Mas lumala Nagising ako sa paulit ulit na panaginip na pumupukaw sa akin araw araw. Hindi ko alam kung anong pinupunto ng panaginip na 'yon pero nakakatakot. Niyayakap ako ng mahigpit ni Seth. Ang higpit ng yakap niya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero nang makita ko ang isang malaking salamin ang imahe naming dalawa ay naiyak ako dahil nakita ko ang likod niyang puno ng saksak at dumudugo. Paulit ulit lang ang panaginip na 'yon. Nakakakilabot na nga minsan dahil magigising nalang akong umiiyak ako. Tanggap ko nang umalis siya. Ngayon ko lang yun natanggap. Pero may parte parin sakin ang naghihintay. Na kahit araw araw akong pumunta doon sa tambayan namin at sa malaking punong inuupuan namin ay okay lang sa akin. Naging hobby ko na 'yon na namamalayan ko nalang na dinadala ako ng sari

