At exactly 8 am, she's already here inside in the office of Mr. Cordova. Uupo sana siya sa sofa nito kaya lang biglang may nagsalita sa harapan niya. Kagagaling lang niya sa kakatakbo dahil sabi nga nito sa kanya, exactly 8 a.m. ay dapat nandito na siya sa opisina.
"Who told you to sit down?"
Napasimangot siya nang marinig niya ang boses ni Mr. Cordova. Kay aga-aga, sita kaagad ang inabot niya rito. Pagtingin niya rito ay bigla siyang napatanga sa kanyang nakita. Kitang-kita niya ang magandang pangangatawan ng lalaki. Hindi siya makaimik dahil para siyang nakakita ng isang demigod. Ngayon lang niya ito napagmasdan ng maayos. Kahapon kasi hindi niya ito napagmasdan dahil sa nabuwisit siya sa kahanginan nito. Naka-long sleeve na white at gray coat ito na fitted sa katawan ng lalaki na mas lalong nadepina ang mga muscles nito. What the heck! Makasalanan ang kagwapuhan nito. Napangiwi siya ng maalala. Gwapo nga sana ang lalaki kaya lang hindi naman niya gusto ang ugaling ubod sa kahanginan ang katawan.
"Stop staring at my body, Miss Ramos."
Napaangat ang tingin niya rito at napaubo siya nang makita kung gaano kagandang tingnan ang mala-asul nitong mga mata. Pasimple niyang ipinilig ang kanyang ulo.
"I'm asking you, Miss Ramos. Who told you to sit down? Is this your place to relax? No time for work? "
Ayan na naman, nagsisimula na naman ang pagkasuplado nito. Ayaw na niyang makipag-away dahil magpapakabait muna siya. Ito na naman, inunahan na naman siyang awayin.
Napatiimbagang siya sa kaniyang narinig. Umagang-umaga, badtrip kaagad siya sa kaharap.
"Ako! Bakit aangal ka? Hindi ba pwedeng umupo muna sandali?" pabalang niyang sagot rito kaya napakunot ang noo nito.
Seryoso siyang tiningnan ni Mr. Cordova at tinaasan siya nito ng kilay. "Sino ang boss dito?"
She rolled her eyes at him, and hissed.
"Ikaw."
Obvious na nga, tinanong pa. Shunga lang Kuya?
Tinukod nito ang dalawang siko sa lamesa at matiim siyang tiningnan ng lalaki.
"Who owned that sofa?"
"I-ikaw?" parang tangang sagot niya kay Mr. Cordova.
Napalunok siya ng laway nang bigla siyang nakaramdam ng pagkailang sa pagtitig nito sa kanya. Iyong titig bang nakakatunaw. Iyong tipong para kang nilalamig at naninindig ang balahibo niya. Iyong tipong pati buhok sa ibaba ay naninindig din. Joke lang, exaggerated din siya masyado. May gana pa talaga siyang magbiro. Nandito na nga siya sa puntong naiilang na siya.
Nang tumayo ito sa pagkakaupo, nakaramdam siya ng kaba at iyong kabog ng puso niya ay sobrang lakas. Lumapit ito sa kung saan siya nakatayo.
"Are you afraid, Miss Ramos?"
Nakita niya ang mapaglarong ngiti ng lalaki. Napatigil siya at napatitig rito. Nakaramdam siya nang hindi maipaliwanag na kaba sa pagngisi ng kaharap.
"N-no," nauutal niyang sabi.
"Bakit nauutal ka diyan?" panghahamon nito sa kanya at sobrang lapit nito na parang kinapos siya sa paghinga.
Tang-*na naman napamura na tuloy siya. Pwede namang mag-uusap sila nang hindi ganito ang posisyon. Inaakit ba siya nito o ganito ito sa ibang P. A nito noon? Kaya ang mga hindi kinakayang kalandian ng lalaki ay umalis na lang. Sobrang malas nga niya.
"H-hindi kaya."
Nahihirapan siyang huminga dahil sa kaunting espasyo na lang ng mukha nila ay maghahalikan na sila. Nahihiya naman ang hangin sa kanila.
LORD, magkakasala yata siya nito baka mahalikan niya ito bigla. Ang bango pa naman ng hininga. Nahiya naman ang hininga niya baka bomba na itong bunganga niya. Kagagaling pa naman niyang kumain ng pinakbit. Pero, in fairness, makalaglag panty nga talaga sa sobrang gwapo. Sinong babaeng hindi maa-attract dito?
Natulala siya rito nang matitigan niya ang mga mata ng binata para siyang nahihipnotismo. He looked at her with those blue eyes the same color at sea. She started to get lost in them. It feels warm that makes her heart weep.
"Bakit? In love ka na ba sa akin, Zia?" mapang-akit na tanong nito kaya napabalik siya sa katinuan.
Umiwas siya ng tingin sa mga mata nitong alam niyang sobrang delikado. Bumaba ang mga mata niya sa malambot na labi ng binata. Napalunok siya, parang sinasabi ng mga labi nitong 'Halika, tikman mo ang mga labi ko'.
"N-no," wala sa huwisyo niyang pagkakasabi.
Rinig niyang mahinang pagtawa nito. Oh tukso! layuan mo siya. Ayaw niya pang magkasala. Tang-*na naman oo, napapunta tuloy siya sa boss niyang mapang-akit. Arggggh! Ang akala niya, makakita pa siya ng matinong boss. Mas malala pala itong napasukan niya. Unang araw pa lang, ayon inaakit na siya.
