Ianah's POV "Anong mayroon sa battle?" seryosong tanong ni Bettina saamin. Nasa loob kami ngayon ng isang gusali. Pinapasok nila kami kaagad dahil baka may ibang makakita saaming mga Deminias. Ang limang representatives nila sa battle ay nagpatuloy sila sa page-ensayo sa labas. "Pasalamat kayo hindi kami nagsumbong" taray na sabi ni Kimmy. Akala ko ay nawala na ang katarayan nila. Bipolar ng mga to. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nawala ang kabang nararamdaman ko sakanila nang papasukin nila kami nang banggitin namin ang tungkol sa battle. "We need your help, Deminias" seryosong sabi ni Aiross. "Talk" Pinaliwanag namin kung anong mayroon sa battle kaya ito ang pinunta namin sa kanila. Tulad sa Fairy's Kingdom at Wizard ay tahimik lang nilang pinapakinggan ang sinasabi namin.

