Ianah's POV "Bakit mo kami pinapabalik Water?" tanong ko kay Water pagdating namin sa bahay niya. Nadatnan namin siyang nakaupo sa labas ng bahay niya habang makikita sa mukha niya ang pag-alala. Kasama ko parin ang tatlo at mukhang hindi naman talaga nilang ginustong samahan ako dahil dito talaga ang punta nila. "Ayos ka lang Water?" tanong ko muli sa kanya nang hindi niya ako sinagot. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Kinakabahan na ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kaya nagkakaganito siya. Natigilan ako nang maramdaman na nanginginig siya sa kaba nang hawakan ko ang mga kamay niya. "Ano nangyari Water? Sabihin ko saakin please" alalang tanong ko sa kanya at hinagod ang likod niya. Mas lalong bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba nang magtuluan ang luha n

