Nanlaki ang mga mata ni Zia habang nakatingin sa kinaroroonan ni Wayne na masayang nakikipag-usap sa mga magulang niya. Nilukob ng takot ang buong sistema niya nang makitang may nakatayong tao na malapit sa kinaroroonan ng mga ito. It was Lana. Nakakatutok ang baril nito kay Wayne. Hindi puwedeng mawala sa kaniya ang taong mahal niya. Kahit masakit ang tama niya sa tuhod na ginamot ng nurse kanina ay pinilit pa rin niyang makatayo. Hindi niya ininda ang kirot niyon. Inilang hakbang niya lang ang kinaroroonan ng binata at buong pagpapasyang iniharang niya ang katawan niya sa katawan nito. Niyakap niya ang binata mula sa likod. Nakarinig siya ng putok ng baril at sunod niyon ay naramdaman niya ang pagsigid ng hindi maipaliwanag na sakit sa likod niya. "Zia!" Unti-unting bumigay ang kataw

