bc

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)

book_age18+
443
FOLLOW
1.4K
READ
revenge
dark
arrogant
others
tragedy
heavy
serious
mystery
evil
gay
like
intro-logo
Blurb

The Playboy's Toy (Dangerous Man Series)

•••

"With you, all my playtime is over." - Alfred Tale

This story is a work of fiction. Names, characters, places, or events are just fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events is purely coincidence.

You may encounter some typographical errors and wrong grammars in every part of the story so better bare with me. This story is still unedited and under construction. If you may have any concern about it, just approach me immediately.

All Rights Reserved. No part of the story may be reproduced, distributed or transmitted in any form or by any means without the prior permission of the author.

Remember. Plagiarism is a crime.

chap-preview
Free preview
Prologue
"With you, all my playtime is over." The Playboy's Toy: Dangerous Man Series Prologue: Papungas-pungas akong nagmulat ng aking mga munting mata nang marinig kong may kausap si mama. Napansin ko na ding maliwanag na pala sa labas na nagsasabing umaga na. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at napahikab pa dahil sa nararamdaman kong antok. Napansin ko ang pagbaba ni mama ng telepono kung saan doon siya may kausap. Nginitian niya ako nang mapansin na gising na ako. Pansamantala akong napapikit nang marahan niya akong hinalikan sa noo na labis na nagbigay sa akin ng mumunting kasiyahan. Sobra ko talagang nagugustuhan sa tuwing ginagawa ito sa akin ni mama. Sadyang nakakagaan sa pakiramdam. Napakunot ako ng aking noo nang mapansin kong bihis na bihis siya nang tumayo ito at lumapit sa harap ng salamin upang maglagay ng pulang lipstick sa kanyang labi. Umalis ako sa pagkakaupo sa kama at hinila ang laylayan ng kanyang damit. "Mama, saan po kayo pupunta?" walang ideya kong tanong dito. Tumigil ito sa kanyang ginagawa at pinantayan ako at marahang hinaplos ang aking maliit na pisgi. "May aayusin lang kaming importante ng papa mo. Tulad ng dati," sagot nito sa akin bago guluhin ang dati ko nang magulong buhok para mapasimangot ako. Mas lalo akong nalungkot nang pagak pa itong tumawa at pinaglaruan ang pareho kong pisngi. "Gusto ko po sumama," pagpupumilit ko sa kanya. "No baby. You know you still can't. Bawal ang mga batang tulad mo doon." Kahit sobra akong nalulungkot sa hindi na naman nila pagsama sa akin ay napilitan na lamang ako sumang-ayon. Palagi na lang ganyan ang dinadahilan nila sa tuwing umaalis sila ni papa sa bahay. Palagi na lang nila ako iniiwan kay yaya Ester. "Ayoko na po kay yaya Ester. Nakakatakot po siya." Maluha-luha na akong nagmamakaawa muli kay mama at patuloy siyang pinipilit na isama na ako ngunit bigo pa din ako tulad ng dati. Naiintindihan ko kung bakit ayaw ako isama nina mama dahil sa masyado pa akong bata pero ang iniisip ko lang naman ay makasama lang sila at maging masaya.  Nagsimula na siyang tumayo nang makarinig ng isang busina mula sa labas kung hindi ako nagkakamali ay si papa yun. Nang makalabas kami ay doon lamang namin nalaman na malakas pala ang buhos ng ulan. Kumaway pa si mama sa amin bago umalis kasama si papa lulan ng kotse. Hindi ko na napigilan na hindi mapaiyak nang mawala na sila sa aking paningin. Wala ako sa sariling nagpadala sa paghila sa akin ni yaya Ester papasok ng bahay. Buong araw akong nagkulong sa aking kwarto. Hindi ko din pinansin ang ilang ulit na pagkatok ni yaya Ester sa kwarto namin ni mama. Nakahiga lamang ako at hindi iniinda ang walang tigil na pagtunog ng aking tiyan dahil sa gutom. Madilim sa buong paligid nang magising ako. Hindi ko man lang alam na nakatulog na pala ako sa kaiiyak at kahihintay sa pagbalik nina mama at papa. Kahit hirap dahil sa madilim ang paligid ay sinikap kong lumabas ng aking kwarto at hanapin si yaya Ester upang tanungin ito kung nakabalik na ba sila. "Yaya Ester!" malakas kong tawag sa pangalan niya. Nang wala akong narinig na tugon niya ay muli kong tinawag ang kanyang pangalan. Malakas na kulog at kidlat ang naging sagot sa aking pagtawag na ikinalundag ko dahil sa gulat. Dahil sa mura kong edad ay mabilis akong tumakbo papabalik sa aking kwarto ngunit nabigo ako nang malakas akong nabangga sa isang malaking bagay dahilan para pabalang akong napaupo sa sahig ng aming sala. Nilukob ako ng matinding kaba at takot nang mapagmasdan ko ang bagay na aking nabangga. Pinasadahan ko ang paa nito paakyat sa kanyang mukha. Hindi ko masyado maaninag ang kanyang mukha dahil sa madilim ang paligid. "Sino po kayo?" Hindi ito sumagot at dahan-dahang pumantay sa akin papaupo. Nasilayan ko ang makakapal nitong kilay at ang umaalab nitong mga matang nakamasid sa akin. Natahimik ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. "Ikaw ba ang anak ni Mr. and Mrs. Calvares?" Malagong ang boses nito na mas lalong nagpatindig ng aking balahibo sa buong katawan. Tanging iling lamang ang sinagot ko dahil hindi ko siya kilala. Sabi kasi ni mama noon sa akin na huwag na huwag daw akong makikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. "Sorry mister but I'm not allowed to talk to strangers," inosente kong sagot dito. Sinusubukan kong maging matapang sa mga oras na ito kahit takot na takot na ako ngayon. Gustong-gusto ko na lamang umiyak at tawagin sina mama at papa. Gusto kong tumakbo papalayo sa kung sino man na lalaking ito.  Narinig ko ang pag-ngisi nito. "Your mom really taught you on how to protect yourself from strangers, huh?" "N-nakita niyo po ba sina mama at papa?" Hindi ko na napigilan ang aking sarili na tanungin ang lalaking kaharap ko ngayon kung alam niya ba kung nasaan sina mama at papa. Gustong-gusto ko nang makita sila. Hindi ko alam kung saan ako pupunta makita lamang sila. "I know kid. I can bring you to them if you want to." Dahil sa kagustuhan ko na makipiling sila ay tumango na lamang ako sa alok niya. Inilahad nito ang malapad niyang kamay at walang pagdadalawang-isip na inabot ko ito. "Good boy." ⓚⓐⓘⓩⓔⓡⓚⓚⓨⓞⓢ

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
611.9K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
79.8K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.4K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
182.5K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
21.7K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook