Naluluhang napatingin si Zia sa kawalan. Hindi niya akalain na magagawa sa kanya ni Wayne iyon. Ang saktan siya at lokohin. Ginawa lang siyang parausan ng binata. Kaya pala, palagi na lang sinasabi sa kanya ni Wayne na malapit na siyang ipakilala. Iyon na pala'y may totoong girlfriend na pala itong pinakilala sa mga magulang. Pumara siya ng taxi, sobrang bigat sa pakiramdam na gusto niyang sumigaw ng malakas dahil sa sobrang sakit. Sobrang sakit na gusto niyang isigaw lahat ng hinanakit niya. Nang makapara na siya ng taxi ay agad siyang sumakay. "Saan po, ma'am?" Pinipigilan niyang hindi maluha sa harapan ng driver. Pigil na pigil ang luha niyang nagbabadya ng tumulo. "Sa Menendez apartment po, Manong," malumbay niyang sagot sa taxi driver. Umiwas na siya ng tingin rito at tumingin

