"Where are you going?" nagulat si Venee nang may magsalita sa kanyang likod. Nakaupo si Roose sa gilid, nakasuot ito ng black leather jacket with white shirt underneath, naka –black pants din ito kaya hindi niya napansin. She's wearing black pants partnered with brown boots and a white fitted blouse.
"It's not your business." Sagot niya saka nagpatuloy sa paglalakad. She planned to get out to stay away from him yet she got caught in the end. Kapag minamalas talaga minsan, nagtutuloy tuloy. Hindi niya na kailangan pang lumingon para malaman pa na sinusundan siya nito, bawat tatlong hakbang niya yata ay tatlo ang katumbas dito.
"Wait Venee," hawak nito sa kanyang braso, dahilan para matigil siya sa paglalakad, pero kahit gaano niya iwasiwas ang braso ay ayaw siyang bitawan nito.
"Let me go."
"Sorry about earlier Venee." Tumigil siya sa pagpupumiglas... naging maluwag naman ang paghawak nito sa kanya... ilang sandali lamang ay pinakawalan na siya nito, pero mukhang hindi pa ito tapos magsalita. " Sorry pero...mahirap talagang labanan ang pagseselos ng sobra, dapat kasi ako lamang ang kasama mo, hindi ko lamang matanggap na ganito ka sa akin pero kayang kaya mo namang sumama sa iba."
Binalingan niya ito ng tingin.
"Wala kang pakealam kung paano ako makitungo sa iba and sinabi ko ba na magselos ka?" hindi niya alam kung ano ang nakakatawa doon, pero para lamang tanga na nakangiti si Roose sa kanya. Stupid question, she curses to herself.
"Venee, you can't order someone not to get jealous when they feel like it. Mahirap kontrolin ang selos, alam ko, matagal ko ng alam... kahit sa pictures lamang kita nakikita kasama ang mga amerikano mong kaklase at kaibigan, I can't help but to feel jealous everytime...mga bata pa lamang tayo nagseselos na ako kapag nasa iba ang atensyon m, hanggang ngayon, mula nang makilala kita...wala na akong naramdaman kung hindi ang magselos araw –araw."
Hindi niya kayang tumingin nang matagal sa mata ni Roose, kaya naman umiwas siya at pinakawalan ang hangin na kanina niya pa pala pinipigil...
"Ewan ko sa'yo." She walks past him... wala rin naman siyang magagawa, sa halip na bumalik sa loob ay hinayaan niya na lamang si Roose na sumunod sa kanya, kahit ito naman talaga ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto niya ngang umalis ng bahay.
"Wait here, may kukunin lamang ako." Sabi nito, hindi niya alam kung bakit sinunod niya ang ibig nitong mangyari. She waited; ilang sandali pa ay lumabas ito ng gate dala ang itim na motorsiklo...bukod sa itim na helmet ay may dala pa itong pink na helmet. Siguro ay sinasakay nito lagi si Antonette kaya handa, ito na rin ang siyang nagsuot sa kanya.
"Don't space out too much... it just makes me want to kiss you." Itinaas niya ang kanyang kamao dito, senyales ng kagustuhan niyang suntukin ito dahil sa mga pinagsasabi nito. Mukhang hindi ito nakakaramdam ng kahihiyan sa katawan at lagi na lamang siyang sinasabihan ng kung ano ano. Binaba naman nito ang kamay niya... sumakay na ito lumingon sa kanya dahil hindi pa rin siya kumikilos.
"Hop in... you'll be safe with me, kahit ikaw pa lamang ang siyang una kong maisasakay. I am not reckless driver."
"Talaga lang ha?" she mocked at him remembering an incident days ago. Napakagat labi naman ito ng maalala ang nasa isipan niya.
"Well that was out of jealousy... ikaw kasi." Paninisi pa nito sa kanya. Hindi na siya nagsalita pa , sumakay na lamang siya doon. Kumapit siya sa balikat nito, pero ang lokong si Roose nang inistart ang motor , tinanggal ang kamay niya na nasa balikat nito saka nilagay sa beywang.
"This is much better." Sabi nito, hindi na siya napabitiw dahil nag umpisa na itong magdrive. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag pero gusto niya ang pakiramdam nang nakasakay sa motor, gusto niya ang hangin na tumatama sa kanyang mukha... nagugustuhan niya na rin ang pabango ni Roose na nanunuot sa kanyang ilong... it's not bad after all.
Si Roose na pangunahing dahilan kung bakit niya binalak na umalis sa kanilang bahay...si Roose na siyang kasama niya ngayon.
....