Bakit ba kasi? Bakit sa lalaking ito pa mahina siya sa tukso? Kahapon pa naman niya ito nakakasalamuha ah? Lumabas na ba ang tinatago niyang kalandian sa katawan? Maawa ka naman, huwag naman sana. Hindi pa siya handa.
"Are you sure about that?"
Ayan na naman ang mapang-akit na baritonong boses nito. Pati ba boses ay nang-aakit na din sa kanya?
Maghunus-dili ka Zia, huwag magpaapekto sa lalaking ito.
"Y-yeah."
Tumaas ang gilid ng labi nito na may mapaglarong ngiti. Tipong may gagawing masama sa'yo.
Gusto mo naman? Ano iyon? Bakit nasali ang gusto mo naman? Nababaliw na ba siya? Sita niya sa kanyang sarili.
He smell her that make her face turn into red. "Why are you blushing by the way?" tudyo ng lalaki sa kanya habang titig na titig ang mga mata nitong nakakaakit tingnan.
"H-hindi a-ah." She silently cursed herself from stuttering.
"Aw! Zia, I will tell you why I'm doing this." Inayos nito ang buhok niya. "I am so damn attracted to you."
Laglag ang panga niya sa sinabi ng lalaki. Nagbibiro ito, diba? Seryoso ba ang lalaki sa sinasabi nito o baka naman binibiro lang siya dahil may gusto itong dapat kunin?
"You don't believe me?"
"No," she stated a fact.
Kasi iyon naman talaga ang naramdaman niya. Hindi siya naniniwala sa pangalawa nilang pagkikita. Attracted kaagad ito sa kanya? Nahihibang na ba ang bagong boss niya?
"Then, do you believe love at first sight?" sabay hapit nito sa beywang niya kaya napasinghap siya at nagpupumiglas na makawala sa mga braso nito.
She felt how hard his muscles, and his warm body na para bang gusto niyang humilig sa dibdib nito. Naninindig balahibo niya sa kanyang iniisip. Wala na talaga siya sa tamang pag-iisip. Baliw na nga talaga siya. Huminga siya ng malalim bago siya bumuwelo para makawala sa paggapos ng mga braso nito sa beywang niya. Wala siyang panama sa lakas nito kumpara sa kanya.
"A-ano ito joke? Tigilan mo nga ako! Hindi ito nakakatawa!" bulyaw niya rito.
Kahit boss niya ito ay wala siyang pakialam. Basta, ang kailangan lang niya ay makalabas siya sa opisina nito. Unang araw pa lang ganito na ang madatnan niya? Aakitin siya na wala sa oras? Anong akala nito ang easy to get niyang babae , ganoon ba iyon?
"No, this is not a joke, Zia. I am so serious about what I've told you earlier. I am attracted to you since I saw you yesterday." Walang emosyon ang mukha nito kaya napalunok siya ng matindi. "You know what, kahapon pa lang kita nakita may pagnanasa na ako sa'yo."
Tumindig na lang bigla ang balahibo niya sa sinabi nito sa kanya. Ilang beses na ba tumindig ang balahibo niya? Hindi na niya mabilang. Totoo ba ang sinasabi nito sa kanya? Baka pinagtitripan na lang siya nito. Pero, ang mas nakapagtataka, bakit lalo siyang nakaramdam ng galak sa sinabi ng boss niya? Wala na talaga siya sa huwisyo para gumawa ng ganitong nakakatindig balahibong aksyon.
Nakahinga siya ng mabuti ng kumawala ito sa kanya at umayos ng pagkakatayo nang marinig nila ang pagbukas ng pinto. Bumungad sa kanila ang sekretarya niyang nagtatakang nakatingin sa kanilang dalawa. Umiwas din ito ng tingin nang marinig nitong umubo si Mr. Cordova.
"Good Morning! Here's the document that you need to recheck and sign. Twenty of those are VIP customers na gustong magpadagdag ng mga kagamitan sa bahay. May mga designs na mga furniture na diyan na kailangan mong aprobahan kung may idagdag pa kayo, Mr.Cordova."
Pasimpleng tumingin ito sa kanya bago nito binalingan ang sekretarya na naghihintay sa kasagutan nito.
"I will read it and sign it later. Just put it on the table."
"Okay, sir."
Umalis kaagad ang babae nang mailagay na nito ang mga kailangan ng boss nila. Susunod na sana siya rito nang bigla siyang hinila ni Mr. Cordova. Bumalik ang kaba niya ng ngumiti ito. Iyong ngiting inaakit siya. Ayan na naman! Paano siya makakatakas rito kung nakaharang ito sa pintuan? May balak talaga itong hindi siya papalabasin.
"Pwede ba! Papalabasin mo na ako at alam mo ang bastos mo!" biglang sigaw niya rito.
Gusto niyang lumabas at makatakas sa mapanukso nitong ginagawa. Pero mas lalo lang nitong ginawang komplikado ang lahat. Ayaw talaga siyang papalabasin sa opisina. Humarang pa talaga sa pintuan para hindi siya makatakas. Mautak talaga ang lalaking ito. Mas komplikado pa ito sa dating boss niya.
Alam niyang dito siya mapapahamak lalo pang binuhay nito ang init sa katawan niya.