Hindi pwedeng ganito! "Gabi na Phoebe. Iuuwi na kita. Baka nag-aalala na sila sayo." Napakurap ako sa sinabi ni Seth. Tahimik nalang kasi kaming nakatingin sa malayo at pinagmamasdan ang mga kumikinang na city lights habang nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at nakasandal rin siya sa ulo ko. Kung pwedeng ganito nalang kami palagi. Kung pwede lang talaga. Naiwan ko yung phone ko sa bag ko. Baka nga nag-aalala na si ate Snow sakin. Siguradong lagot ako nito pag-uwi ko. Gabi na. Lagot ako kay Kuya Sylver! Tapos si Seth pa ang kasama ko! "Pero lock na yung gate sa labas eh. Paano tayo lalabas?" tanong ko. Kung pwede lang talagang dito nalang kami habang buhay. Magtatayo kami ng tree house dito. Ang saya siguro nun! "Then we have no choice but to jump." Nalaglag ang panga ko sa sinabi

