CHAPTER 3

2081 Words
ZIA Hanggang ngayon, nabubuwisit pa rin siya sa nangyayari kanina. Hindi makapaniwalang tumulo talaga ang laway niya sa mismong harapan ng lalaki. Napasapo siya sa kanyang noo. Bakit ba kasi tumulo ang laway niya na hindi man lang niya namamalayan? Tapos nakatunganga pa siya rito. Napatampal siya sa kanyang ulo. Tanga ka nga talaga, Zia. Tama nga naman ang lalaki, may pagkaingot talaga siya. Napabuntong-hininga siya at napailing. Huwag na niyang isipin ang kung ano ang ginawa niyang kahihiyan kanina. Ang importante ay hindi siya nito kilala at hindi naman niya ito kilala. Hindi naman sila magkikita sa susunod dahil ang laki naman ng Manila para magkita sila. Naglakad siya patungo kung saan ang opisina ng CEO. Ang sabi kasi ng isa sa staff dito ay sa kanang bahagi makikita ang opisina ng CEO nila. Okupado nito lahat ang bahagi na iyon kung saan maaliwalas ang buong paligid. Makikita niya ng malinaw, kung saan naglalakihang mga gusali. "Ikaw ba si Miss Ramos?" Hindi niya namamalayan na nasa may malapit na lamesa pala siya, kung saan nandoon nakaupo ang sekretarya. Napapitlag siya dahil sa gulat. Bakit ba kasi sumulpot bigla ito sa harapan niya? Hindi niya namalayan na may tao na pala sa harapan niya. Abala kasi ang mga mata niya sa kakatingin sa labas. Nakikita niya ang mga gusali o 'di kaya ang mga sasakyan sa ibaba. Natawa ang babae sa reaksyon niya. "You are Zia Ramos, am I right? " "Yes, I am," nakangiting tugon niya sa kaharap. Tumayo ito sa pagkakaupo. May bitbit itong papel kung saan nakita niya ang kanyang resume. "Halika, naghihintay na ang Chief Executive Officer." Bigla na lang kumabog ang dibdib niya sa nabanggit nito. Napapikit siya. Diyos ko naman! Bakit ngayon pa siya nakaramdam ng kaba? "Are you okay? Do you feel nervous? " narinig niya ang pag-alala sa boses ng sekretarya. "Or you want water? " Ngumiti siya sa babae para malaman nitong okay lang siya. "Bigla kasing kumabog dibdib ko." She chuckled. "Normal lang iyan kapag nasa interview, Miss Ramos. Ganiyan din ako noon kapag nasa mismong interview talaga. Just be yourself. Huwag mong ipahalata na kinakabahan ka. Ipakita mong deserving ka bilang P. A ng boss namin. Kaya pumasok ka na kasi ayaw pa naman ni boss ang late. So, good luck for your interview," pampalakas loob nitong sabi na ikinangiti niya. Kahit paano ay nakaramdam siya ng ginhawa at nawala kaunti ang kaba niya. The secretary knocked three times before she open the door. "Sir, nandito na po si Miss Ramos." "Come in." Napakunot ang noo niya nang marinig niya ang pamilyar na baritonong boses ng lalaki. She tilted her head to the side. Saan nga ba niya narinig ang boses ng nasa loob? Parang narinig na nga niya ito, pero hindi lang niya maalala. Saan nga ba? Ipinilig niya muna ang kanyang ulo bago siya pumasok sa opisina ng CEO. Pagpasok pa lang niya ay ang malamig at mahalimuyak na amoy ang sumalubong sa kanya. Napapikit siya sa sobrang manly ng perfume ang naamoy niya. Hindi siya matapang na amoy kung 'di nakakaadik siyang amoy-amuyin na para bang sinasabing feel free to smell. Napabalik siya sa kanyang katinuan nang marinig niya ang pamilyar na baritonong boses. "You are, Miss Ramos." Napatingin siya sa harapan. Nakita niya ang lalaking nakatutok ang atensyon sa papeles na pinipermahan nito. "Yes, I am. I'm Zia Ramos, Mr. Cordova." Umangat ang ulo nito para tingnan siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita, kung sino ang lalaking nakaupo sa mismong swivel chair. "I-ikaw!" gulat niyang turo rito. Huwag mong sabihing ito ang CEO na kanyang pinag-aapplyan bilang P. A? "What are you doing here?" kunot-noong tanong nito sa kanya. Para bang hindi nito alam na isa siya sa nag- apply ng trabaho rito sa kompanyang ito. "Diba obvious na nandito ako para mag-apply bilang P.A? " Bigla siyang natauhan. "Ibig sabihin ikaw ang Chief Executive Officer sa kompanyang ito?" Huwag naman sana. Kung ganoon ang mangyayari, patay na talaga siya. This is the dead end for her. Sobrang malas talaga niya ngayong araw. "Yes. I am one, and only CEO here." Nagkibit-balikat ang kaharap na para bang hindi