"Tama si Greg ,Wayne. Baka si Lana nga talaga ang may pakana. Alam naman nating lahat na obsessed na obsessed iyon sa 'yo," natatawang sabi ni Ken kaya sinamaan ito ng tingin ni Wayne. May gana pa talagang magbiro ang loko. Nagmamadaling tumakbo ito papunta kay Ramm at nagtago sa likuran nito. Napailing na lang si Zia sa kakulitan ng mga ito. "Walang nakakatawa, Ken," sarkastikong sabi ni Wayne. Ngumisi lang ito habang paikot-ikot sa swivel chair na inuupuan na nito ngayon. "Puwede ring babae ang puno't-dulo nito," suhestiyon ni Greg. Hindi mapigilan ni Zia ang humanga sa lalaking palaging may punto ang mga sinasabi. Ganito pala talaga ang mga secret agent—mga matatalino. "Hindi niya iyan magagawa sa akin," tanggi ni Wayne. "How sure you are na hindi siya, Wayne? Hindi ba, sabi nga n

