"Teka lang!" sigaw ni Zia nang marinig ang tunog ng doorbell. Naglakad siya patungong pintuan. "Ang aga-aga pa kaya e. Sino kaya ang pumunta rito?" tanong niya sa kaniyang sarili . Binuksan niya kaagad ang gate nang makita niya na si Wayne ito. Napansin niyang kumunot ang noo nito kaya nagtaka siya. Magkasalubong pa ang kilay nitong nakatitig sa kaniya. "Oh, bakit ganiyan ka makatingin?" takang tanong niya. Kitang-kita niya ang pagdilim ng mukha nito habang papalapit ito sa kinaroroonan niya. "What the hell are you wearing, Zia!" Napatakip siya kaagad ng kaniyang tainga nang sumigaw ito. "Ano ba, Wayne! Kung makasigaw ka ay parang wala ako sa harapan mo!" nakatingalang sigaw niya pabalik. Ang taas din kasi ng unggoy na ito. Mas lalong dumilim ang anyo nito at napatiim-bagang dahil sa