big deal rito. Siya, big deal na big deal sa kanya. Ang saklap naman ng buhay. Ang kaaway pa niya sa elevator ay ang CEO ng kompanya. Para siyang pinagbagsakan ng langit sa sobrang kamalasan niya. "So you're applying being my P.A, and why?" Biglang tinaasan siya nito ng kilay at maangas siyang tiningnan. Bakla ba ito? Kung makataas ng kilay akala mo babae. "Ay, syonga ka ba? Kaya nga nandito ako, diba? Duh!" pabalang sagot niya. Imbes na magalit ito sa pabalang niyang sagot ay bigla na lang itong tumawa na ikinakunot ng noo niya. May nakakatawa ba sa kanyang sinabi? Wala naman ah. May saltik ba ito? "You make me laugh, Ms. Ramos. I couldn't believe someone will do this to me. You are so brave, and I like your attitude. You're so feisty woman and I like that." Umangat ang gilid ng labi ng lalaki na ikinairita niya. Nabigla siya sa susunod na sinabi ni Mr. Cordova. "You are hired." Nanlalaki ang mga mata sa kanyang narinig. Hindi siya nagkakamali sa kanyang narinig diba? "Anong sabi mo? Pwedeng pakiulit?'' Gusto niyang marinig ulit dahil hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi nito na tanggap siya sa trabaho. Napakalaking imposible kasi. Nakaaway niya ito sa loob ng elevator tapos siya pa ang napili bilang P. A nito? Baliw ba ito? Paano kung isang araw mapapatay niya ito dahil sa sobrang buwisit niya sa lalaki? Sana naman huwag baka makulong pa siya ng wala sa oras. "You are hired, Miss Ramos. Ayaw mo ba? Pwede kong ibigay sa iba, kung ayaw mo." Napatukod ang siko nito sa lamesa. Titig na titig sa kanya ang CEO na para bang matutunaw siya. "Gusto!" He smiled mischievously that make her stomach crumble. Heto na naman ang ngiti nitong nakakatulo laway. Napabuntong-hininga siya at palihim na sinita ang kanyang sarili. Tumigil ka Zia! sita niya sa kanyang sariling maharot. "Kung ganoon..." he paused for a seconds, "Tomorrow, exactly 8 a.m, you may start being my personal assistant. May I remind you, I don't want late comers," masungit na sabi nito. "So, before 8 o'clock you must be here." "Ano? Pasok agad ako na hindi mo pa nga ako ini-interview." "Miss Ramos, it doesn't matter kung na interview kita o hindi. Hindi importante sa akin ang resume mo kung 'di ang personalidad mo at ugali ang nagustuhan ko sa'yo." Wala siyang masabi kung 'di tango na lang at tipid na ngiti kahit pilit lang. Tumayo ito at inilahad ang kamay nito sa harapan niya. Agad naman niyang tinanggap na walang labag sa loob. "Congratulation for being my Personal Assistant. Sana hindi ako nagkamali sa pagpili sa'yo." Napanting ang tainga niya sa narinig. Kinalma niya ang kanyang sarili baka ano pa ang masabi niya rito. "Huwag kang mag-alala, kahit ganito ang bibig ko alam ko kung saan ako lulugar. Kailangan ko ng umalis." Hindi na niya hinintay na makasagot ang bago niyang boss. Wala siyang pakialam kung sabihin siyang bastos ng lalaki. Hindi naman kagalang-galang na amo. Kung hindi keri ng bagong boss niya ang ganitong ugali ay 'di fired na agad. Alangan namang manatili siya sa among kumukulo ang dugo niya, diba? Pero sa ngayon, ay kailangan niyang magpakabait muna dahil kailangan niya ng perang panggastos araw-araw. Kaya ngayon, natanggap siya sa trabaho. Magpakabait muna siya o baka hindi. Tingnan lang natin. ------ WAYNE Napangangang naiwan si Wayne sa loob ng opisina ng walang pasabing umalis kaagad ang dalaga. Hindi man lang hinintay ang sasabihin niya. Natatawang napailing siya sa asta nito. Hindi niya inaakalang may makilala pa siyang babaeng katulad nito na palaban. Na kaya siyang supalpalin na wala sa oras. Now, he knew that his working life wouldn't be as boring as hell because of that woman. Naabutan siya ng kanyang sekretarya na natatawa. Nanlalaking napatitig ito sa kanya na para bang gulat na ekspresyon na pinapakita nito. Peke siyang napaubo at pasimpleng kinuha ang mga papeles. Nagpanggap na nagbabasa, pero ang totoo pala ay iba ang kanyang pinagkakaabalahan. Nang natauhan ito sa pag-ubo niya ay kaagad siyang pinapapaalahanan na naghihintay ang mga ito sa result kung sino ang gusto niyang personal assistant. He handed her a resume. He told her