Alexandra's POV
Sa wakas nakalabas na kami ng hospital ni Aaron, I mean...ng boyfriend ko.
Shit! Ang sarap pakinggan choss.
B O Y F R I E N D K O. Well, syempre kinikilig kilig nanaman ako ene be!
Anyway, si Royal University ang sumagot sa lahat ng gastusin ko and reimbursed all of my expenses for my meds. Galing diba? So safe ang allowance ko bes lols. Ang tagal naming nakalabas kasi ang dami pang test na ginawa nila just to make sure na makakauwi kami ng safe and healthy.
Oh my Gosh! 1 week na pala ang nakalipas mula ng maging kami but still I can't believe everything. Pakiramdam ko naglalakbay ako sa pantasya ko.
Tinanggal na nga rin pala yung benda sa ulo ko and luckily wala namang fracture yung ulo kaya pwede na akong pumasok bukas and ganun din si Aaron. Thank God and he's already okay as well.
Pagpasok na pagpasok ko ng kwarto ko agad akong humilata sa kama ko. Namiss ko tuloy yung kama ko.
Ay oo nga pala sa bahay na nila Ralph uuwi ngayon si Aaron. Ano na kaya nangyari? Okay kaya siya doon?
Hanggang ngayon curious parin ako kung anong meron sa family nila at tila ba hindi sila okay sa isa't isa. Nahiya pa kasi magtanong pero malalaman ko din yun choss.
Binuksan ko na agad ang messenger ko and tadaah~ there's a message from him.
"Hey, nasa bahay na ako. Pahinga na muna ako. I love you *kiss emoji*"
Kyaaahhhh! Just a short message coming from him and kahit siya ganun ka sweet but for me Argh! Ang laki ng impact bes.
Dahil sa kilig nagpagulong gulong ako sa kama ko hanggang--
Blaaaag!
Bwisit! Nalaglag lang naman ako sa kama. Buti nalang hindi tumama yung ulo ko. Jusme kalalabas ko palang ng hospital noh!
"Sige. I love you too." halos mapunit naman ang pagmumukha ko sa laki ng ngiti ko habang tinatype ko yung reply ko.
Ganito pala yung feeling kapag may boyfriend ka. Nakakaexcite and argh! Sana ganito parin kami kahit sa panahong matagal na kami.
Well, thanks to Lorraine Jade nalang at kung hindi dahil sa kanya hindi ako ma-aadmit ng hospital at baka wala din kaming forever choss. Baka lang naman. Opps! Wag na kayong humirit pa baka kontrahin niyo lang ako at ipangalandakan sa mukha ko na wala talagang forever. Say no to bitterness muna tayo bes. Wala pang twintitri.
Moving on...
Habang nakatitig ako sa picture namin ni Aaron nung mga panahong epic yung first kiss namin ay bigla nalang ako nakaramdam ng antok hanggang sa unti unti ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
*kringggg*
Napabalikwas ako ng kama dahil sa tunog ng alarm. Argh! Geez. I hurriedly grab my bath robe tsaka lumabas ng kwarto.
"Good morning." Masiglang bati ko sa kanila.
"Good morning." They both replied habang humihikab pa at tila ba inaantok pa sila. Well, I guess we're all okay here.
Excited ang lola niyo bes syempre magkikita kami ni Aaron mamaya nyar. I miss him tho. OA na ata ako choss.
After kong maligo kumain na din ako. Sino nagluluto sa amin dito? Syempre si Mj. And speaking of Mj, mukhang may magic na nagyari sa kanya at maaliwalas ang mukha niya ngayon. Inlababo din pala si beshi ko. I giggled.
On our way to school, madaming thoughts ang pumapasok sa isipan ko. Wait, hindi ba sa mag-couple they usually had their endearment? Hmm...ano kayang maganda for us? Babe? Napaka-common naman. Honey? Parang sweet masyado. Love? Hmm...pwede. Bahala na nga!
Pagpasok ko ng 1st subject ko ay sobrang maaliwalas ang mukha but gosh! I can't figure out kung ano na itsura ko paglabas. Daig ko pa binugbog ni Accounting. Keri lang naman pero nakakastress ng beauty bes. May date pa kami mamaya noh!
So eto na... kumakabog kabog na aking dibdib habang nakikita ko na siyang naglalakad palapit sa kinatatayuan ko.
"Hi." Namalayan ko nalang na nasa harapan ko na pala siya and guess what? O.O hinalikan niya ako sa pisngi.
"Hello..." I greeted him back with an awkward smile. Sorry kinilig lang talaga ako and hindi ako sanay sa ganitong scene namin since napakasungit ng lalaking ko 'to sa akin sa una palang ng pagtatagpo ng landas namin.
"Tara na. Gutom na ako." Sabi niya sa akin na may paghawak pa sa tiyan niya.
"Saan tayo kakain?" Omg! Saan kaya kami kakain? Hindi kaya dadalhin niya ako sa isang napakaromantic na restaurant then may tumutugtog na violin sa paligid namin habang kumakain kami? Argh!
Akmang magsasalita na sana ako pero wala na pala siya sa harapan ko. Nakatalikod na siya sa akin at nauna ng maglakad. Aray naman! Ang sweet ah! I pouted my lips tsaka naglakad sa may likuran niya while murmuring some random things.
Para akong aso na nakabuntot sa kanya tsk.
Blaaag!
Halos mabura na yung pagmumukha ko sa lakas ng pagkabunggo sa malapad niyang likod dahil bigla siyang huminto sa paglalakad.
Hinarapa niya ako tsaka hinawakan ang kamay ko. And so this time. Magkahawak kamay na kaming naglalakad papuntang...
Wait!
Papuntang Canteen?
Akala ko ba magdadate kami? Hmm...
Pagpasok na pagpasok palang namin ng canteen napansin kong pinatitinginan na agad kami ng mga tao doon. Maybe because magkaholding hands kami? Iba't ibang reaction ang nakita ko sa pagmumukha nila. May kinilig, may nalungkot, may nagtaray and etc. Oh well, kahawak kamay ko lang naman ang nanalo ng Mr. Royal University. Yeah, he won that title pero sayang at sa hospital kami nagpunta.
Moving on...
Habang kumakain kami, hindi ko alam pero hindi ko maiwasang titigan siya.
"Why?" He asked.
"Wala lang..." I answered sabay iling.
"Napopogian ka nanaman ba sa akin?" Pabiro niyang sabi. Shocks! Yabang din ng ungas na 'to.
"Yeah." Pag amin ko naman. " Anyway, gusto ko sana may endearment tayo like the other couples." Sabi ko naman habang kumukuha ng food sa plate ko.
"Like?" Bahagyang tumaas ang kilay niya.
"Babe? Baby? Honey? Mommy? Daddy?Yam? Hubby? Wifey? " bahagya namang nangasim ang mukha niya sa mga binanggit ko at tila ba hindi niya ito nagustuhan.
"Love?" Huling hirit ko.
"Hmm...better." he replied. Ayun! May napili din ang pihikan kung boyfriend.
"Love..." tawag ko sa kanya.
"Yes love?" Sagot naman nito. Shocks! Kinikilig ako bes. Sagad sagad sa buto. Wala lang gusto ko lang marinig tinatawag niya akong LOVE.
We may sound so corny here but love is corny ika nga. Kaya wag na kayong kumontra bes! Kiligin nalang kayo lols.
*burp*
"Opps! Excuse me~" pasamintabi ko sa kanya. He just chuckles. Dami kong kinain bes. Kaharap ko na boyfriend ko pero hindi parin nabawasan yung katakawan ko.
Paglabas namin ng canteen, ganoon parin ang eksena. Marami paring mga mata ang nakatingin sa amin. Aba't !maraming mahaharot na senior high pa ang kumikisay kisay pa kilig habang pinagnanasaan nila si Aaron ko kahit magkahawak kamay na kami nito.
Dukutin ko kaya mga mata nito? Grr! Gigil niyo si ako ha!
Kalaunan ay tila ba hindi na nakatiis ang isang grupo ng senior high at dinumog kami nito. Mga haliparot. Bilang title holder ng Mr. Royal University. Kilala na si Aaron ng lahat. Argh!
Napataas nalang ang isang kilay ko habang isa isa ko silang kinuhanan ng picture. Yeah! Ginawa ba naman akong photographer ng mga hinayopak na'to. Pasalamat sila at mabait ako ng very slight at hindi ako pumapatol sa senior high.
So ayun, napunta sa nakakakulo ng dugo moments ang halos 30 minutes na vacant na namin na dapat ay ginugol namin sa isa't- isa. Buti nalang talaga at isinama na nila ako picture kaya nabawasan na din ang kunot sa noo ko. Hmp!
Hashtag! Ang hirap pala kapag sikat ang boyfriend mo kasi minsan pati privacy niyo nauungkat ng lahat choss.