Padabog na tumayo si Zia mula sa pagkakaupo sa damuhan at nanggagalaiting hinampas ang hawak niyang bag kay Wayne. Imbes na masaktan ito ay tumawa lang ang damuho na mas lalong ikinairita niya. "Why are you laughing at me?" she asked but he only shook his head. "No, why would I do that?" Ngumiti ito sa kaniya pero kitang-kita niya na pinipigilan nitong hindi matawa. Nangingilid ang mga luha niya habang nakatingin dito. Naghintay pa naman siya rito sa sementeryo para ipakilala sa mga magulang nito pero inaksaya lang pala niya ang oras para lang sa wala. Nasasabik pa naman siyang ipakilala siya ng binata sa mga magulang nito kahit nasa kabilang buhay na dahil sa sakit sa puso. Ngunit ang damuho ay tinawanan lang siya. Napatigil ito sa pagtawa nang napansin nitong may tumulong luha sa kan

