakop ng nanginginig kong kamay ang nakasaludo niya nang pag-aari. Halos hindi ko mahawakan ito ng buo dahil sa taba nito. s**t! Parang hindi ko yata kayang gawin 'to. "Fuck..." halinghing niya nang simulan kong itaas-baba ang kanyang pag-aari. Halos masubsob ang aking mukha nang hawakan niya ang ulo ko palapit doon. Mabuti na lang ay maagap kong naitukod ang aking kamay sa ibabaw ng kama. Ilang ulit na akong napapalunok at nagdadalawang-isip kung itutuloy ko pa ba ito. Para kasing hindi ko kakayanin na ipasok ito sa bibig ko. Baka ito pa ang dahilan para malagutan ako ng hininga. "Suck it, Veronica." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pagsambit niya ng pangalan ng ibang tao. Tuluyang naupos ang apoy sa aking sistema at napalitan ito ng pangingirot ng aking dibdib. ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD