CHAPTER 35

1769 Words

Hindi alam ni Zia kung nanaginip ba siya o hindi. Maraming mga boses ang naririnig niya sa paligid, pero hindi naman niya ito maintindihan dahil parang mga bubuyog kung mag-usap ang mga ito. Ang isang nagsasalita ay parang galit na galit. At ang isa pa sa ikinawindang niya ay parang pamilyar sa kaniya ang boses na iyon. Bigla na lang siyang napabalikwas sa higaan nang maalala niyang kinidnap pala siya ng mga kalalakihan kagabi. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong silid. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mga ito. Nasa langit na ba siya? Bakit umuulan ng mga lalaking naggagwapohan ang kwartong kinaroroonan niya? Sila ba ang kumuha sa sa kaniya? Ngunit para kay Zia, imposible naman kung ang mga ito iyon dahil wala naman sa mga hitsura nito ang pagmumukha ng isang kidnapper.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD