CHAPTER 23 "Mga tonta! Hindi ba sinabi ko na sa inyo na barilin ninyo ang babaeng iyon!" sigaw niya sa mga alipores niya na nakapalibot sa loob ng bodega sa kanilang kinaroroonan. Palakad-lakad siya na parang baliw. Hindi niya na alam kung anong gagawin habang ginugulo ang kaniyang buhok. "Boss, binaril naman namin kaya lang—" naputol ang sasabihin ng isa sa mga tauhan niya at nailang na makipagtitigan sa kaniya. "Kaya lang ano!" Dumagundong ang boses niya dahil sa lakas ng kaniyang pagsigaw. "Yumuko po siya kaya hindi po namin nabaril," mahinang sagot ng kaniyang kausap. "Yumuko? Mga tonta! Wala na ba kayong ibang ginawang paraan!" "Boss—" "Aangal ka pa! Maraming paraan para mabaril siya!" "Boss, maraming tao roon sa mall kung kaya't—" Napasabunot siya sa kaniyang buhok dahil sa

