Papasok pa lang silang magkakaibigan sa kompanya ng kaibigang si Wayne ay marami na agad na mga babae ang nahumaling sa kakisigan at kaguwapuhan ng apat na lalaki. Samantalang may inggit naman sa mga mata ang mga kalalakihang naroon habang nakatingin sa kanila. Hindi naman nila iyon pinansin dahil sanay naman silang pinupuri at tinitingnan nang ganoon. Hindi naman nila kasalanan kung ganoon sila kagwapo. Minsan nga ay nagsasawa na silang magkakaibigan sa mga naghahabol sa kanila, maliban na lamang kay Ken. Mas gusto kasi nito na maraming humahabol na babae. Sabi pa nito'y ayaw raw nito tanggihan ang grasya. Napakunot ang mga noo nina Zeo, Craig, Ken at Ramm sa nadatnan nila sa loob ng opisina ni Wayne. Nagtatakang nagkatinginan ang apat. Walang sabi-sabing umupo sila sa sofa at tinitig

