Kabanata XIX

2323 Words
“SIGNOR Oier, mabuti naman at naisipan mong bisitahin ang iyong ina.” Masayang bungad ng serbidora na nagngangalang Magda sa kanya nang makarating siya sa pamamahay ng kanyang mga magulang. Limang pu’t kilometro lamang ang layo mula sa kanyang mansyon. Hindi umaabot hanggang kilikili ang tangkad ng naturang serbidora. Hinawakan ni Oier ang magkabila nitong balikat at ngumiti, “Saan po si Mama?” tanong nito sa kanya at nilibot ang paningin sa kabuuang lugar. Ilang linggo siyang hindi nakakabisita sa pamamahay ng kanyang mga magulang. Abala kasi ito sa pamamasyal kasama ang mga pinsan at pag usisa sa mga binibini sa kanyang misyon kagaya ng napagkasunduan nila na magpapanggap siyang maging simple’t hardinero upang masuri niya nang husto ang kilos, galaw, at pag uugali ng mga binibini habang walang nakakilala sa kanya. “Ang mama mo ay nasa kusina, nag aaral mag bake ng cookies.” Tugon ng matandang serbidora. Tumango naman si Oier at ngumiti bago tuluyang pumanhik upang makita ang kanyang ina. Napangiti na lamang si Magda at sinundan ng tingin ang direksyon kung saan naglalakad si Oier.  Malaki ang tiwala at paggalang ni Oier kay Magda. Hindi pa kasi ito namulat ay nagtatrabaho na si Magda sa puder ng mag asawang Goncuenco. Siya ang nag alaga kay Oier noong bata pa ito hanggang sa magbinata at magkaisip. Hindi niya iniwan ang alaga kahit na hindi maganda ang pakikitungo ng ina nitong si Elester sa kanya. “Mama,” napalingon si Elester sa direksyon kung saan pinanggalingan ang baritonong boses.  Nahinto si Elester kakahalo ng kanyang mga sangkap at lumapit sa anak na nakangiti, “Anak ko! Na miss kita rito sa bahay, dito ka ba matutulog mamaya? Nang mai-ayos ko ang iyong higaan sa itaas.” Wika nito sa kanya. “Bakit hindi mo naman sinabi sa akin na may dadalo ng mansyon ngayong araw?” hindi tinugunan ang ina, sapagkat nagpahayag ito ng isa ring katanungan, “Alam mo naman hindi ko gustong may dumadalo nang walang pahintulot ko.” Patuloy nito. Napangiti naman si Elester at nagpatuloy sa kanyang ginagawang paghahalo ng sangkap, “Anak, isa iyong paraan upang masuri mo nang husto ang mga binibini sa mansyon. Kaya ko sila ipinadala upang matuto silang magtahi,” hindi pa rin inaalis ng ginang ang guhit na ngiti sa kanyang labi, “Hindi ba, nagugustuhan mo ang mga babaeng marunong gumawa ng iyong kasuotan?” Patuloy nito. Umiling si Oier at napahawak na lang ang kanyang isang kamay sa kanyang beywang. Wari isang malaking problema ang idinulot ng kanyang ina sa kanyang pamamahay. “Kahit na Ma, ask me first about letting other people visit the mansion, lalo na pag hindi ko kilala.” Hinawakan nito ang kanyang batok dahil sa nararamdamang inis. Madali siyang mainis tuwing may mga bagay na hindi niya nagugustuhan. Isa na roon ang pagdalo ng mga hindi kilalang tao sa kanyang mansyon.  “Ano nga ba ang problema mo roon, anak? Hindi ba’t sinabi kong pagkatiwalaan mo ako? Pumayag ka naman.” Nakangiting pahayag ni Doña Elester. Hindi inaalis ang kanyang paningin sa kanyang niluluto, “Matanong nga kita, Oier.” Ani ng ginang habang nilalagay ang pinaghalong sangkap sa tray at matapos ay nilagay niya ito sa oven. Kunot noo namang nakipagtitigan si Oier sa kanyang ina. Lumapit ang kanyang ina sa kanya at hinimas ang kanyang noo nang matigil ito kakakunot. “May nakikita ka na ba sa mga mapapangasawa mo sa loob ng mansyon? Hmm?” seryosong tanong ng kanyang ina. “Alam mo naman ang legacy ng mga Goncuenco, dapat bente sais ang edad pataas ay may nahahanap ng kabiyak.” Bumaling sa bintana si Oier. Huminga siya nang malalim at ngumiwi. Ang legacy ng mga