CHAPTER 29

1150 Words

Napaluhod si Zia sa harapan ni Lana at hinawakan ang parteng tuhod niya na binaril nito. Palinga-linga siya sa paligid, naghahanap ng bagay na makakatulong sa kaniya. Napansin niyang may natapakan itong isang baging. "Anong—" Agad niyang hinila ang baging at pumulupot ito sa paanan nito kaya tumalsik ang baril nito. Isa pang muling paghila ay natangay na ito pabagsak sa lupa. Sinalubong niya ito ng suntok at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabawi ng balanse. Napadaing siya sa sakit. "Talagang makapal ang pagmumukha mo!" Ilang sabunot at sampal ang natanggap ni Lana sa kaniya. Ngunit imbes na umaray sa mga ginawa niya ay mas lalo pa nitong nilakasan ang tawa na tila ba nang-aasar pa. "Anong nakakatawa!" galit niyang tanong. Kahit masakit ang tama niya sa parteng tuhod ay pinilit pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD