Towards me Ang tagal kong dinalaw ng antok dahil hindi ko maalis sa utak ko ang imahe nilang naghahalikan sa harap ko. Parang natabunan yung kilig na nararamdaman ko nang halikan niya ako. Hindi ko alam kung tunay na ba talaga itong nararamdaman ko sa kanya pero sapat na yung nasaktan ako. Ibang iba ang pakiramdam na 'to kaysa sa naramdaman ko kay Stolich. Nang nalaman ko na crush niya si Yui hindi ako nasaktan dahil may gusto siyang iba. Nasaktan ako dahil yung bestfriend ko nagpaparaya para sakin. Pero itong kay Seth parang gusto kong ako lang yung halikan niya nang ganon. Gusto ko ako lang. Ayoko ng iba. Hindi ko lubos maisip kung ba't ako nagiging selfish nang ganito. Posible bang ipagdamot ang isang taong hindi naman sayo? Ramdam ko ang eyebugs ko kinabukasan. Si Yui may eyebugs