When Venee asked to go to a bar, hindi na siya tumanggi. He parked his motorcycle and went off, nauna na ito sa loob kahit sinabi niya nang hintayin siya. Napailing na lamang siya at binilisan ang kanyang kilos, pagpasok sa loob ng bar ay may nakasalubong siyang mga kakilala. He just nodded at them, abala kasi ang kanyang mga mata para hanapin si Venee. Ilang sandali pa ay nakita niya na ito sa bar counter. She ordered and starts drinking. Sa halip na pigilan ay natutuwa siyang panoorin ito, hindi makakabuti kung kokontrahin niya si Venee, alam niyang malaki ang dinadalang problema nito. Sila ng kanyang ina ang siyang pangunahing dahilan.
"Hindi ka iinom?" maya-maya pa ay tanong nito sa kanya.
"Nope, I'll behave and just be your bodyguard."
"Bodyguard my ass." Sabi nito, mukhang may tama na ng alcohol... nakangiti na kasi, bagay na hindi nito normal na ginagawa. Ang normal na Venee? She acts like she hates the world, pero hindi naman, Venee just needs someone to love and to care of her...walang iba iyon kung hindi lamang siya. It will be perfect.
"I hate my mom." He stop his fantasies when he heard her say that." She went to Europe with her family... ako? Tinapon niya ako sa lugar na ayoko nang balikan... tinapon niya ako sa lugar na tinakasan niya. I hate my dad, paanong hindi niya ako..." binagsak ni Venee ang baso sa mesa, buti na lamang at hindi nabasag iyon, kung hindi magkakasugat ang kamay nito. "And lastly, I hate your mother for stealing everything." Tinaas niya ang kanyang kamay para pahirin ang luha nito...Venee's crying, it's the first time that she shows her weakness. Hinawakan nya ang mukha nito...she's really drunk, hindi na kasi siya nito tinutulok, bagkus ay umiiyak lamang ito.
"It's okay, I hate my mother too."
Imbes na umuwi ay dinala niya sa isang malapit na hotel si Venee, nakatulog ito sa pag-iyak...aaminin niya hinayaan niya rin itong malasing para makalapit siya ng ganito, yung hindi ito magrereklamo at hindi siya itutulak palayo... nakahiga ito sa kama habang siya naman ay pinagmamasdan itong natutulog, panaka nakang hinahawi ang buhok nito.
Kung hindi lamang masama ang itakas na lamang ito...
"Paano kung maging makasarili ako at hindi na kita iuwi? Paano kung itago na lamang kita sa isang lugar na tayong dalawa lamang, malayo sa pamilya natin, malayo sa mga nagbabalak na umagaw sa iyo? Gusto kitang dalhin sa isang luhar na hindi mo na mararamdaman na wala kang halaga para naman marealize mo na hindi ko binalak na agawin ang lahat ng mayroon ka...para marealize mo rin na wala naman akong ibang ginusto sa buong buhay ko kung hindi ikaw lamang....sana gising ka at naririnig mo ito." Binaba niya ang kanyang mukha para halikan ang noo nito.
....
"Sir, nandito po si Ms. Antonette." Napalingon siya sa kanilang kasambahay. Nasa garden siya ng kanilang bahay, ilang sandali pa ay dumadating na si Antonette. She's on her usual dress attire; kung dati ay excited siyang makita ito, ngayon ay hindi niya na maramdaman iyon. Mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang makalakad na para makakilos nang maayos.
"Kumusta na?" bati nito matapos humila ng upuan sa kanyang tapat.
"Naiinip." Tipid na sagot niya dito. Playing games in his phone didn't help to kill his boredom. He wants to see someone, kulang ang sandali na nakasama niya ito kahapon. His mind are filled with strange thoughts, lalo na at nasa isang bahay lang sina Roose at Venee.
"Hel, sorry sa sinabi ko noon. I took your feelings for granted." Ang mga kamay ni Antonette ay nasa ibabaw ng mesa, she's playing with her fingers, gawi nito kapag nakakaramdam ng labis na kaba.
"Kalimutan mo na iyon." he was sincere, he wants her to forget that, dahil kung siya ang tatanungin, wala na rin iyon sa kanya.
"You forgive me?" she looks teary eyed; he gave a sincere smile...
"That's great, I regret asking you to pursue Venee for me to have Roose. I was selfish that time. I'm sorry to put you on that situation. I will never do that again, hindi mo na kailangang gawin ang hiniling ko sa'yo." Hel cut her.
"Don't be sorry. I'm not doing it for you." He sincerely said na nagpaseryoso sa mukha ng kausap.
"What do you mean?"
"I honestly want Venee for myself at gagawin ko ang lahat para agawin siya kay Roose, afterall hindi naman sila pwede, maraming tututol sa kanila. Venee is better off with me, hindi kaninuman."
....