Third Person's POV Mabilis na pumunta sa bandang bintana ng bahay si Aiross habang si Water naman ay nakahanda na siyang kumatok sa pintuan. "now" signal ni Aiross kaya kumatok na si Water sa pintuan. Pagkatapos ng tatlong segundo ay bumukas ang pintuan at bumungad dito ang isang binata na nagngangalang Mark Estinopo. Napakunot ng noo si Mark nang makitang nakasuot ng hood ang nadatnan niya sa labas ng kanyang bahay. Huli na ng mapagtanto niya na may masamang balak ang taong to nang biglang may dumating na tao sa kanyang likuran at may kung anong ginamit para tuluyang mahimatay ang binata. "Done!" Nag apiran ang dalawa nang maging successful ang pag kidnap nila sa isa sa mga studyante. Samantala. Si Flame naman ay naghihintay siya ng tyempo na makalayo ang target niyang si Jayson sa

