bc

A Better Daughter (TAGALOG)

book_age18+
791
FOLLOW
2.7K
READ
goodgirl
independent
brave
inspirational
drama
comedy
twisted
bxg
weak to strong
colleagues to lovers
like
intro-logo
Blurb

|COMPLETED|PTR STORY| WITH SPG SCENES

Isang dalagang inaasam na makatapos ng pag-aaral para ipakita sa magulang niya na hindi siya tutulad sa sinapit ng ate niya na hindi nakatapos ng kolehiyo dahil sa nabuntis nang maaga.

Kilalanin natin si Autumn Ginny Fernandez, ang bunso sa anak nina Gavin at Ashlin. Marami siyang ginawa para mapatunayan sa kanyang pamilya na matatawag siyang "A Better Daughter". Kaya umisip siya ng paraan para matupad ang mithiin.

Pagkalipas ng ilang taon ay natupad na rin ang pangarap niya na patunayan sa magulang niya na hindi siya matutulad sa nangyari sa ate niya, ngunit paano kung malaman ni Autumn ang sekreto ng kanyang magulang kung bakit pumayag ang mga ito na tumira sa bahay na ipinamana sa kanya ng lolo't lola niya?

Magkakaroon kaya ng pagkakataon na maayos ang kanilang pamilya? Maisip kaya nina Gavin at Ashlin ang mga kamaliang ginawa nila sa kanilang mga anak? Tanggapin kaya ng mga ito kung malaman nilang may kasintahan na siya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1-QUESTIONING MYSELF
A child should feel nothing but, 'safe’. I was never felt loved by my parents. Hindi ko alam basta pagkagising ko na lang isang araw hindi na nila ako mahal. Akala ko dati sa pelikula lang nangyayari ang mga ganitong eksena, hindi pala. Dahil simula noong walong taong gulang ako hanggang ngayong labimpitong taong gulang ako ay nakaranas ako na alipustahin at maliitin ng sarili kong magulang. Hindi ko na nga alam kung dapat ko pa ba silang tawaging magulang dahil sa trato nila sa 'kin na para nila akong hindi anak. Minsan tuwing pinapakitaan nila ako ng hindi maganda ay nakikita ko sa mata nila ang pagkadisgusto. Hindi ko alam kung sa akin o dahil sa ginagawa nila sa akin na anak nila. Saan ba nagsimula ang galit nila sa 'kin? Iyan ang palaging tanong ko sa aking sarili sa tuwing palagi nila akong pinagagalitan at sinisinghalan. Bilang anak nila ay wala akong ginawa na hindi nila magugustuhan pero kahit anong gawin kong maganda…parang hindi pa rin sapat sa kanila. "Autumn, bumaba ka nga rito na bata ka! Madaming ginagawa rito sa bahay tapos nandiyan ka lang nagmumukmok sa kuwarto mo! Kung tumulong ka kaya sa 'kin na maglinis ng bahay hindi 'yong parang prinsesa ka riyan sa taas!" Sigaw ni mama sa 'kin. Nandito ako ngayon sa kuwarto ko at nag-aaral para sa pagsusulit ko bukas sa Psychology Subject ko. Mabilis kong sinarado ang kuwadernong gamit ko para sa pagre-review bago mabilis na naglakad pababa. Ayaw ko ng marinig pang sumigaw siya ulit dahil nakakahiya sa mga kapitbahay. "Ma, nag-aaral po kasi ako para sa pagsusulit namin bukas. Baka puwede pong mamaya ko na lang gawin yung pinapagawa niyo?" Nakangiting sabi ko kay mama. "Hindi! Gawin mo muna yung ipinapagawa ko, maliwanag? Huwag mo na ako daanin diyan sa pagngiti-ngiti mo na 'yan. Bumagsak ka man o pumasa wala namang magbabago diyan. Dapat nga di ka na nag-aaral para makatulong ka rito sa bahay. Tutal naman gagaya ka rin lang naman sa ate mong nag-asawa ng maaga kaya." Inis na sabi ni mama sa 'kin. Hindi na lang ako nagsalita at sinunod ang gusto niya. Baka kapag nakipagtalo pa ako sa kanya ay saktan niya ulit ako. Kung hindi dahil kina lolo't lola hindi ako makakapag-aral sa University of Cainta Rizal. Ayaw kasi akong pag-aralin nila mama't papa dahil mag-aasawa lang din naman daw ako katulad ng ate ko. Sayang lang daw ang gagastusin nila sa 'kin kaya ay nila akong papasukin sa kolehiyo. Pero noong nalaman nila lolo't lola magulang ni Mama Ashlin ay gumawa sila ng paraan para pag-aralin ako. "Mamaya pagkatapos mo riyang maglinis