angkan ng Goncuenco ay naipapasa sa bawat henerasyon ang magdaan. Hindi rin gugustuhin ng mga henerasyon ng kanyang mga magulang na hindi nila makilala at makasama ng matagal ang kanilang magiging Apo. Kabilang sa legado ay ang isang binibining may mataas na estado sa buhay at perpektong asawa para sa isang Goncuenco - bilang kwalipikado ay pagiging magaling sa pamamahala ng negosyo, may potensyal sa gawaing bahay, sopistikada, may magiting na paniniwala sa buhay, at mula sa makapangyarihang angkan. “Ako ang bahala, Ma.” Tipid na tugon ni Oier. “Gusto ko pa pong makilala sila nang lubusan.” Umangat ang dulo ng labi ng ginang sa naging sagot ng anak.  “Mas mainam anak, hindi ko gustong umabot sa puntong magiging komplikado ang daloy ng ating pagsasama bilang isang pamilya dahil lang sa babae na iyong napupusuan.” Ani ng Ginang.  Hindi naman nagsalita si Oier. Isa sa mga dahilan ang kanyang ina kung bakit hindi naging mapalad ang kanyang dating relasyon sa una nitong naging kasintahan na si Natalie. Anak ng isang Colonel si Natalie, hindi gusto ng kanyang ina na magkaroon sila ng ugnayan sa mga sugo ng batas sa hindi malaman na kadahilanan ni Oier. Bukod doon, hindi rin papasa sa lasa ni Elester si Natalie dahil sa pag uugali nito. Hinawakan ng kanyang ina ang kanyang dibdib habang hindi mawala wala ang pag guhit ngiti nito sa kanyang labi. “Sa iyong mga desisyon nakakasalalay ang iyong kapalaran at iyong kasiyahan, piliin mo nang mabuti kung sino sa tingin mo ang perpektong babae para sa iyo at para sa pamilya natin.” Ani ng kanyang ina. “..At isa pa, mahal kong anak, wag kang makipagtalo sa akin kung gusto kong papuntahin ang panauhin sa iyong mansyon. Patawad na lang ang maaari kung sabihin,” humalakhak ang kanyang ina. Napailing na lang si Oier at saka nakipagtitigan kay Elester ilang sandali.  Tungkol sa unang binanggit ng kanyang ina, batid niyang hindi lang isang simpleng babae ang gusto ng kanyang ina. Gayon pa man, hindi naman siya tipong pipili ng babaeng hindi nito magugustuhan. Pumasok sa kanyang isipan ang mukha ni Celestine na nakangiti. Huminga siya nang malalim at bahagyang inalis ang mga kamay ng kanyang ina sa kanyang dibdib. “Opo, Ma…” tipid niyang tugon at bahagya ring umangat ang dulo ng kanyang labi. Bumalik sa ginagawa si Elester, “Siya nga pala, ikaw ay sasama sa iyong Papa at sa mga uncle mo sa Cebu.” Mas lalong kumunot  ang noo ni Oier. “Bakit kailangan akong sumama, Ma?” tanong niya sa kanyang ina.  Paano ang patimpalak? Ano ang mangyayari kung wala ang presensya niya roon, lalo na’t may mga panauhing hindi naman niya kilala? Gusto niyang tumanggi pero kilala niya ang ina, nasusunod nito ang gustong magyari. “Gusto kong kilalanin mo nang husto ang asawa ng iyong pinsan,” napatingin nang seryoso ang kanyang ina sa kawalan. “Hindi maaaring hindi natin kilala ang nagiging bahagi ng Pamilyang Goncuenco.” Patuloy nitong aniya. “Bakit hindi mo hayaan ang pamilya nila?” tanong ni Oier at kumuha ng baso, sinalinan niya ito ng wine. Sumandal siya sa pader habang ang isang kamay ay nakalagay sa kanyang bulsa.  