Parati nalang Hindi na nga kami nakabalik doon sa 3DBar. Nang araw na 'yon ay grounded kami ni Yui. Pero wala namang kaso sa amin yun ni Yui dahil nagkukulong lang naman talaga kaming dalawa sa kwarto at nagmomoviemarathon. Hindi rin naman talaga kami mahilig gumala eh. Doon lang kami gumagala pag nasa mood kami magshopping. Hindi naman naging kaso yung pagiging grounded namin sa photoshoot ni Yui lalo na't tuwing summer lang naman 'yon. Kaso sinasamahan na kami ni kuya V. O kaya ni kuya JK kasama ang mga girlfriend nila. Natapos ang summer na 'yon nang walang Seth na dumarating. Ang tuwing natatapos iyon bumabalik sa akin lahat ng alaala kaya ako itong humahagulhol. Buti nalang at may mapaglalabasan ako. Kay Yui. Ayokong sabihin kay ate na tuwing summer ay para akong pinapatay sa pag-

