CHAPTER 26 Bumaba si Zia sa hagdan bitbit ang bagahe niya na naglalaman ng iilang damit. "Tara na, Nay," tawag niya sa atensyon nito. Napatingala ito at lumapit ito sa kaniya para kunin ang bagahe niyang dala. Lumabas na sila kaagad ng bahay, nauna ang kaniyang ina patungong van. Kumunot ang noo niya at nagtatakang tiningnan ang sasakyan. Hindi niya talaga maalala na bumili ang pamilya niya ng sasakyan. "Nay, kaninong van 'yan?" Tinuro niya ang sasakyan na van. "Binili namin ng tatay mo, Zia." "Okay," sabi na lang niya at hindi na nang-usisa pa. Pumasok na sila sa van at pinaandar na ang sasakyan nila. "Excited na talaga akong makita sina Tatay," nakangiting sabi niya. "Sila rin, Zia. Excited na rin silang makita ka." Sumandig siya sa upuan at pumikit. Narinig pa niyang nagkukwen

