Ianah's POV Napabuntong hininga muli ako habang nakatanaw sa bintana. Tatlong araw na ang lumipas simula nang umalis si Hero. Nag-aalala na ako sa lalaking yon. Anong kalokohan ba ang naisip niyang magpaiwan? Hindi ko alam kung nagtagumpay ba siya na pumunta sa Vampire's Kingdom. Kung nakarating man siya ay mahihirapan parin siyang hanapin ang mga taong yon. "Ano ba Hero! Pinag aalala mo ako. Nakakainis ka sobra! Oo sabi ni Flame magtiwala kami sayo pero lintek lang! Hindi ko parin mapigilan na hindi mag alala sayo kainis ka!" inis kong sabi. Buti nalang ay ako lang ang naiwan dito sa bahay kaya walang makakarinig saakin. "Bad Jayanah" Natigilan ako nang marinig ang boses niya. Nag h-hallucinate na yata ako. Bakit boses niya ang narinig ko? Nakakainis talaga. "Tumahimik ka! Pagbali

