Part 7

1092 Words
"CONGRATULATION AGENTS! The Philippine National Museum already extends their gratitude for bringing back the stolen treasure." magiliw namang saad ni Deric sa kanila. "Hindi kaya magtaka ang mga sindikato na yun na naibalik bigla ang golden turtle? Baka gantihan ang gobyerno? tanong pa ni Troy. "They will have a press conference about it. They will tell that some philanthropists returned it to them. Of course, they can't say it's us, but I know they have a little hint about our organization." pag-senyas pa ni Deric sa daliri niya tumutukoy ng isang maliit na bagay "Well, what more we could say? Let's just celebrate!" magiliw namang saad ni Clein habang hawak ang champagne glass at bukas na champagne bottle. Nagtaas naman din ang lahat ng champagne tulip na hawak nila. "Cheers!" Nagkatinginan naman sina Jaime at Yael pero kaagad namang lumayo ng tingin si Jaime. Ngayon lang din niya napagtanto ang mga nangyari sa kanila. Wala pang ilang saglit ay nagulat siya sa pagtingala ng mapansing nasa tabi na niya si Yael. "Kamusta?" panimula ni Yael at tumabi sa kanya sa pagsandal sa may mesa habang nakatingin kina Deric, Clein at Troy na nagkakasiyahan sa paginom. "Good, I'm good." nakaramdam naman ng tense si Jaime kaya napainom siya sa baso. "I haven't thanked you yet for saving my ass there." "Part of our job, remember?" pormal namang sagot nito. "Still, thank you." tumingin naman si Yael kay Jaime at hindi makaila nito na nabighani na naman siya sa ganda ng dalaga. Lalo na ang mga kilos nito na noon pa man ay hinahangaan na niya. "Don't mention it." bigla na lamang umalis si Jaime upang makaiwas. Lingid sa kaalaman ni Yael ay apektado pa rin ang dalaga sa kanya kaya umiiwas na lamang ito para hindi siya mahalata.  "I'M fine, mom. And I'm sorry na hindi ako nakapagpaalam sayo. Biglaan kasi itong business trip eh." Kausap naman ni Jaime ngayon sa telepono ang kanyang ina. Nag-iisang anak lang siya at simula ng iwan sila ng ama niya noon sampung taong gulang siya ay sila na lamang ang magkasama sa buhay. (Pinag-alala mo ko masyado Jaime ah. Kailan ba ang balik mo?) "I don't know yet, mom. But I will. I promise to make it up to you." (Hmm, basta umuwi ka na lang anak. Always take care ah. I love you.) "You too mom, I love you." Pagbaba ng tawag ni Jaime ay nasa likuran na pala niya si Clein at may hawak na dalawang mug. "I should have said Hi to tita." biro nito at abot kay Jaime ng mug na may gatas. "Thanks. Why are you here?" "I can't sleep yet, then I heard somebody's talking here at the veranda. I thought you need some accompany." "Thanks, Clein." Naupo si Jaime sa malambot na carpet na napapalibutan ng mga throw pillow. Naupo na rin si Clein sa tabi niya. "So, how you've been these past few years? After graduation you were just disappeared." seryoso namang tanong ni Clein kay Jaime. Noong high school sila ay malapit na sina Jaime at Clein dahil close din nila ang mga kaibigan ng isa't isa. Ngunit gaya ng sinabi ni Clein, after graduation ay halos pinutol ni Jaime ang komunikasyon niya sa mga high school friends niya ng walang pasabi. Matagal walang naging balita sa kanya hanggang sa nagkita muli sila ng ilang kaibigan niya maliban kay Clein. "You know what, I've been seeing Flor, Nicka and Melody five years ago." pagamin ni Jaime. "What?! Five years ago? Why they didn't even -- why did you even hide?" hindi naman makapaniwala si Clein sa nalaman. "I'm so sorry. I just thought having less people in my circle will bring me peace of mind. " half truth, half not. Ang totoo, umiiwas si Jaime na sa lahat ng taong may koneksyon kay Yael. Nang mapagdesisyunan niyang hiwalayan si Yael dahil kay Angel, marami ang nagtaka at patuloy silang ginugulo kung bakit niya ito ginawa. They seemed a perfect couple. May iba na akala ay si Jaime ang may iba ng mahal. Pero mas marami ang naniniwalang nagpaubaya kasi siya kay Angel dahil may sakit ito at may taning na ang buhay. Tanging mga kaibigan lang Jaime ang nakakaalam ng totoo, pero naamin na niya ito makalipas ng ilang taon at sa pagkikita na lamang nila ulit. "That is so lame, Jaime! You should have told me!" hindi pa rin makapaniwala si Clein sa kinuwento ni Jaime. "I know, and I'm sorry. But I'm so fine now. I've already moved on." "Are you?" pagharap pa ni Clein kay Jaime at napatingin rin ito sa kanya "I am. And besides, marami na kong pinagkakaabalahan ngayon. Matagal ko ng kinalimutan yun." Mukhang convinced naman si Clein. Sabay pa silang uminom sa mug ng gatas pero naunang nagbaba si Clein ng baso. "So, maybe I could have my chance now..." Halos masamid si Jaime sa narinig. "Are you okay?" pagalala pa ni Clein ng maubo si Jaime. "I'm fine." nang mahimasmasan si Jaime ay tila may kung anong kabog sa dibdib niya. "I mean it Jaime. Ever since first year high school, I do really have a huge crush on you." paliwanag pa ni Clein na halos makapagpatunganga kay Jaime. "I'm afraid to admit it because you might distance yourself from me. So, I remained as one of your closest friends. But then again, Yael came and suddenly I lose my chance. You seem in love to each other and I can't -- I don't want to ruin it. I just promise myself I will be happy for you." Ramdam naman ni Jaime ang sincerity sa mga sinabi ni Clein pero hindi pa rin siya makapaniwala rito. Buong akala niya ay hindi siya ang tipo nito dahil matalino si Clein, nerdy type siya pero napakagwapo na halos walang year at section sa campus nila na hindi nagkakagusto sa kanya. Active rin ito sa sports at academic activities sa school kagaya ni Yael kaya sikat ang mga ito. "I'm not pressuring you about this. Just let me be close to you again and I'll show you that my intentions are pure, Jaime. I won't lose this chance, now that I'm with you again." Hindi naman malaman ni Jaime ang sasabihin sa confessions ni Clein sa kanya. Hindi malinaw sa kanya ang lahat at tila naguhuluhan siya kung bakit siya ang gusto ng binata. Wala rin namang maisip si Jaime na ibang dahilan para hindi niya magustuhan si Clein. But back of her mind saying Yael could be a reason why not.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD