Aaron's POV
Puting kisame ang tumambad sa paningin ko ng imulat ko ang mga mata ko. I remember, I passed out after maipasok sa ER si Alexandra. Nasaan nga pala siya? I wanna see her.
Bahagya akong natigilan ng makita ko ang mukha ni Bernard sa kabilang bed. He was staring at me at napangiti siya sa akin ng makita niyang gising na ako. He donated his blood for me?
Napabuntong hininga ako at bumalik sa pagkahiga. I know galit ako sa kanya but masaya akong nakita ko siyang nandito para sa akin.
"Buti naman at gising kana anak. Paglabas mo dito, sa bahay kana uuwi at ayokong napapabayaan mo ang sarili mo." Sabi niya sakin ngunit hindi na ako umimik pa.
Natapos na din ang pagkuha ng dugo sa kanya. Tumayo na siya at tsaka lumapit sa akin.
"Uuwi na muna ako anak at ipapaayos ko ang mga gamit mo sa bahay." Tinapik niya ako sa balikat tsaka tumalikod na.
"Salamat...Dad." I muttered and I think narinig niya naman at huminto siya paglakad. Alam kong nakangiti siya kahit nakatalikod siya kaya bahagyang napangiti din ako. Tuluyan ng lumabas ng kwarto si Daddy. I think ngayon ko lang ulit siyang tinawag na Daddy after how many years. Magaan ang loob ko ngayon at nandito siya sa tabi ko ngayong kailangan ko siya.
The door suddenly open at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Alexandra habang hinihila pa nito ang stand ng dextrose na nakaturok pa sa kanya.
Dahan dahan akong bumangon at hinarap siya. Umupo siya sa upuan malapit sa bed ko habang tinititigan lang ako. Mukhang okay naman na siya.
"Are you okay?" She asked me and I just nodded as a response.
"Come here." I gave her a signal para lumapit siya sa akin and lumapit naman siya. Kaagad ko naman siyang niyakap. Namiss ko tong pangit na'to and besides kinabahan ako sa kanya kahapon. Naramdaman kong niyakap niya din ako kaya naman pasekrito akong napangiti.
Halos isang minuto din kaming nanatili sa ganung position then hinalikan ko siya noo.
"Pinakaba mo ako... akala ko iiwanan mo na ako." I whispered to her ear.
"Why would I do that? Hindi yun mangyayari noh." She smile widely.
I pinched her cheeks slightly.
"Teka, ano nga ulit yung sinabi mo sa akin nung nasa Royal Ball tayo?" She asked habang nakakunot noo siya at pilit inaalala yung nangyari.
"Ah yeah." Hinawakan ko siya sa chin niya and hinarap ko siya diretso sa akin ang tingin. Gusto kong makita niya na sincere ako. "Alexandra..." I uttered her name.
"Yes?" She replied.
"Maha---"
"KUYAAAAAAAA!" Keith shouted out as she enter the room kaya hindi ko na natapos pa ang dapat na sasabihin ko kay Alexa.
"Hi baby." They both waved to each other.
"What are you doing kuya? Are you two kissing?" Tanong niya sa amin.
"No baby we're not. We're just talking." Sagot naman ni Alexandra dito.
"Bakit ka nandito Ate Alexa? Are you sick too?" Tanong niya ulit dito. Tinititigan ko lang silang dalawa na nag uusap. Nagkakasundo talaga sila. I took deep breath tsaka napangiti habang nakikinig sa usapan nila.
I thought my little sister came here for me but parang nag-eenjoy na itong kausap si Alexa pff~
Alexandra's POV
"So are you okay now?" She asked again.
"Yeah I'm okay." Sagot ko naman dito.
"Ikaw kuya Aaron? Are you feeling better now?" Tanong niya naman sa kuya niya.
"Yeah." Tipid namang sagot nito sa kapatid niya.
So ayun, mga almost 3 hours din kaming naghaharutan doon sa loob ng kwarto ng napakagwapong pasyente choss. Ang daming kwento ng kapatid niya until nakatulog na din ito kaya pinahiga ko na din ito sa sofa at i-uuwi na din naman ito kaagad ni Ralph pagdating niya dito.
"So doon kana uuwi sa bahay niyo?" Tanong ko kay Aaron na nakangiwi at tila ba nagtatampo na ito sa akin.
He just nodded as a response. Natawa naman ako sa itsura niya. Para pala siyang bata kapag nagpapalambing kaya naman lumapit ako dito at umupo sa tabi niya. Teka, parang pakiramdam ko tuloy kami na but hindi pa naman talaga. Nagkiss na kami lahat lahat, wala parin kaming label choss.
"So ano nga ulit yung sasabihin mo?" Tanong ko ulit. Hindi niya kasi nasabi kanina since biglang dumating si Keith.
"Ang sabi ko... mahal kita." Mahinahon nitong sabi na siyang gumulat sa akin. I heard it clearly but tila ba nabingi ako at gusto ko pang bigkasin niya ulit ang mga salitang yun.
Nakakapigil hininga bes. Parang lumulutang ata ako. Parang kelan lang ako yung umamin sa kanya tapos ngayon eto na yung eksina? Gosh! Parang ayaw magsink in sa utak ko yung sinabi niya. Totoo? MAHAL NIYA AKO? Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Sasabog na ata ako sa kilig nito!
"Hoy." Niyogyog niya ako habang hawak hawak niya ang makabilang balikat ko. " Are you not going say anything? Ang sabi ko MAHAL KITA ALEXANDRA " this time mas malinaw na sa akin.
"I'm sorry...nabigla-- lang ako." s**t I'm stammering.
"Do you still love me?" He asked habang nakatitig sa mga mata ko.
I nodded. "Yeah, I love you so much Aaron." I uttered within even thinking it twice. Mahal ko naman talaga siya and never nawala yun.
"I love you too Alexandra." He said it again tsaka kami nagyakapan. Ang sarap sa pakiramdam bes. Ito na ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Ang mahalin ako pabalik ng taong mahal ko.
"So...Will you be my girlfriend Ms. Alexandra Blaire Mercado?" shocks! Parang hindi na ako makahinga pa sa kilig bes. Ano pa bang isasagot ko? Matagal ko na 'tong pinangarap aayaw pa ba ako?
"Yes, I'm willing to be your girlfriend Mr. Aaron Keith Cortez." Sagot ko naman. Siguro kung candy lang kami ay inubos na kami ng langgam dito dahil sa sobrang tamis.
Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin hanggang sa magtagpo ang aming mga labi and there we kissed for the third time. Hindi ako marunong humalik pero namalayan ko nalang din na ginagaya ko ang mga galaw ng labi niya.
Biglang bumukas ang pinto dahilan para matigilan kami and we saw Ralph and Mj na nakatayo sa may pinto habang tinatakpan ni Ralph ang mga mata ni Mj and ganun din si Mj kay Ralph. Napatawa nalang kami ni Aaron habang pinagmasdan sila sa nakakatawang position.
Today is August 8, 2018 and we're now officially couple. Finally I got him now, the guy who captivated my heart.
#08-08-18