Part 6

1124 Words
IMBES NA DUMIRETSO pabalik sa event si Jaime, naghanap siya ng matataguang kwarto pa kung saan naroon ang ibang bagay na i-auction. "As fast as you can, do you copy?" (Copy.) Idi-distract ulit ni Jaime ang security sa pagmamagitan ng pagpapa-alarm niya sa kabilang kwarto para maalis ang atensyon ng mga security sa silid kung nasaan si Yael. Nang makita ni Jaime na iisa lamang ang bantay sa kwarto ay kakaagad niyang nilapitan ito na parang wala lang. "Ma'am, you're not supposed -- ugh!" Kakaagad nawalan ng malay tao ang bantay ng biglang sinapak ito ni Jaime dahil hindi nito akalain. (Damn!) Kinuha ni Jaime ang baril ng bantay at pinagbabaril ang lock ng pintuan hanggang sa masira ito at magbukas para magmukhang may nagtangka na magnakaw sa mga gamit na naroon. Saka niya pinindot ang fire alarm at tumunog kakaagad ito sa buong gusali, including the outside part ng resort. "Check the rooms!" sigaw pa ng isang security na tila nagkakagulo na rin sila para matingnan ang mga gamit sa auction. Narinig na rin ni Clein ang fire alarm at kakaagad siyang nagtungo sa loob ng kitchen imbes na sa fire exit. Habang nagkakagulo ang lahat para makalabas, pumasok si Clein sa isang closet at hinubad ang coat niya. Sinuot niya ang isang coat na nakasampay roon na kagaya ng sa mga security ng private auction. Nagsuot din siya ng shades at kunwari ay may radyong hawak. Pero konektado pa rin ito sa kanilang apat. "Will be there guys." SA kabilang banda habang nagkakagulo ang lahat, nagawang makuha ni Yael ang golden turtle kahit pa mabigat ito. Binalot niya lamang ito sa itim na tela at ng papalabas na sana siya sa kwarto ay siya namang kita sa kanya ng mga security na pabalik na ngayon para magbantay sana ng silid. Medyo kinabigla ni Yael yun lalo na't pinaputukan kaagad siya ng baril ng mga ito. Nanakbo naman siya para makaiwas. Tumakbo siya sa mga hallway pero bawat dulo ay may mga paparating na security at hinahabol na siya ng mga ito. Nang sa huling kanto ay napahinto siya dahil may dalawang lalaking papasalubong sa kanya habang tumatakbo. Aakma na itong paputukan siya ng mga baril ngunit bago pa man ay may narinig na siyang mga putok ng baril mula sa likuran niya at bumagsak ang dalawang lalaki sa harap niya. Napalingon siya sa likuran at nakita niyang si Jaime ang bumaril sa mga lalaki. "Com'on! This way!" nanakbo naman si Jaime at sumunod sa kanya si Yael habang buhat pa rin ang golden turtle. Si Jaime ang nagsilbing shield ni Yael habang binabaybay nila ang mga hallway at nakakasalubong ng mga security. "Nasa kanila ang golden turtle! Habulin niyo!" sigaw pa ng lalaki at kaagad namang hinabol ang dalawa ng mas maraming security. Nakikipagpalitan ng putok ng baril si Jaime sa mga nakakaharap nila. Mabuti na lamang ay may mga dala rin silang baril pa kapag nauubusan na ng bala. Huminto sila saglit sa isang kanto habang patuloy silang pinapaulanan ng bala ni Yael. (Where are you guys?) tanong pa ni Clein sa linya dahil nakapwesto na siya sa underground exit kung saan doon nga dinadaan ang mga auction items. Nagpanggap na rin siyang isang security para magkaroon ng access makalapit sa mga auction items. "We'll be there!" sigaw ni Jaime dahil patuloy pa rin silang pinapaputukan. Nilapag ni Yael ang golden turtle at dinukot ang baril niya. Sinenyasan niya si Jaime na maghanda at sabay nilang papaputukan ang mga kalaban. Nagtuguan sila at sabay na humarap sa mga lalaki at pinaputukan ang mga ito ng walang humpay. May ilang bumagsak at lumayo. May ilan ring nakikipagpalitan ng putok sa kanila. "Cover me!" sigaw pa ni Yael at kinuha na ang golden turtle habang patuloy sa pagpapaputok si Jaime. Nang clear na ang hallway, nananakbong tumawid na sila hanggang sa makarating sa exit lusot sa parang pipe hall. Tinakbo na nila ito para makalabas sa underground exit. "We're on our way!" saad pa ni Jaime na hudyat naman kay Clein para dalahin ang isang box na kunwari ay laman noon ang auction items na lilikas. "Isakay mo na yan doon closed van." pagsita naman ng isang lalaki kay Clein ng mapansin na buhat niya pa rin ito. Napahinto na lamang muna siya. "Oo, sige." kahit medyo slang pa rin magtagalog ay marunong naman na ito. Nang nilagpasan na siya ng lalaki ay nagmadali naman siyang bumalik sa exit point ng underground. Natanaw na niya sina Jaime at Yael na nanakbo pero may nagpaputok sa kanila kaya napayuko sila saglit habang nananakbo. Sumugod na rin si Clein ng makita sila para matulungan ang dalawa. "Put it in the box!" at kaagad na dumiretso ang dalawa sa box na nakalapag malapit sa exit. Pagkalagay nila roon ay kaagad ng nanakbo si Jaime palabas ng exit pero kaagad din siyang huminto na kunwari’y tila nagmamadali lang. Nagpanggap ulit siya na parang guest na nagmamadali lang makalabas ng building. May ilang mga lalaking nakakita sa kanya pero hindi siya napansin dahil kaagad na may nakasalubong siyang iilang guests at staff ng hotel sa hindi kalayuan sa exit. Si Yael naman ay kaagad na nakapasok sa isang ventilator dahil doon siya nanggaling kanina. Nakapagtago na siya roon at gumapang papuntang kabilang parking at doon na nagiintay ang sasakyan nila para makatakas. "Nasaan na sila?!" tanong pa ng lalaking humahabol sa dalawa. "Tumakbo palabas, biglang nawala eh." palusot ni Clein. Nagpanggap na pinapaputukan at hinabol niya sina Jaime at Yael ng makasalubong siya ng mga lalaking security. "Ano pang tinatayo niyo dyan? Habulin niyo! Nasa kanila ang golden turtle!" galit namang utos nito sa lahat at kumilos naman sila. Samantalang si Clein ay binuhat ulit ang box na naroon na ang golden turtle saka lumabas ng exit at ipinasok na niya ito sa closed van na kaagad namang umalis. "Nice one, man!" saad pa ni Troy ng makalapit sa kanya si Clein. "Mission accomplished." nag-fist bump pa sila ni Troy. Si Yael naman ay nakalusot na sa restroom ng mga lalaki sa main reception ng resort. Nakakita siya ng coat na nakasabit sa gilid ng restaurant malapit sa reception, pasimple niyang kinuha ito at sinuot.  Nakihalubilo na siya sa mga nagkakagulong guests na naroon. Napansin na rin niyang si Jaime na nasa gitna at nakikihalubilo rin. "Please all calm down. We're still checking the whole place if there's really an emergency. Please remain calm." pagaanunsyo pa ng resort manager sa mga guests na naroon sa reception hall. Nagkatinginan naman sina Jaime at Yael, dahan-dahan silang lumabas na sa parking at sabay ng sumakay sa iisang kotse. "Good job everyone." saad pa ni Jaime habang nakasakay na sila ni Yael sa kotse at siya ang nagmamaneho nito.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD