Real value Tulala ako nang isugod si Seth sa hospital. Hindi ko na maipasok sa utak ko ang mabilis na pangyayari. Basta ang naaalala ko nalang ay nakarinig ako ng tunog ng ambulansya na agad rumispunde sa amin. Kay Seth na nawalan na ng malay. "Phoebe!" Napalingon ako kina Ate na tumatakbo na sa direksyon ko. Kitang kita ko ang pagbagsak ng mga tingin nila sa kamay ko na duguan at kumalat na sa suot kong uniporme. Nang makita ko ang magpipinsan ay napahagulhol ako. Bumalik sa akin ang lahat ng sinabi ni Seth. "Nasan si Seth?" Namumutlang sabi ni Ate Abbegail. Tumakbo siya doon sa may pinto at sinilip ang kapatid niya sa loob ng operating room. "Seth! Jame Brancen ang kapatid ko!" Napahagulhol si Ate Abbegail na agad niyakap ni Kuya Jame Brancen. Niyakap naman ako ni Ate Snow. Para a

