chapter 19

1290 Words
Lumabas si Antonette ng bahay nina Hel, hindi niya alam kung paano siya nakapag-paalam dito, nakalimutan niya kahit kanina lamang iyon. Basta na lamang ba siyang tumayo , tumalikod. The moment that she heard those words from Hel, she felt that a part of her is breaking... bakit ganito kasakit? Bakit pakiramdam niya hindi siya makahinga? She used to have everything, ngayon maging si Hel ay nawala na dahil sa kanyang pansariling interes. "Antonette let's go, wala ang parents ko sa bahay!" a 10 years old Venee climb to her bed. It's Saturday, palagi silang magkasama kapag weekend. Mukha na nga daw silang kambal dahil hindi sila mapaghiwalay, kahit sa loob ng school. Parehas sila ng section, their classmate envy their closeness. "Mag siswim ba tayo?" "Yup!" excited na sabi nito. Tumakbo siya agad sa kanyang closet para kumuha ng kaniyang swimwear. It will be fun again. "Wait, papaalam ako kina mommy at daddy." Lumabas ang batang Antonette para pumunta sa kwarto ng kanyang mga magulang. Ang kanyang daddy ay nakaupo sa kama habang may hawak na libro, ang mommy niya naman ay nasa harapan ng vanity mirror nito. "Mommy, pupunta ako kina Venee, mag pool party kami!" excited na balita niya, kahit dalawa lang naman sila ng kaibigan , kasama naman din nila ang mga kasambahay nito kaya maituturing pa rin na pool party iyon para sa kanilang dalawa. Nagtinginan ang kanyang mga magulang. Humarap ang kanyang mommy sa kanya, pinalapit pa siya nito para maupo sa tabi ng kanyang daddy. "Antonette," her mother's caressing her hair. She likes it that she has loving parents. "From now on, dapat marunong ka ng mamili ng friends." "Po? " hindi niya maintindihan... pero kung titignan si Venee lang naman kasi ang kaibigan niya. Most of her classmates don't like Venee because she's naughty but she's really nice and kind to her. Pinagtatanggol din siya ni Venee, matapang ito at hindi nagpapatalo kahit mas matanda pa ang nang-aaway sa kanila. She wants to be like her, ayaw niya ng umiiyak na lamang lagi sa sulok kapag inaaway. Gusto niya rin na nagtatanggol. "You see, try to be friend other kids, hindi lamang si Venee." Patuloy ng kanyang mommy. " Napansin kasi ni mommy na bumababa ang grades mo dahil lagi ka niyang niyayaya." "Honey, may pinagdadaanan ang bata, her parents are separating, kaya ganoon." Napalingon siya sa sinabi ng kanyang daddy, maghihiwalay ba ang magulang ni Venee? Hindi niya alam. "Exactly my point... kaya hindi na dapat nakikpag kaibigan ang anak mo sa kanya. Ayokong maapektuhan din ang anak natin dahil may pinagdadaanan ang batang iyon. Listen Antonette, gusto lamang ni mommy makipag friends ka sa mga good kids, huwag sa mga bad influence, from what I see, hindi ganoon si Venee... do not forget na sinasama ka niya sa mga kalokohan niya. Unang beses kong napatawag ng school dahil sa reklamo sa inyo. Nakakahiya. I don't want that to happen again. Do you understand." Nakahawak ang kanyang mommy sa kanyang pisngi. So this means, hindi siya makakasama kay Venee sa bahay nito, sayang. "Sige po." Bigo siyang bumalik sa kanyang kwarto. Nakita niya si Venee, hawak nito ang teddy bear na niregalo nito sa kanya. "Venee, hindi ako pinayagan nina mommy. Sorry, hindi na ako sasama." "Ok."sagot nito sa kanya, dala nito ang teddy bear saka tinapon sa labas ng kanyang terrace, nagulat siya sa ginawa nito. "Bakit mo tinapon yung gift mo sa akin?" inis na sabi niya dito... iningatan niya pa naman iyon, sinilip niya ito, nahulog sa basing lupa sa baba, madumi na. "Hindi mo na iyon kailangan." "Tama sina mommy, bad ka talaga." Inis na sigaw niya dito, hindi sila nag-aaway dati pero nagagalit talaga siya. Padabog itong lumabas sa kanyang kwarto. Hindi niya na ito bati, hindi niya ito kakausain hangga't hindi ito mauunang