Lagot Tuwing pasko si Yui itong umiiyak. Naaalala niya kasi lahat lahat. Nakakatawang isipin. Siya itong nagtulak kay Stolich na layuan siya pero siya naman itong nasasaktan nang todo. Habang ako itong iniwan at ako ang nakasakit pero ako itong nasasaktan ng todo. Karamay kaming dalawa sa pagdadalamhati sa puso naming nabasag. Summer na ulit. Ibig sabihin magdadalawang taon na ang lumipas. At tuwing summer ay hinihintay kong baka dadating siya. Nagbabakasakali akong dadating siya. "Edi abangan natin sa airport. Gumawa tayo ng malaking banner na may nakasulat na Welcome Back Sethanas. Ano?" Natawa ako sa suggestion ni Yui. Nandito kami sa kwarto niya eh. Wala rib naman kasi yung kuya niya. Parating nasa condo ni ate Ellie. "Sa 3DBar yun minsan eh." Napasimangot ako. Ayaw niya pa nam

