Third Person's POV Pagdating sa Wizard's Kingdom ay agad na dumiretso sina Ianah kung saan sila magkikita ni Shan. Bago pa sila nagplano na pumunta sa Wizard's Kingdom ay kinontak na ni Ianah at Water ang kaibigan nilang si Shan gamit ang binigay niyang stick noong nasa Wizard's Kingdom sila. "Shan!" agad na niyakap ng dalawa nang makita si Shan na naghihintay sa labas ng gusali. "Ianah, Water!" niyakap pabalik ni Shan sina Ianah. "Namiss ka namin" "Ako din sobra" "Tara na?" inaya ni Shan sina Ianah na pumasok sa bahay. Nilibot muna ni Shan ang tingin sa labas kung may nakakita ba sa kanilang ibang tao. Mahirap na. Baka may magsumbong sa council. Pinaupo ni Shan ang walo at naghanda ng maiinom nila. "Naghanda ka pa Shan" "Syempre naman" "Bahay mo to?" tanong ni Kenneth na kinat