mag-sorry sa kanya. At ang sorry na hinihintay niya.... Inabot na ng ilang taon pero hindi niya pa rin nakukuha. ... She woked up with a throbbing headache, sabayan pa ng sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. She groan, unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. She's not in her room. "You're awake." Nakangiting mukha ni Roose ang nagpalingon sa kanya sa gilid. Nakaupo ito sa sa pangdalawang mesa, may nakahandang pagkain sa mesa. Nakasuot ito ng putting long sleeve at putting pang ibaba. He looks like a ghost in the morning. Pasimple niyang tinignan ang kanyang sarili. Nakahinga siya ng maliwanag ng marealize na suot niya pa rin ang damit kagabi. Roose maybe weired and crazy but she slightly trusts him that he can't do that to him. "Trust me, I was tempted last night." Nakangising sabi nito , malamang nabasa ang kanyang nasa isip. Kinuha niya ang unan sa gilid at binato dito. Nasalo naman nito iyon dahilan para lalo itong matawa. "Come and get up, or you want me to massage your head?" inirapan niya na lamang ito. Tumayo siya para tumungo sa banyo, napansin niya ang paper bag sa ibaba ng kama. "I brought you clothes so that you can change." Kinuha niya na iyon. She said a short thanks to him. Bahala na kung narinig nito o hindi. Pagkapasok sa banyo ay inusisa niya ang binili nito. Sleeveless dress na above the knee, plus a pair of underwear. "Damn him." Mura niya nga mareliaze na tamang tama ang nabili nito sa sukat niya. "Sikreto niya bang tinitignan ang mga undies ko?" she can't help but to ask herself yet she felt hot inside the toilet upon the realization. Nakailang ulit siyang mura sa tapat ng shower room. How can she face him this time? Inabot siya ng isang oras sa loob ng banyo. Paglabas niya ay siya namang paglingon nito. "Akala ko na flush ka na." he tried to joke, hindi naman nakakatawa. "Sit down, kanina pa ako gutom." Sinunod niya na lamang ang gusto nito. Masakit pa ba ang ulo mo?" napaigtad siya dahil hinipo nito ang kanyang noo. "Stop it. Huwag ka ngang basta nanghahawak!" inis na sabi niya dito. "Ito naman, para concern lamang ako. " inumpisahan niya ng kumain. American breakfast. "Hindi ka nakakatuwa." "Bagay na bagay pala sa'yo yang damit... parang ako lang, bagay na bagay din sa'yo." He started again, kalian ba ito balak tumigil. "Don't start, it's not even funny." Tinaas niya ang kanyang tinidor,kunwari'y tutusukin niya ito, pero pwede niya rin totohanin iyon lalo na at hindi pa ito tumigil. "I'm not saying those to make you laugh... I want you to fall instead." Biniba niya ang mga kubyertos at akmang tatayo, kaya lamang ay pinigil ni Roose ang kanyang kamay. "Okay, I'll behave, basta ubusin mo na ang pagkain mo." Hindi niya alam kung ano nag mayroon si Roose at napapasunod siya. Kumakain na rin ito pero kapansin-pansin ang pagtitig nito sa kanya. He behaved like he promise. Matapos kumain ay nag check-out na sila, sumakay silang muli sa motorcycle na dala nito. "Tsk. Dapat pala hindi dress ang binili ko sa'yo." Bulong nito sa sarili. Pa-side na lamang siyang naupo habang nakakapit sa beywang nito. Uuwi na nga pala sila. Pagdating nila sa bahay ay sinalubong agad sila ng balisang mommy ni Roose, agad itong lumapit sa anak matapos siyang tapunan ng tingin. "Saan ba kayo galing? Galit na galit ang daddy mo kanina pa!" niyuyug-yog nito si Roose na bumaling sa kanya. "It will still happen mom, magagalit at magagalit pa rin siya sa akin, pero hindi hadlang ang galit ni tito." Pagkasabi noon sa mommy nito ay lumingon si Roose sa kanya, ngumiti ito causing her heart to flutter...yes her heart. At hindi siya tanga para hindi mapangalanan kung ano itong bagay na bumabagabag sa kanya. "I'll face every anger for you." ....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD