Ianah's POV Inabot saamin ni Hero ang pinakuha namin sa kanya sa mama niya. "Ilang minuto ba mawawala ang epekto nito Hero?" tanong ni Aiross kay Hero habang nakatingin sa bote. "30 Minutes" tipid na sagot ni Hero. Kinuha niya ang mga mask na gagamitin namin mamaya. "Okay na. Bilisan lang natin ang kilos" sabi ni Water. "Let's start" tumango kami pagkasabi ni Flame dito. Dahan-dahan kaming naglakad papunta sa harapan ng gate ng school namin. Sumilip ako dito at nakitang nandon parin ang mga guwardya. Wala namang nagbabantay sa gate dati pero ngayon ay halos palibutan na ng mga guwardya ang paaralan. Masyado talaga naming ginalit ang mga Heads kaya nagkakaganito na sa paaralan. Lahat kami ay suspended dahil sa pagsagot namin sa kanila tungkol sa Battle. "Hero, Kenneth pumasok na kay

