Alexandra's POV
"Hmm..." I groaned in pain as I woke up. Bakit parang binagsakan yung ulo at sobrang bigat?
As I open my eyes, puting kisame ang tumambad sa panangin ko. Nasan ba ako? Tinignan ko ang kabuoan ng kwarto. And nakita ko na may nakakabit na dextrose sa may kanang pulso ko at nakabenda pa yung ulo ko. I was in the hospital.
Argh! Naalala ko na. May umapak sa dulo ng gown ko kaya nahulog ako sa hagdan and worst tumama yung ulo sa hindi ko kilalang matigas na bagay kaya ako nawalan ng malay. Napaupo ako sa kama.
Wait, where's Aaron? Nag alala kaya siya sa akin? I wanna see him. I sighed.
Walang tao dito sa loob but I heard some noise na galing sa labas and I think boses yun ni Mj and Lj at tila ba they're arguing something.
Dahan dahan akong bumaba ng kama tsaka naglakad towards the door habang hawak hawak ko yung stand ng dextrose.
As open the door parang pareho silang nakakita ng multo ng makita nila ako.
"What's wrong?" I asked. Nakita ko kung gaano pinandilatan ni Mj si Lj.
"I'm sorry Alexa." Sabi ni Lj sa akin habang nasa sahig yung tingin niya.
"Bakit?" Weird. Bakit naman magsosorry sa akin si Lj? Like seriously? Hindi kami close and hindi kami okay.
"Basta I'm sorry." She said again then ran away.
Ang g**o niya kaya naman si beshi na ang inusisa ko kung bakit and I found out it was Lorraine's fault kung bakit andito ako ngayon sa hospital. Sinadya niyang apakan yung gown ko and she didn't expect na mangyayari sa akin to dahil dun. Hays. Napa-face palm nalang ako. Hindi ko alam kung ano ba dapat kung maramdaman dahil nakakapagod na magalit pero hindi ko din siya mapapatawad ng ganun ganun lang noh! -.-
24 hours na pala akong nandito sa hospital gosh!
"Anyway anong nangyari sa party?" Tanong ko kay beshi.
"Hindi ko na din alam eh. Hindi na kami bumalik dun." She replied habang inaalalayan akong humiga pabalik sa kama. Umiikot padin ang paningin ko.
"Did you call my Dad?" tanong ko ulit.
"Hmm...hindi pa." Sabi naman niya habang umiiling iling.
"Okay. Wag mo na siyang tawagan. I don't wanna make him worry and besides okay naman na ako." Bahagya akong ngumiti kay beshi. Namiss ko siyang kausap actually.
"Yeah. Sure." Napangiti din siya.
"Can I borrow your phone?" Nilahad ko yung left hand ko habang inaantay na iabot niya yung phone niya. Tatawagan ko lang sana si Aaron. I wanna see him.
Magdidial na sana ako ng ma-realize ko na may kakaiba sa wallpaper niya. Si Ralph? O.O bahagya akong natigilan ng ilang segundo at nakatitig lang dun.
Napansin niya siguro yun kaya bigla niyang hinablot sa kamay ko yung phone.
"GUSTO MO SI--" O.O I half yelled but bigla niyang tinakpan yung bibig ko kaya hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko. Nagkatinginan nalang kami tsaka siya tumango na para bang nahihiya pa siyang aminin sa akin.
"HOW?" I asked.
"Hindi ko alam." She said tsaka napayuko at tila ba hindi niya rin matanggap sa sarili niya na gusto niya si Ralph.
First time kong ma-encounter sa kanya 'to na may napupusuan na ang beshi ko kaya naman inasar ko siya at sinabi ko pang ako ang bahala lols. Pero sa kalagitnaan ng harutan ay biglang pumasok sa isip ko si Aaron.
"Wait, have you seen Aaron?" Tanong ko kay beshi.
"Ah yeah. Speaking of Aaron, nasa kabilang kwarto siya." Sagot niya naman. Ha? Anong nasa kabilang kwarto?
"Actually siya nagdala sayo dito and si Ralph. But righ after, nawalan din siya ng malay kaya na-confine din siya dito and we found out na inaapoy na pala siya ng lagnat and something like nagkaron ng internal bleeding sa kanya." She explained and it makes my eyes bigger than the usual. O.O
Si Aaron ko nagkainternal bleeding T.T
"Okay naba siya?" Tanong ko kay beshi.
"Don't worry okay na siya." Phew~ parang nabunutan naman ako ng tinik sa dibdib ng marinig kong okay na si Aaron. Gosh!
"I wanna see him." Sabi ko tsaka dahan dahan kong ibinaba ang mga paa ko at tinulungan naman ako ni beshi.
Papasok na sana kami sa kwarto kung saan andoon si Aaron pero pinigilan kami ng isang nurse at bawal pa daw dalawin ang patient kaya naman tinitigan ko nalang siya mula sa maliit na part na glass ng pinto. Napakaamo ng mukha niya habang mahimbing siyang natutulog at tila ba may nakaturok din sa kanya na may dumadaloy na kulay pula. It was a blood.
Hindi lang siya mag isa doon sa loob ng kwarto. May kasama siyang lalaki na nakahiga din sa kabilang bed habang may nakaturok din dito at tila ba kinukuhaan ito ng dugo. Nagka internal bleeding nga pala si Aaron kaya siguro kailangan niya ng dugo. Mejo magkahawig sila. Siguro Daddy niya ito.
"Magiging okay din siya kaya magpagaling ka din." Pareho kaming napalingon ni beshi sa pinanggalingan ng boses. It was Ralph. Bahagya kaming nagkatinginan ni beshi at tila ba namumula ito. Palihim naman akong kinilig lols.
"Salamat." Sabi ko kay Ralph at nginitian ito. "Uhm by the way, pwede mo bang samahan si Mj to buy all my meds?" Dugtong ko pa at siya namang dahilan para kurutin ba naman ako sa tagiliran ni Mj.
"Aneng genegewe me?" Bulong sakin ni Mj habang nasa kay Ralph parin ang tingin niya.
"Basta magtiwala ka lang." Bulong ko din sa kanya.
Naweirduhan na din ata sa amin si Ralph kaya naman napangiti nalang kami ni Mj.
"Uhm yeah sure." Sagot ni Ralph. Kaya naman tinulak ko na si Mj papunta kay Ralph.
"Bye beshi. Ingat kayo." I waved at them habang naglalakad na sila palayo.
Well, mabuti naman at hindi kami naging awkward ni Ralph after the rejection thing happened. And to Mj, susupurtahan ko naman siya basta maging happy lang kahit pa siguro sa ngayon maaring hindi pa siya magustuhan ni Ralph dahil sa akin.
And to my Aaron, sana gumaling na siya. And to Lj, I feel so sad dahil sa ginawa niya but may happy side dahil inamin niya ang kamalian niya at nagsorry siya.
Muli akong napasilip sa kwarto ni Aaron tsaka bumalik ng kwarto ko.