to give this to human resources. "Miss Ramos will be my personal assistant starting tomorrow. Ibigay ninyo kung ano ang kakailanganin niya―her attire, and everything. Just remind her that no one is allowed to wear a sexy dress. Got it?" Bigla siyang nakaramdam ng inis. Kapag maisip niyang may mga lalaking umaaligid rito at magpapakitang gilas. Para siyang sasabog sa inis. Napatiimbagang siya sa kanyang naisip at napasandal na lang sa kanyang swivel chair. He took a deep breath to calm himself from being nonsense. What was he thinking? Why was he feeling something weird? That against from his will? He shook his head and cursed his delusional mindset. He stood up and looked at his watch. He wants to do something—his mind occupied by ridiculous thoughts. Before he left, he reminded her secretary to change the schedule for his meeting tomorrow. He needs to take some fresh air to loosen up a bit. Pumunta siya sa palapag ng gusali para doon magpahangin at makapag-isip ng maayos. Maraming nangyayari ngayong araw na ito. Simula ng makasalamuha niya ang dalaga. Hindi nga siya makapaniwala na nagawa niyang matawa sa kahit isang reaksyon, galaw o sa pagsasalita nito sa kanya. Kung maiinis ang dalaga ay mas lalo lang niyang iniinis para makausap pa niya ito ng matagal. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nagkaganon. Hinahayaan lang niyang pabalang siyang sasagutin o hindi kaya sisigawan. This day was really weird for him. The first day they met, it feels like years for him. Sobrang gaan ng loob niyang makausap ito. Mas gusto pa nga niyang buong araw silang mag-uusap. Nakapamulsang nakatitig siya sa kawalan. Hindi ito tamang makaramdam ng ganitong pakiramdam. Lalong-lalo na may girlfriend na siya. Hindi tamang gumawa siya ng paraan para magselos ang nobya niya. Kilala pa naman niya ito, mag-eeskandalo. Napahugot siya ng hininga at napailing nalang sa kanyang iniisip. Mga ilang minutong nakatitig sa kawalan ay napagdesisyonan niyang bumaba na. **** Time check 10 p.m., it's time to have some fun until dawn. They were enjoying themselves together with his friends― drinking liquor or wine. It's normal for men too drunk and had some fun. Leaving their tiring and stressful life in the office. Masaya silang nag-iinuman. Walang pakialam kung kilala sila ng mga tao. Normal lang silang mamayan na nagliliwaliw, nagpapakasaya sa kanilang buhay para mawala ang bagot at bigyan ng pagkakataon ang sariling sumaya. He rested his head on the couch and closed his eyes to concentrate. He was listening to the loud music, banging on his eardrums. Nakadekwatrong nakaupo siya sa sofa. He was tapping his finger against his leg in rhythmic patterns. "Dude, are you sleeping? Hindi pa nga tayo nagsimula. Tulog kaagad? " rinig niyang sigaw ng kaibigan niyang si Ken. Iminulat niya ang kanyang mga mata, masamang tiningnan niya ito. Napaatras ito at itinaas ang kamay na para bang sumuko. "Woooh! Teka lang! Nagtanong lang naman, ganiyan kaagad ang reaksyon mo? May regla ka ba? " pang-aasar sa kanya na ikinasimangot niya. "Bakit naman ako nireregla, Papa? " Nawala ang ngiti nito at napangiwi. N andidiring lumayo ito sa kanya kaya napahalakhak siya sa reaksyon ng kaibigan. "Halika ka na, Papa. Gusto kitang lambingin para mawala ang pagod ko," boses bakla ang pagkakasabi niya. Nang marinig iyon ng mga kaibigan ay napahalakhak ang mga ito. "Come to me, Papa. I want to hug you." He pouted his lips that make his friends burst out laughing. "Tang-*na lumayo ka sa akin." Nandidiring lumipat ito sa kinauupuan na mas lalo siyang ginanahan sa pang-aasar nito. Hinila niya si Ken at pinaupo sa tabi niya. "Papa, what do you want to eat? You want me to feed you? " Ang kaninang nandidiring si Ken ay nakisakay na rin sa kanyang trip. "Yes, I want to, Darling. Feed your Papa; I'm starving to death." Alam niyang nakaagaw na sila ng atensyon dahil sa lakas ng tawanan sa mesa nila. Wala siyang pakialam kung lumabas man sa news ang pangalan niya. He doesn't care what people think about their gender. He was having fun with his friends.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD