CORDOVA'S FURNITURE COMPANY
Pagtungtong niya sa kompanya ng Cordova parang nalula siya sa sobrang laki ng gusali. Akala kasi niya ay simple at ordinaryo lang na kompanya pero nagkakamali siya.Mapapanganga siya sa sobrang ganda ng gusali, wala siyang masabi kung 'di wow. Sorry naman, ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang gusali. Tama nga naman ang mga kapitbahay nila na iba talaga kapag nandito sa city. Magkaiba ang pamumuhay rito kaysa sa probinsiya. Pagtingin pa lang niya sa kagamitan, nalula na siya sa magandang disenyo ng muwebles, sahig, dingding at statue. Alam niyang mamahalin ang mga kagamitan dito dahil sa bawat detalye ng pagkakagawa, wala siyang masabi. Napapahanga siya sa sobrang ganda. Bilib talaga siya sa mga architect, engineer at interior designer.
Naglakad siya patungong front desk, kung saan may dalawang babae at isang lalaki sa harapan na abala sa pakikipag-usap sa telepono.
"Good Morning," bati niya sa mga ito na agad namang tumingin sa kanya.
Ang mga nasa front desk ay agad siyang sinuklian ng ngiti. Tinakpan muna ng isang kamay ang telepono.
"Good Morning to you, " nakangiting pabalik na bati ng babae sa kanya
"Wait for a while, okay? "
Tumango siya rito at naghintay ng ilang minuto bago siya nito bigyan ng atensyon.
"Yes, sir. Okay… Bye, sir. Have a good day," paalam nito sa kabilang linya.
Nang ibinaba na nito ang telepono ay maaliwalas siyang nginitian na nagpangiti rin sa kanya. Nakakahawa ang ngiti ng kaharap. Para bang ang gaan nitong kausap.
"Yes, how may I help you, miss?"
"Mag-a-apply sana ako bilang P. A ni Mr. Cordova."
Napatango-tango ito. "Do you have your complete documents para sa interview mo ngayon? "
Ngumiti siya rito at tumango. "Yes po."
"Mabuti naman kung ganoon. Nasa may left side sa 2nd floor, may malaking hall doon. Marami ng mga tao doon na nag-a-apply. I hope ikaw ang makukuha."
"Thank you, and you are? " Inilahad niya ang kamay sa harapan nito na agad namang tinanggap ng babae.
"Jeeann."
"I'm Zia Ramos by the way. Nice talking to you. Sige mauna na ako. Sana nga…ako ang makuha bilang Personal Assistant."
"Good luck for your job interview. "
Nang sinabi nito iyon ay nakaramdam siya ng sigla at nakadagdag ng kompiyansa sa sarili.
Nagpaalam na siya rito upang aalis na at tutungo sa 2nd floor na sinasabi ni Jeeann.
Tumigil muna siya sandali para manalangin na pagpalain sana siya ng Diyos. Sana makapasok siya bilang Personal Assistant ng big boss ng Cordova's Furniture Company. Bigyan din siya ng lakas ng loob at hindi magkamali sa interview. Baka tamaan na naman siya ng katimangan doon patay na talaga. May pagkaingot pa naman siya minsan.
"Sana pagpalain ako na makapasok rito sa kompanya na ito, Lord," panalangin niya sabay sign of a cross siya bago siya nagdesisyon na tumuloy na sa job interview.
"Kaya ko ito…kaya ko talaga ito!" She took a deep breath, and relax herself para kahit paano mawala ang kaba niya.
Nang makita ang pagbukas ng elevator ay agad siyang pumasok na wala man lang tingin-tingin kung may tao ba sa loob o wala. Okupado talaga ang isipan niya sa pagpakalma sa sarili.
" Sana makuha ako," paulit-paulit na sambit niya para kumalma siya.
Wala siyang kaalam-alam na habang nagsasalita siya ay may naweweirduhang nakatitig sa kanya na lalaki. Hindi niya namamalayan na habang gumawa siya ng kaingutan ay pinagmasdan na pala siya at palihim na natawa.
"Stop. You look stupid."
Nang marinig niya ang baritonong boses ng lalaki ay napatigil siya at nanlalaki ang mga matang napatitig sa harapan. Kung saan makikita niya sa salamin ng elevator na may lalaki sa likod niya. Napangiwing napatingin siya sa kanyang likuran. Salubong ang kilay nitong nakatitig sa kanya. Naweweirduhang nakatingin ito na para bang tinubuan siya ng kung ano sa ulo.
"Aren't you aware that there was someone here inside the elevator looking at you like a weirdo? Talking by yourself? Talking like a psycho? "
Napanganga siya sa kagaspangan ng ugali nito. Hindi siya makapaniwala na makakaharap niya ang taong ganito ang ugali. Anong karapatan nitong tawagin siyang tanga at weirdong tao? Mas lalo lang siyang nainis sa kaharap.
"Wow grabe! Kung magkapagsalita ka diyan parang ang talino-talino mo!" nanggagalaiting sigaw niya rito.
Kung magkapagsalita parang ito na ang matalino. Nahiya naman siya sa desente nitong damit. Desenteng-desente, pero ang ugali naman nito puno ng kagaspangan. Nahiya naman siya rito.
Ang sarap hambalusin ng hinayupak na ito na ubod ng sama ang ugali. Kung makangisi ay para bang inaasar pa siya lalo.
"Yes, I am smart," pagmamayabang nito na ikinausok lalo ng ilong niya.
Sobra talagang yabang kulang na lang liliparin siya sa sobrang kahanginan. Bakit ba kasi may pinanganak pa na ganito ang ugali?
Napaubo siya at umarteng nasusuka sa pinagsasabi nito.
"Sinong nagsabi? Ikaw?! " Napaismid siya rito. "Nahiya naman ako sa'yo sa katalinuhan mo."
"Yes, I am." He chuckled and grinned at her. " All the people around me, they always recognized me as a smart, handsome, appealing man, and all the girls are drooling around me."
"Ay! Di wow! Grabe ang hangin talaga oh…ang taas ng level. Kulang na lang lilipad na ako dahil sa kahanginan mo," pang -aalaska niya rito at umaarteng parang lilipad sa hangin.
Buwisit na lalaking ito. Gwapo na sana ang yabang naman.
"Bakit mo siya pinupuri buwisit? Oo na gwapo na siya. Hambog naman," nandidiring bulong niya.
"I know that I am handsome. Huwag mo ng ipangalandakan."
"Ano?!"
Ang sarap hambalusin ng lalaking ito nakakabuwisit. May pangisi-ngisi pa itong nalalaman sa harapan niya.
He hissed at her. "Are you deaf or nagbingingihan ka lang? I said, thank you for appreciating my overload s*x appeal."
Bagay na bagay rito kapag ngingiti o 'di kaya ngingisi ang binata lalong gumagwapo. Grabe may tao bang kasing gwapo nito parang makasalanan ang kagwapohan.
"Miss , hindi mo ba pupunasan ang bibig mo? Sobra na ba ang paghanga mo sa akin kaya tumulo ang laway mo? Pakitikom naman. Nakakadiri."
Nanlalaki ang kanyang mga mata nang marinig niya iyon. Napangiwi siyang pinunasan ang gilid ng labi niya.
What the heck! Nakakahiya ka, Zia! Timang ka talaga. Tumulo talaga ang laway niya. Dito pa sa lalaking ito na ubod ng kayabangan sa lahat ng mayabang. Bakit pa sa harapan pa nito? Mas lalo siyang napahiya sa kaingutan niya. Gusto niyang kutusan ang sarili. Ito na naman siya nagsimula na naman ang katimangan niya.
" Oh lupa! Kain mo na ako. Waah! Ayoko na nakakahiya, " bulong niya.
Alam niyang pulang-pula na siya dahil sa kahihiyan. Nakakahiya ka, Zia. Nakakahiya ka talaga. Eat me alive right now. Wala na talaga, wala na talaga siyang mukhang ihaharap rito.
He chuckled. "You are so funny, and cute."
Funny and cute? Ibig sabihin clown siya sa paningin nito? Ang sarap murahin nito.
Hindi na niya ito nilingon bagkus ay nasa harapan ang titig niya, pero wala pa ring kwenta. Kasi kitang-kita niya ang kanyang sarili at pati sa likuran niya na lalaki ay tawang-tawa pa rin. Inaasar ba siya nito? Hindi niya ipagkakaila na iyong tawa nito ay nakakahalina ang sarap sa pandinig. Nakita niya mismo sa mga mata nito ang amusement ng dahil sa kanya.
"Are you falling in love with me, miss?"
Sasagutin niya sana ang tanong nito nang biglang tumunog ang elevator at bumukas iyon. Agad siyang lumabas sa elevator bago siya umalis ay bulyaw ang pagsagot niya rito dahil sobrang inis niya sa binata.
She gave him a middle finger before she left.
Imbes na magalit sa pagsigaw niya ay mas lalo lang itong napahalakhak. Iyan na naman , nakakahalina ang pagtawa nito.
"Heh! Tumigil ka, Zia! Umayos ka! Ang harot-harot mo! Tumigil ka kumikiring-king ka na naman," pagalit niyang sita sa sarili. Hindi pa nga siya tapos sa kahihiyan, ito na naman siya humaharot na naman.
"Ay bwisit! Nakalimutan kong may interview pala ako ngayon. Bwisit kasing lalaking iyon nakakasira ng araw."
Nagmamadali siyang hinanap kung saan ang sinasabi sa kanya ni Jeeann. Lumiko siya sa kaliwang parte ng gusali. Inilibot niya ang paningin para makita kung saan ang hall nila rito. Nakita niyang may nakatayong babae sa labas at may dalawang lalaki sa gilid ng pintuan na para bang bodyguard.
Paglapit niya rito ay agad siyang tinanong. "Miss, mag-a-apply ka ba bilang Personal Assistant?"
"Opo."
"Where's your resume or documents? "
Inilahad niya sa kamay nito na agad naman nitong kinuha sa kanya. Tiningnan muna nito ang folder bago sila pumunta sa isang sulok na may mesa at upuan. Marami ng mga tao rito sa hall na para bang nasa palengke sa sobrang dami.
"Okay, Miss. May we start now?" biglang tanong ng babae sa kanya.
"Yes," tipid niyang sagot sa kaharap.
"You are Zia Ramos, right?"
"Yes, I am, Zia," nakangiting tugon niya rito.
"Okay, do you have any experience being a personal assistant before?" she directly asked her.
"No, actually this is the first time. I don't have any experience being a P.A, but as for me, hindi kailangan na may experience ka bilang P.A ng isang tao dahil tayo din dadaan sa unang proseso o sa simula. Paunti-unti, malalaman mo na lang na makakaya mo kahit sa una ay mahirap, pero kapag masanay ka na…matutunan mo na ang mga gawain bilang P. A at mahalin mo ang trabaho," may kompiyansa sa sariling sagot niya sa kaharap.
Nakangiting tumango ito sa kanya.
"Tatawagin namin kung sino ang papasa bilang Personal Assistant ng CEO ng kompanyang ito. Siya mismo ang pipili kung sino ang gusto niyang makatrabaho. Ilang ulit ko nang paalala na huwag magsuot ng maiksing damit dahil ayaw ng boss namin. Dapat desenteng tingnan. Hindi iyong nagtatrabaho sa bar kung manamit ay kulang na lang maghubad." Tinuro nito kung saan kaunti lang na nakaupo sa kanan na side kung saan may nakalagay na Trial 2. "Isa ka sa kanila na papasok sa trial 2. Sa pangatlo ay ang big boss na dito ang mag-interview sa inyo."
"Salamat po."
Maya't-maya biglang tinawag ang kanyang pangalan at pinapunta sa opisina ni Mr. Cordova. Sana mabait ang CEO rito. Hindi pa kasi niya nakilala kung sino ito. Tumayo na siya at pumunta sa elevator sinabihan na kasi siya na nasa 16th floor pa ito. Grabe naman, 16th floor pa talaga. Hindi niya ini-expect na gaano kalaki itong kompanya. Pumasok na siya sa elevator at naghintay na tumunog ito. Ilang minuto ay nakarating na siya sa paroroonan niya.
Pagbukas ng elevator biglang tumambad sa kanya ang dalawang babae. Kulang na lang lalabas na ang dibdib dahil kulang sa tela. Wala ba silang pabili no'n at parang mga teenager kung kinilig? Maayos naman ang kanilang suot na long sleeves. Ang problema lang tinanggal pa talaga ang butones ng tatlong beses para lumuwa ang cleavage nila. Napailing siya. Hay naku talaga.
"Grabe ang gwapo niya talaga."
Bulong na nga rinig pa niya ang sinabi nito. Natawa siya at napailing sa pinaggagawa ng mga ito.
"Miss, ito pera para naman sa susunod hindi masyado maikli ang tela na susuutin ninyo mahiya naman kayo."
Kahit kaunti na lang na pera ang naiwan sa kanya ay binigay pa rin niya sa mga ito. Nahiya naman siya sa ganoong klaseng pananamit. Hindi naman siya judgmental na tao. Wala naman siyang pakialam, kung ano ang sinusuot ng ibang tao o kung ano sila, pero siya talaga nahihiya sa pinaggagawa ng mga ito. Kapwa niya babae ay hindi talaga marunong rumespeto sa sarili. Ano ba ang pinupuntahan ng mga ito…club ba or interview?
Lumabas na siya kasi naaalibadbaran na talaga siya sa nakikita. Hindi man lang nahiya. Maganda sana ang damit kaya lang ang ikli-ikli naman. Sana panty at bra na lang sila pumunta dito.
When Wayne stepped into his company the employees greeted him. He gives them a smile or nods at them. He's not good at greetings.
"Good Morning, Sir Cordova!"
"Good morning, Mr. Cordova!"
As he continued to walk, someone caught his attention as he entered the elevator. He was taken aback when he saw Venus descend to Earth. The woman appeared to be very attractive, with a sexy figure. With her body-hugging shirt and black skinny jeans, she looked classy, lovely, and sexy. Papasok ito sa elevator kung saan nandoon siya. Isa ba ito sa i-interview-hin niya? Interesting for sure.
As he gazed at the stunning woman in front of him, he couldn't help but smile. When she is facing him, he can see her completely. Malaya niya itong napagmasdan ang babae. He looked at her heart-shaped face, thick but well-shaped brows, brown eyes rimmed with heavy lashes, cute and pointed noises, and full luscious lips!
Napabalik siya sa katinuan sa pagnanasa sa babae nang biglang nagsalita ito.
"Kaya ko ito…kaya ko ito!"
Sa tingin niya, kinakabahan ito.She had no idea he was enjoying watching her gestures.
Hindi ba nito alam na may taong nakatingin rito? Palihim siyang natawa sa pinaggagawa ng dalaga. He couldn't take his eyes off this beautiful woman who was acting strangely.
"Stop. You look stupid."
When he saw her stunned expression, he laughed. She's really funny, she's gorgeous, and he wants to know something about her. He wants to irritate this beautiful woman para makausap niya ito ng matagalan. Maybe she didn't expect him to call her stupid, or maybe she didn't realize someone was listening to her chant.
"Wow grabe ! Kung magkapagsalita ka diyan parang ang talino-talino mo!"
Napangiwi siya sa sobrang lakas ng sigaw ng dalaga. Pwede namang hindi na sisigaw parang ayaw talaga nito sa kanya. Kahit ganoon ay mas lalo niyang napagmasdan ang namumulang pisngi nito. Hindi niya alam kung bakit mas natatawa pa siyang sinisigawan nito. Sa lahat ng ayaw niya ay sinisigawan siya, pero itong nasa harapan niya ay wala siyang nakaramdam na inis kahit kaunti.
Wooohh! What an interesting woman! He thought.
"Yes, I am smart."
"Sinong nagsabi? Ikaw?! " she raised her left eyebrow and hissed at him.
"Nahiya naman ako sa'yo sa katalinuhan mo."
He bit his lips to stop from chuckling, after a few minutes to calm himself.
"Yes, I am," he said, looking her in the eyes and grinning as he noticed her surprise. "Everyone around me has always recognized me as a smart, handsome, and appealing man, and all the girls are drooling around me," he says.
"Wow! Grabe ang hangin talaga. Ang taas ng level kulang na lang lilipad na ako dahil sa kahanginan mo."
"I know, I am handsome. Huwag mo ng ipangalandakan."
"Ano?!"
He hissed at her. "Are you deaf or nagbingingihan ka lang? I said, thank you for appreciating my overload s*x appeal."
He gasped when he saw her saliva falling from her mouth.
"Miss, hindi mo ba pupunasan ang bibig mo? Sobra na ba ang paghanga mo sa akin kaya tumulo ang laway mo? Pakitikom naman. Nakakadiri ka." Napangisi siya nang makitang namumula ang pisngi nito at mas lalo lang niyang inaasar ang dalaga. "Are you falling in love with me, miss?"
Agad itong lumabas ng elevator bago pa ito mawala sa paningin niya. He saw her give him a middle finger that make him burst out laughing.
She's really something that makes him so curious about her.