ay hugasan mo ang mga kinainan natin kaninang tanghalian," seryosong sabi sa'kin ni mama habang nakikita ko siyang nanunuod ng palabas sa Channel 3. "Opo ma!" Mahinang tugon ko sa sinabi niya. Mabait naman sa'kin sina mama't papa kaso kapag may ibang tao lang na kaharap, pakitang tao kumbaga. Si Ate Alona hindi na nakatuntong dito sa bahay simula pinalayas nina mama at papa sa bahay. Pagkatapos ay nabalitaan na lang namin siyang sumama na sa lalaking nakabuntis sa kanya. Natapos ko na ang magwalis at magpunas ng mga gamit dito sa bahay. Kaya maghuhugas naman ako ngayon para may oras pa akong makapag-aral kahit papaano. "Autumn, tapos ka na ba sa lahat ng pinagagawa ko sa 'yo?" Tanong sa 'kin ni mama habang nanonood ng paborito na naman niyang palabas tuwing hapon ang, "Taste of Love" sa Asia Novela Channel. "Maghuhugas na lang po ako ng mga plato, ma!" Malakas na sabi ko para marinig niya. "Ma, mamaya po pagkatapos kong maghugas magre-review muna ako para sa exam ko bukas." "Bahala ka! Huwag mo lang ako istorbohin sa pinanonood ko." Inis na sabi niya sa' kin. "Opo, salamat ma!" Malakas na sabi ko kay mama. Dahil medyo malayo ang kusina sa sala namin ay kailangan malakas ng konti ang boses namin. Hindi naman kami hirap sa buhay dahil si papa ay manager sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Pero dahil sa ate ko gumuho ang lahat ng mga pangarap nila. Nagpunta na ako sa kuwarto ko para ituloy ang ginagawa ko. May isang oras pa ako bago dumating si daddy. Mabuti na lang sa pagluluto hindi na ako inaasahan ni mama dahil hindi pa ako marunong. Oo nga pala, kailangan ko humingi ng pera pamasahe hindi pa kasi nakakapagpadala sila lola. Sana lang bigyan ako ni mama ng pera. KINAGABIHAN habang kumakain kami ng hapunan. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. Katakot-takot na dasal muna ang inusal niya bago magkaroon ng lakas ng loob na ibuka ang kanyang bibig. "Ma, hihingi po sana ako ng pera pamasahe para sa isang linggo. Wala pa po kasing padala si lola na pera," sabi ko habang nakatingin sa kanila na kumakain. Nauna na akong natapos para habang magkakaharap kami sa lamesa ay makabuwelo ako humingi sa kanila. "Baka wala ng pera lola mo pampaaral sa'yo kaya dapat tumigil ka na." Seryosong sabi ni papa sa 'kin. "Tulungan mo na lang mama mo rito sa gawaing bahay." "Tama, dito ka na lang sa bahay para naman makapagpahinga ako kahit papaano." Tumatangong pagsang-ayon ni mama kay papa. "Ma, ayaw ko pong tumigil. Gusto kong mag-aral at makatapos. Gusto kong patunayan sa inyo na hindi ako katulad ni ate na hindi tinapos ang pag-aaral." Malungkot na sabi ko kay mama. "Tumigil ka na sa pangarap mo! Ayaw na naming mag-aksaya ng pera ng mama mo para pag-aralin ka pa. Ewan ko ba riyan sa lolo't lola mo kung bakit pinag-aaral ka pa. Mag-aasawa ka rin lang naman at iiwan kami kaya magandang nandito ka lang sa bahay." Tinapunan ako ni papa ng masamang tingin at itinuloy na ang pagkain ng hapunan. Pakiramdam niya ay sasabog na siya. Hindi niya maatim na sarili niyang magulang ay gusto siyang patigilin sa pag-aaral dahil lang sa pagkakamali ng ate niya. Ipagawa na sa kanya ang lahat ng mga ito huwag lang ang pahintuin siya ng pag-aaral dahil may pangarap siyang gustong tuparin. "Hindi! Hindi po ako papayag na nandito lang sa bahay at maghihintay na maniwala kayo sa'kin! Kahit na maglakad o gumapang ako makapasok lang sa paaralan ay gagawin ko!" naluluhang sabi ko kay papa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Owned by Shade (TAGALOG-R-18)

read
228.4K
bc

OSCAR

read
248.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Denver Mondragon

read
72.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
122.5K
bc

Unwanted

read
532.3K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook