Ianah's POV "Tuloy po kayo" Tumango kami kay Jesse at ngumiti. Pumasok na kami sa loob ng kanilang bahay. Dahil sa kanilang magkapatid na si Jasmine ay madali lang kaming nakapasok sa Fairy's Kingdom. Thanks to them. Hindi naging mahirap ang pagpasok namin. Nagsinungaling kami na may misyon kami ngayon sa Fairy's Kingdom. Alam kong masamang magsinungaling pero sa sitwasyon namin ngayon ay hindi namin mapipigilan na hindi magsinungaling. Aamin din kami sa kanila pag nagtagumpay ang pag kumbinsi namin sa mga target namin. "Kami lang nina ate ang nakatira dito." sabi ni Jesse. Nilibot ko ang tingin sa loob ng kanilang bahay. Tulad ng inaasahan ko ay iba ang disenyo ng mga bahay ng Fairy's Kingdom kumpara sa Godderna at Wizard. Buti nalang ay nagkasya ang mga lalaki saamin. Ang bubong

