HABANG ONGOING ANG auction ay humanap si Jaime ng pagkakataon para makasibat sa lugar. Umalalay naman si Clein sa pagkawala niya para hindi mahalata. Nagkunwaring nag-bid rin si Clein sa ino-auction ngayong isang ancient Samurai.
Nagtungo si Jaime sa restroom ng mga babae pero bago pa man siya makapasok roon ay lumihis na siya ng daan habang nakatingin sa mga bantay sa paligid. Wala namang nakapansin sa kanya.
Sa paglalakad niya ay may nakita siyang isang kwarto sa dulo ng hallway at sinusubukang lumapit roon.
(Jaime, what are you doing?) tila pagaalala ni Troy.
"I'm trying to make this faster as it can be."
Sumandal si Jaime sa pader katabi ng kwarto at tila may naririnig siya nagsasalita sa loob ngunit hindi niya yun marinig ng maayos.
(Jaime, get your ass back at the party. Yael is already on his way.) halos bulyaw pa ni Troy sa linya nila.
"Shh.. I guess, I know where the golden turtle is." habang nakatago pa rin siya sa pader ng kwartong binabantayan ng mga gwardya, humahanap din siya ng paraan para ma-distract ang mga toh. "Yael, where are you?" bulong niya sa linya.
(He's ten steps away, left side hallway.) sagot ni Troy kung saan siya lang nakakakita ng exact location ng tatlo dahil sa mga tracking devices na nakakabit sa kanila.
"Great. I'm going to distract them and get your best way to get in that room, do you copy?"
(Copy.) tugon naman ni Yael na nakikinig lang sa kanila.
Sakto ang hawak pa rin ng champagne glass ni Jaime na may laman pa. Sumuray-suray siya sa paglalakad papalapit sa tatlong lalaking nakatayo at tila nagbabantay sa silid.
"Oh gosh, where's the loo here?" nag-British accent siya habang sinasabi ito at kakaagad siyang napansin ng mga lalaki ng maglakad siya papalapit sa mga ito.
"Ma'am, you're not supposed to be in here." magalang namang sita sa kanya ng isang lalaki at tila gusto siyang alalayan.
"Oh really? Aren't this way to the loo?" tila tipsy naman ang arte ni Jaime. Nagpanggap din siyang matutumba kaya napasalo sa kanya ang mga lalaki pero kakaagad na nakakatayo. Umiinom din siya kaunti sa glass niya at mas nagiging clumsy siyang kumilos. "They said it will be this way? But I've been walking all around and -- and I'm tired, yah know?" convincing naman ang lasing-lasingang arte ni Jaime sa mga lalaking bantay.
"We will escort you to the exit, Ma'am." paghaya pa sa kanya ng isang gwardya.
"No! I need to get in the loo!" pagmamatigas pa ni Jaime na mas lalong umarteng lasing na matutumba na.
"Security Alpha, we have a little curd invader at the hall. We need assistance for this. There's a drunk guest went by. I repeat, assistance for this." saad pa ng isang lalaki sa radyo niya habang ang dalawa at inaalalayan si Jaime palayo sa binabantayang kwarto.
"Ohh I'm feeling hazy! I think I couldn't made it walking! " pumabagsak si Jaime at nasalo naman siya kakaagad ng dalawang lalaki habang naglalakad sila. Nakita ito ng naiwang lalaki at tila nagalala kaya lumapit siya sa mga ito.
"Mukhang kailangan na niyang pumuntang clinic Sir."
"Sira ka ba? Mayaman yan, for sure may kwarto yan dito sa resort. Ipabalik na lang natin sa Security Beta."
Tila paguusap pa nila na akala ay hindi ito naiintindihan ng dalaga.
"Whut?! Security? I ain't doing anything wrong! Do you know who I am?!" tila naging aggressive na si Jaime dahil sa kalasingan kunwari.
"No ma'am, we're just asking the other security team to escort you back to the event." paliwanag pa ng isang huling lumapit sa kanila.
"No! I can handle myself!" nangmakatayo ulit si Jaime at lumakad palayo ay natumba na ito ng tuluyan sa sahig. Kakaagad naman siyang nilapitan para alalayan ng tatlo.
(You're doing good babe.) natatawang komento naman ni Troy sa linya.
Tila yun naman na ang hudyat kay Yael para sumalisi sa kwarto habang busy ang mga bantay kay Jaime.
Agaran namang lumapit si Yael sa pinto ng silid at naka-lock nga ito. Sinubukan niya kakaagad buksan ito gamit ang nakuha din nilang security card at kaagad na nagbukas ang silid. Pumasok na siya bago pa man maibalik ng mga bantay ang tingin sa pintuan.
"Security Beta, security beta!" pagtawag pa ng gwardya sa radyo nito.
"I'm in." pagaanunsyo ni Yael sa linya.
Agaran naman ding tumayo na si Jaime na tila walang nangyari. "I'm fine. I can walk myself back to the party."
Tila nagduda naman ang tatlong bantay. "Are you sure ma'am? The security will soon come to escort you."
"No, it's okay. I can walk straight. You see.." dahan-dahan naman naglakad si Jaime palayo sa mga security. Naiwan namang napakamot ulo ang tatlong bantay at hinayaan na lamang siyang makaalis.
SA kabilang banda, nang makapasok si Yael sa loob ng silid tila hindi kakaagad siya makagalaw. Ramdam niyang puno ito ng laser alarms kaya hindi siya kakaagad makakilos.
"Didn't you also hack this security?"
(Sorry man, beyond the control.)
Madilim ang buong silid at tanging mga pulang ilaw lang sa laser alarm ang maaaninag. Nagsindi ng maliit na flashlight si Yael at kinabit sa noo niya. Tinanaw-tanaw niya kung saan ang main switch ng alarm para mapatay ito.
Nang makita niya ay nag-spray siya sa paligid upang mas lumitaw sa paningin niya ang mga laser alarm.
"Here I come."
Nagpalusot-lusot si Yael sa mga laser. Maingat siyang humahakbang, tumatalon at lumulusot sa mga ito. Bago pa man siya makarating sa main switch at kamuntik na niyang madikitan ang isa dahil halos dumausdos siya sa paghakba rito. Mabuti na lamang ay kakaagad siyang napahinto kaya hindi nadikit ang dulo ng matangos niyang ilong sa mga ito.
Nang makarating sa main switch ay kinalikot niya kakaagad ito na para bang bomba na kailangan niyang I-detonate. Nagputol siya ng ilang wires at nawala na nga ang mga laser alarm sa paligid.
Lumibot na siya ng tingin sa paligid at napansin ang isang parisukat na lagayan na natatakpan ng itim na tela.
Kakaagad niya itong nilapitan at hinila ang telang nakabalot rito.
Tumambad sa kanya ang pakay nila. Ang Golden Turtle na kailangan nilang maibalik sa National Museum. Tila namangha naman si Yael sa ganda nito.
"Guys, I found it. It's in here."
(Yes!)
(Nice one.)
"Maybe you should think fast on how will we going to take it away from here because the auction of that one is going to be next." tila pagaalalang saad ni Jaime dahil nakita niya ang list ng pagkasunod-sunod ng items na I-auction.