Napatingin naman si Elester sa kanya, “Mas mabuti nang maingat tayo, Oier. Hindi natin basta basta tinatanggap ang babaeng nais maikasal sa isang Goncuenco. Paano kung malaman natin isang araw may masamang motibo ang batang iyon?” Ani ng Ginang. “Mas mabuti nang kilalanin mo nang husto, o gawan mo ng paraan upang matigil sa kahibangan ang batang iyon.” Patuloy ng ina. Napaisip naman si Oier. Siguradong mamalasin kung sino man ang kanyang mapapangasawa dahil lang sa ugaling tinataglay ng kanyang ina. Bukod sa masayahing pag uugali ng kanyang ina, may katangian din itong hindi nagugustuhan ng iilan nilang kakilala o kahit sa kanya. Mapagmataas ito at hindi tumitingin sa ibaba, mata pobre at walang awa. Kumikilatis ito nang husto at kung may maliit na pagkakamali siyang napuna’y hindi na niya ito ituturing na isang kaibigan. Wala namang magawa si Oier kung hindi sumunod sa kagustuhan ng ina. Kung para sa kanilang angkan ang kanyang ginagawa, basta nakakabuti, susundin niya ang pinag uutos nito. “Gusto mo bang siraan ko si Rafael sa kanyang asawa?” Nagkatingan sila ng kaniyang ina. Wala namang emosyon si Elester nang bumaling kay Oier. Siraan. Mukhang maganda ang ideya ni Oier, pero alam niyang hindi ito magagawa ng bintana. Mapanuya at matulis ang dila ni Oier, kung magsasalita ito’y tatagal ng ilang linggo ang kanyang binitiwang salita sa utak ng kung sino ang makakatanggap nito. “Hindi ko na kailangang sagutin ‘yan, nasa iyo kung anong paraan ang magiging hakbang mo,” ani ni Elester at muling naghalo ng sangkap para sa kanyang susunod na lulutin. “Maghanda ka na, bukas na bukas din ang punta niyo sa Cebu.” Patuloy na aniya. Inubos ni Oier ang laman ng kanyang baso. Nagdulot ng malakas na ingay nang binaba niya ito sa mesa sa kanyang giliran. “Sana lang ay hindi bumalik ang karma sa atin, Ma.” Ngumingising ani ni Oier at tuluyang umalis.  Napatingin na lamang si Elester sa likuran ni Oier na naglalakad papalayo sa kanya. Kaya niya ginawa ang patimpalak upang may pagpipilian si Oier sa mga binibining kakasa sa kanyang panlasa at hindi upang magdulot ng karma.    Celestine “Saan ba si Yael, Claire?” tanong ko kay Claire. Nagluluto si Claire nang tanghalian nang ako’y dumalo sa kusina upang uminom ng tubig. Ilang araw ko na ring hindi nakikita ang presensya niya rito. Kahit naman malaki ang mansyon at sabihin na nating hindi agad nagtatagpo ang landas namin, kapani panibago pa ring hindi siya makita rito.  Tumingin si Claire sa akin at nagkibit balikat, “Ang sabi sa akin ni Elias, ‘yong si totoy? May pinagkakaabalahan daw ngayon.” Aniya. “At kung ano, huwag mo nang tanungin dahil hindi rin nasabi ni Elias sa akin kung ano.” Nakangiti niyang pinagpatuloy. Tumango ako’t inubos ang tubig sa baso. Dumapo naman ang paningin ko kay Elias na kasalukuyang may hawak hawak na walis. Nakatingin siya sa akin pero nang tumingin ako pabalik ay mabilis siyang umiwas at wari inabala muli ang kanyang sarili. “Wala naman akong intensyon na tanungin kayo kung saan siya nag punta, Claire.” Ani ko na lang at hinugasan na ang baso sa lababo. “Kilala kita, Ms. Celestine, may dugo kang pagkausisera.” mahinang aniya. Umiling ako at ngumiti. “O siya, babalik na ako sa inyong Ginoong Alfie.” Pagpapa alam ko sa kanila. Nahinto sa kanilang pinagkakaabalahan ang mga serbidora nang marinig iyon at dali daling nag umpukan sa aking harapan. Gumuhit ang pagpapantasya sa kanilang mga mukha.  “Pakisabi Ms. Celestine na naghanda ako kami ng makakain para sa kanya.” ani naman ni Lyka. Hindi mawala wala ang ngiti sa kanyang labi.  “Pakisabi rin Ms. Celestine na taos puso akong nagluto ng kanin para sa kanya,” ani naman ni Claire. Kunot noo namang bumaling si Lyka sa kanya. “Anong espesyal sa kanin na niluto mo, aber?” tanong ni Lyka. Nagkatinginan naman sila ni Claire. “Ubod ng pagmamahal!” gumagalaw ang ilong ni Claire habang nakikipagtalo kay Lyka. Hinawakan ko ang aking tyan at mahinang tumawa. “Tama na ‘yan, lahat ng sinabi ninyo’y makakarating sa kanya.” Saad ko na lang at saka iwinasiwas ang aking kamay sa kanilang harapan. Bumalik ako nang tuluyan sa salas kung saan naroroon ang sewing machine