Ianah's POV 'Anak' nabaling ang tingin ng bata sa kanyang mga magulang ng tawagin siya nito. 'Patawad kung kailangan ka naming ilayo sa mundong ito' naiiyak na sabi ng kanyang mama dahilan kung bakit siya niyakap ng batang babae. 'Wag na po kayo iyak. Malulungkot din ako' sabay na napangiti ang mag-asawa sa sinabi ng bata. 'Oo anak. Hindi na kami iyak basta ipangako mong magiging mabait ka ha?' sunod-sunod ang naging pagtango ng bata. 'Jaya-' "Ianah gising!" napamulat ako ng mga mata nang marinig na tinawag ako ni Water. Nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama ko. Napakunot ako ng noo nang mapagtanto na nanaginip pala ako. Akala ko ay totoo na ang pangyayaring iyon. Hindi saakin pamilyar ang mga taong nasa panaginip kaya paanong napanaginipan ko sila? Baka gawa gawa lang ng isipan k

