HABANG nasa bahay ay hindi mapigilang maisip ni Ashlin na hindi na niya kaya ang ginagawa nila ng kanyang asawa. Alam niya sa sarili niya na mahal niya ang mga ito kailan lang niya na-realize ang pagkakamali niya sa kanyang mga anak na paratangan ang mga ito ng walang mararating, at matulad lang sa kanya na hindi nakatapos ng pag-aaral. Kaya nang malaman niyang buntis ang panganay niyang anak na si Alona na hindi pa nakakatapos ng pag-aaral ay inalala niya ang kinabukasan nito ngunit sa tuwing maaaala niya ang mga araw na pingangaralan niya ito na mag-aral muna bago ang mag-boyfriend ay hindi niya maisip kung saan ba siya nagkulang bilang isang magulang kaya nagpasya siyang palayasin ito sa kanilang bahay. Simula noon ay hindi na niya maitago ang sama ng loob na nararamadan bilang isan