at si Alfie. Binabasa ni Alfie ang mga librong kinuha ko sa silid aklatan tungkol sa disenyo ng mga abrigo sa Europa at Asia. Gusto ko sanang tahian ng damit si Oier na katulad ng nakikita kong suot suot niya tuwing nagkikita kami. Sa tingin ko mahilig siya sa madilim ang kulay kaya ang telang napili ko ay katulad ang kulay sa kalangitan tuwing at bago sumapit ang umaga - Madilim na asul at gintong kulay naman para sa necktie. Umupo ako sa aking upuan na katabi lang ni Alfie at siya namang ikinabaling niya. “Alam mo, Celestine. Binabagay ang kulay ng damit sa hubog ng katawan ni Oier.” Aniya. Tumango ako. “Hindi ko siya nakita kung kaya’t hindi ako sigurado kung babagay sa kanya ang estilong napili mo.” Gumuhit ang ngiti sa aking labi, “Alam kong magugustuhan niya at babagay sa kanya. Katamtaman naman ang kulay ng kanyang balat hindi kayumanggi at hindi rin sobrang mapusyaw. Ang hubog ng kanyang pangangatawan din ay..” napatingin ako sa itaas upang alalahanin ang kanyang postura at pangangatawan. Napahawak ako sa aking balikat. “...malapad ang kanyang balikat, at malaki ang kanyang dibdib…” hindi ko masabi sabi ang tungkol sa ibabang parte ng kanyang katawan nang naramdaman ko ang pang iinit ng aking pisngi. Tumagilid ang ulo ni Alfie at bahagyang napangiti, “Kung makapaglarawan ka naman, nakita mo na ba siya? Balita ko ni isa sa inyo wala namang nakakakilala at nakakita sa kanya?” tanong niya. Natigilan ako’t agad pumasok sa aking isipan ang aking mga sinabi, “Ha? Ah eh..” nangangapa ako ng pwedeng isasagot. Bumaling ako sa larawan ni Oier sa dingding kung kaya’t mabilis kong inangat ang aking kamay upang ituro iyon. “Iyan po, Ginoo, ang katibayan ko.” nahihiya akong tumawa. Tumango siya at mukhang nakumbinsi ko naman. Bumalik siya sa kanyang binabasa at ako’y naghihintay lang ng maaari niyang imungkahing disensyo maliban sa kulay at estilo.  Dumaan si Elias sa may malaking bintana at nagmasid sa akin. Nang makita niya akong bumaling sa kanya’y mabilis siyang umiwas at nagkunwaring nagwawalis. Kanina ko pa napapansin ang kanyang madalas na pagmamasid sa akin lalo na’t tuwing sa sesyon namin ni Alfie. Hindi ko siya madalas nakikita rito sa Mansyon kung kaya’t binalot ako ng pagtataka. Pinawalang bahala ko muli at nakinig na lang sa pinayo sa akin ni Alfie at sa pagtuturo niya kung paano gamitin ang sewing machine. Nang ilang sandali pa’y muli kong napansin sa giliran ng aking mga mata ang pagmamasid sa akin ni Elias. “Sandali lang po, Ginoong Alfie,” ani ko at tumayo. Ngumisi ako kung paano mabilis na tumungo si Alfie kung saan sa tingin niya ako pupunta. Kunwari akong tumungo sa palikuran at nakita ko sa giliran ng kanyang mga mata ang kanyang tahimik na pagsunod. Bahagya kong isinara ang pinto at nasilayan ko ang kanyang paghakbang ng kanyang paa. “Bulaga!” napatalon siya sa gulat nang umalingawngaw ang aking boses sa loob ng palikuran. Pumameywang akong napatingin sa kanya. “Pati ba dito, binabantayan mo ako?” nanliliit kong akusa sa kanya.  Napakamot siya ng kanyang ulo at nahihiyang ngumiti, “Pasensya na ate este Ms. Celestine.” “Bakit mo ako sinusundan at pati rito sa palikuran?” tanong ko. Gusto kong kurutin ang kanyang singit. “..Mapangahas kang bata ka,” Mabilis siyang umiling, “Napag utusan lang po..” nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakipagtitigan sa akin. Kumunot naman ang aking noo. Tumikhim siya at mukhang nakuha niya ang katanungan sa aking isipan. “Pinabantayan ka po sa akin ni Kuya Oi-- este  ni Kuya Yael, mawawala po raw kasi siya ng isang linggo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD